Chapter 22

605 17 15
                                    

"Sir Hunter! Ikaw nag nagdala sa akin dito?" inis na wika niya dito ng makalapit sa kanya ang lalaki.

Umurong siya nang dahandahan pero na-out of balance siya saka tumama ang hita sa gilid ng upuan, hindi niya iyon napansin pero imbis na sa semento siya bumagsak ay sa mga bisig ng binata siya napahawak at maingat na isinandal sa dibdib nito. Napapikit siya ng masamyo ang pabango, nagustuhan niya ang amoy na iyon. Simula ng malaman niya na nagdalangtao siya ito na yata ang amoy na hindi niya kayang mawala pa.

Pinaglihihan ba niya ito? Muli niyang   sa sarili habang nakapikit ang mga mata.

"Are you okay?"

Mahinang bulong nito. Biglang uminit ang ulo niya at ititulak ito.

"Sir Hunter, this is kidnapping! Pauwin mo na ako. Ano kasalanan ko para ikulong mo dito?" mataas na boses niya nilakasan lang ang loob niya para hindi mahalataang nararamdaman niya.

"Don't call me sir. I'm not your boss anymore. Remember, you are  resigned ." walang emosyong sagot nito.

Napanganga siya pero totoo naman ang sinabi nito.

"Bakit nga po ako nandito na dapat nakauwi na ako ng probinsiya namin!" inis niyang wika.

"Bakit ka nag-resign at uuwi ng hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" blankong emosyon pa rin iyon na may diin ang mga binitiwang salita.

"Para saan? Yes, you are my boss but I have a resignation letter and I comply~"

"I don't care! How about that night?"

Parang tumigil ang mundo niya. Pero sandali lang iyon saka nakabawi sa pagkabigla. Alam na ba ng lalaki na nagdadalangtao siya?

"Sir~"

Walang sabi-sabing hinapit nag beywang niya at mabilis siyang hinalikan ng lalaki. Pumalag siya pero mas malakas ito. Mapangahas ang halik saka kinagat ang pang-ibabang labi niya dahil doon muli niya itong itinulak pero bigla siyang pinasan nito at dinala sa taas kung nasaan ang kwarto nito.

"Ibaba mo ako! Teka lang, hindi ito ang kwarto ko,"

Pero hindi ito nakinig sa kanya.

Naramdaman niya ang pagbaba nito sa malawak na kamang iyon.

Bumangon siya pero mas malakas ito.

"Don't try to scape. Ipaalala ko lang ang gabing iyon kung hindi mo na maalala at matandaan,"

"Sir, Anong sinasabi mo?" mahinang wika niya at muling itinulak.

"I miss you, Era." mahinang bulong nito.

Napatitig siya dito at lumapat ang labi nito sa labi niya.

Gusto ng katawan niya ang ginagawa ng binata pero kailangang niyang pigilan ito, ayaw niyang lumalim ang nararamdaman niya dito kahit alam niyang ito ang ama ng dinadala niya lalo pa at wala naman silang relasyon ng boss niya.

"Sir. . .mali ito." itinulak niya ito ng malakas.

Sukat doon biglang tumigil ito.

"I'm sorry. I. . .I don't know what happened to me. . . but~"

Hindi na itinuloy saka tumayo ito at lumabas ng kwarto.

Paglabas nito biglang kumawala ang mga luha niya, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya para sa binata.

Ang dami na ng nangyari, unang pagkikita pa lang nila hanggang pag-alis ba naman niya hindi pa rin siya patatahimikin ng boss niya? Tumayo siya saka lumabas ng silid na iyon at pumasok sa tinutuluyang kwarto.

Narinig niya ang nabasag na kung anong bagay sa labas at iyon ang ayaw niyang alamin.

Dumaan ang magkahapon na hindi siya lumabas kahit may kumakatok hindi niya pinansin pero biglang bumukas iyon.

"Get up and eat this food."

Mukhang maayos na ang awra ng lalaki.

Tumitig siya sa dalang pagkain nito.

"Hindi pa ako gutom." maikling wika niya. Kahit ramdam niya na kumakalam ang sikmura niya.

Nakita niyang ibinaba  ang pagkain sa table at lumapit ito sa kanya.

"Iiwan ko ang pagkain dito. Make it sure na pagbalik ko ubos na ito."

Saka humalik sa noo niya at lumabas na ito. Maya-maya pa ay narinig niya ang pag-alis ng isang sasakyan.

Saan kaya ito pupunta? Bulong sa sarili.

Muli siyang napatingin  sa pagkain at natakam siya.Mabilis na lumapit dito, nasimot ang laman ng plato sa tindi ng gutom niya.

"Sorry, anak. Masyadong mabilis maasar ang mommy mo, tuloy nadamay ka." habang hinihimas ang impis na puson niya.

Pagkatapos kumain, naisipan niyang bitbitin ito papuntang kusina at dahil wala ang boss niya malaya siyang gumala sa loob ng resort.

Habang papalapit narinig niyang nag-uusap ang mga kasambahay.

"Gwapo talaga ni Sir Hunter, akala ko hindi na siya babalik dito sa tagal na panahon pagkatapos mawala si Senyora."

"Akala ko nga hindi na siya babalik pero si Ma'am Emerald lang pala magdadala sa kanya dito."

Narinig niya hagikhik na parang kinikilig ang mga ito.

Tumikhim siya para makuha atensyon ng mga ito.

"Ma'am Emerald. . .kayo pala. Naku, dapat tinawag mo na lang kami para kuhain ito."

Inabot niya ito at ngumiti siya.

"Maliit na bagay po. Era na lang ho nag itawag ninyo sa akin."

"Naku, mgaagalit si sir." sagot ng mga ito.

"Sige ho, pero kapag ako lang, Era na lang. Okay po ba?" ngumiti siya sa mga ito.

Alangang tumango ang mga ito.

"Umalis nga po pala si sir. Bibisita kay Don Edwardo sa farm." wika ng isa.

Tumango lnag siya.

"Ma'am Emerald, ako nga po pala si Lena at ito si meme." wika nang isa sa kaharap niya. Tantiya niya nasa thirties pa lang ito at si meme nasa twenties lang.

"Masaya po ako na makilala kayo."

"Kami din, Ma'am Emerald. Pero dapt sumama kayo kay Sir Hunter para makita ninyo ang farm. Mahilig po si sir sa nakaka-relax na lugar kahit ang ama niya." wika ni Lena.

Na-imagine niya nag lugar pero hindi na niya siguro makita iyon dahil sa sitwasyon nila.

Nalaman niya na ito ang balwarte ng binata at nag-may-ari ng malawak na lupain dito.

Maya-maya ay dumating din ang binata na nagmamadali.

"Lena at Meme, kailangan ninyo bumalik sa farm. Ipahatid ko kayo sa driver." wika nito habang papasok. "Susunod kami bukas ng umaga,"

Bumaling ito sa kanya.

"Dito na lang po ako or pwede mo na ako puwiin dahil nakapagpaliwanag na ako saiyo."wika niya at tumalikod na siya.

Narating niya ang kwarto at bago isara iyon humarang ang boss niya.

"Era, prepare your things now, aalis tayo ng maaga bukas." wika nito.

"Sir, hindi ko alam kung ano plano mo pero labas na ako diyan. Paalisin mo na ako dito." seryosong wika niya.

"Then, be my girl at makakaalis ka dito pero kailangan muna nating dumaan sa farm."

Napapikit siya at tumingin dito ng deritso.

"Hindi ako nakikipagbiruan at pwede ba~"

"I'm f*cking serious, Era. Magdadala ka lang ba ng ilang pirasong damit or bibitin nating lahat ang maletang iyan?" seryosong wika nito.

Napailing siya.

"Napaka-imposible mo, ano ito blackmail?"

"No,I'm stating the fact."

Nakipagsukatan siya ng tingin dito pero siya mismo ang bumawi dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Bakit napapasunod siya ng binata? bulong sa sarili habang inaayos ang ilang pirasong damit at inilagay sa isang  bag.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon