Chapter 17

612 19 4
                                    

Maganda na ang pakiramdam niya ng bumangon siya.

Hinanap niya si Nanay Nida pero wala sa kusina pagkunwa'y tumingin sa orasan. Pasadong alas singko na pala ng hapon, medyo kumalam  na ang sikmura niya at naghanap makakain ng isang doorbell narinig niya.

Baka si Nanay Nida, hindi na nagpaalam lumabas. Nagmadali niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon.

Ngunit isang magandang babae ang bumungad sa kanya. Mukhang pamilyar ang mukha nito kung hindi siya nagkamali ito ang babaeng kahalikan ng boss niya sa opisina. Biglang siyang kinabahan dahil doon.

"Who are you? "Masungit na wika nito at halos magdikit ang mga kilay nito. "Looks familiar,huh! Where is Hunter?" malakas na wika nito.

"Ho? Wala po siya dito. Nasa opisina niya." napakunot ang noo niya.

Umismid ito.

"Ako nga ay huwag mong lukuhin, nasa labas ang sasakyan niya," sigaw nito." At teka kayo lang dalawa dito, walang hiya ka! Hindi ba't isa ka sa empleyado niya? Kaya pala pamilyar ang mukha mo."

Dalawang kamay nito ang humawak sa buhok niya at halos hindi siya makagalaw.

"Teka po, bitawan ninyo ako. Nagkakamali po kayo~"

Hindi niya magawang lumaban pa at halos mapaluhod siya sa sahig.

"Sinasabi ko na nga ba at may bago na naman pinaglalaruan ang bwisit na lalaki na iyan at ikaw pa ang pinatulan. So, Cheap!" Sigaw nito at isang sampal ang dumapo sa mukha niya.

Nanghihina na siya at hindi siya makatayo.

"Roxanne,bitiwan mo siya!"

Biglang may lumabas sa isang kwarto at ang boses nito ay umalingawngaw sa buong kabahayan.

Naramdaman na lang niya ang paghila nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito!" muling sigaw nito.

"Ako ang dapat magtanong! Sino siya?Siya ba ang pinalit mo sa akin? Kaya pala halos hindi mo na ako kinakausap? Pagkatapos kung ibigay sarili ko saiyo!" Sigaw ng babae.

"Roxanne, mag-usap tayo. Sa ngayon umuwi ka na o intayin mo ako sa labas." Inis na sagot ng lalaki.

Pero wala na siyang pakialam kung ano ang meron sa dalawa  dahil sa nararamdamang panghihina ng kanyang katawan  at  nakita ang dugong dumadaloy sa binti napahawak siya sa braso ng lalaki at isang hikbing kusang lumabas sa kanyang bibig. Maya-maya pa naging blurd ang paligid niya hanggang nagdilim ang lahat.

"F*ck! Era, wake up!"

Iyon lang ang tanging narinig niya hanggang tuluyan na siyang mawalan ng malay.

******

Isang tahimik at puting paligid ang bumungad sa kanya. Napakurap siya ng mata saka dahan-dahang ibinaling ang mga mata sa gilid. Nakita niya ang boss niya na nakahawak sa kanyang kamay. Ginalaw niya iyon para makuha ang antensiyon nito.

"Are you awake!" nagulat na wika nito.

Tumitig siya dito pero hindi niya nakayanan ang kaba at muli siyang pumikit. Naalala niya ang nangyari, malamang na alam na nito ang kalagayan niya.

"Era, tapos na maliligayang araw mo," bulong sa sarili.

Narinig niya ang pagpasok ng nurse.

"Mr.  Avella, her condition still stable." anito.

"Why she sleep again?"

"Dahil sa gamot iyon at reaksyon ng katawan ng pasyente."

Gising naman talaga siya. Ayaw lang niyang makausap muna ang lalaki. Pero nakaramdam siya ng kaba at takot ng maalala ang dinadala niya.

"Nanay Nida, lalabas lang ako saglit. Kukuha lang ako ng ibang gamit sa resthouse." Narinig niyang paalam nito.

"Sige, magpahinga ka muna, kagabi ka pa walang tulog na bata ka," mula sa matanda.

Parang may kung anong humaplos sa puso niya. Kahit sobrang sungit at seryoso may kabutihan din sa puso nito. Pero tila hanggang doon lang iyon, nagpadala na siya sa mapang-akit na awra nito at lalo pa nang dumating ang girlfriend nito sa resthouse  kagabi.

Tumahimik ang paligid at mga ilang minuto pa muli niyang idinilat ang kanyang mga mata.

Nagugutom at nauuhaw siya.

"Nay," mahinang tawag niya sa matandang abala mag-ayos ng mga prutas sa kabilang dulo.

Mabilis itong napalingon sa kanya.

"Naku, gising ka na ulit, Era. Teka, tawagin ko muna ang doctor." natarantang wika nito at may d-dial sa gilid.

Nakita ko ang pagpasok ng isang naka-uniform na lalaki at mukhang ito ang doctor kanina.

"Hi, Era! So brave with your baby." malawak na ngiti nito. "I will check your body status,"

May maliit itong flash light at check ang mata niya saka inilagay ang stethoscope sa dibdib niya. Kinuhaan din siya ng blood pressure.

"All response is stable, kunting pahinga lang at pwede ka ng lumabas. Anyway, Congrats to you and Mr. Avella. You are three weeks pregnant." ngiti nito.

Nawala ang kaba niya ng malaman niya na okey ang dinadala niya. Nginitian lang niya ito at nagpasalamat, masarap sanang pakinggan kung ang lalaki ang ama nito.

"Era, mabuti at maayos lang ang lahat. Naku, ang Roxanne talaga na iyon ang laging asungot kapag may nalalamang karelasyon ang alaga ko. Buti na lang at lumabas agad si Sir Hunter, baka tuluyang nalaglag ang bata." naiinis na wika nito.

"Nay, baka pwede na pong umuwi na tayo. Mukhang maayos na kami ng anak ko. Pasensiya na gulong dala ko, mukhang nagulo ko ang relasyon ng dalawa." malungkot niyang wika.

"Sus, iwan ko sa babae na iyan. Bigla na lang sumulpot condo ni Sir Hunter  ilang buwan na nakalipas. Kung maka-demand sa alaga ko asawa na."

Mas lalo siyang nalungkot sa sinabi nito. Hindi yata at talagang likas sa amo niya ang pagka-palikero.

"Nagugutom ka na ba?  Saglit at ipag-prepare kita ng pagkain."

Tumalikod ito at kumuha ng mga pagkain.

At naubos niya ang pagkaing binigay nito. Naisip niyang bumalik na lang baording house at doon magpahinga ng lubos.

Malamang na susundan pa rin siya ng girlfriend nito. Kaya mas mabuti na rin ang ganoon para maiwasan niya ang binata. Ayaw niya ng sweet treatment nito at nasasanay na siya. Impokrita naman siya kung hindi niya aaminin sa sarili na hinangaan niya ang lalaki at naging dahilan kung bakit ipinagkaloob niya ang sarili dito. Pero iyon na ang huli lalo pa at ang girlfriend nito ay nanggugulo ang girlfriend ng boss niya.

Kailangan harapin ang galit ng magulang niya. Susubukan niya na magpaliwanag at  baka tanggapin siya.

Nasa ganoong sitwasyon siya ng bumukas ang pinto.

Mukha ng lalaki ang bumungad niya. Mabilis na binaba ang mga dala saka lumapit sa kanya.

"Era, how your feeling today?" nag-aalalang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Iniwas niya iyon.

"Sir, gusto ko ng umuwi." iyon lang ang sinabi niya.

Muli nitong hinuli ang kamay niya.

"I'm sorry for what happend. I will assure you that she never do it again." saka inilapat ang labi nito sa kamay niya.

Nakaramdam siya ng sikdo sa dibdib niya at tila kuryenteng dumaloy sa balat niya ang simoleng halik na iyon na tila ikinapaso niya. Muli niyang hinila nag kamay niya. Malungkot ng mga mata nito, hindi siya pwedeng magpadala doon.

"Pwede mo na ba akong ihatid sa boarding house? Doon na lang ako magpapagaling," walangbemosyon niyang wika dito.

Kailangan niyang ipkaita ang cold treatment  dito para iwasan na siya at huwag na siyang guluhin ng binata.

Nanatiling nakatitig ito sa kanya na para bang may gustong sabihin pero ipinikit niya  ang kanyang mga mata.

Narinig niya ang mahinang pamumura nito. Sa maikling panahon nagkaroon ito ng puwang sa puso niya at saka tumulo ang luha sa mga mata niya.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon