Hating-gabi nang magising siya at makaramdam ng gutom. Ayaw niya sanang pansinin iyon pero sadyang hindi niya matiis. Lumabas siya at naghanap ng makakain.
Medyo maliwanag sa kusina kaya naman kahit alanganin, binuksan niya ang refrigerator. May nakita siyang sandwich doon. Inilabas niya iyon. Kumuha rin siya ng tasa, saka sinalinan iyon ng freshmilk. Bahala na. Palitan na lang niya iyon kapag hinanap ng boss niya.
Inilapag niya sa mesa ang mga pagakain, saka kumuha ng tray. Sa kwarto niya na lang kakainin ang mga iyon.
"Why didn't you turn on the lights?" At biglang lumiwanag ang paligid.
Nabigla naman siya. Kilala niya ang tinig na iyon kahit hindi niya lingunin.
"S-Sir. . ." natitigilang wika niya. "S-sorry kung nakialam na ho ako sa kusina ninyo. A-Ano kasi . ." Ayaw niyang lingunin ito dahil sa hiya. Nahuli kasi siya nito.
Naramdaman niya ang paglapit nito.
"It's okay. Are you sure na iyan lang ang kakainin mo? Malamig na ang mga iyan. Much better if you drink hot milk."
Unti-unti siyang humarap dito. Nakita niyang hawak nito ang baso. At kung hindi siya nagkakamali alak ang laman niyon.
Mukhang nabasa nito ang laman ng isip niya.
Ngumiti ito. "Just a little shot. I can't sleep."
Tumango siya.
Ibinaba nito ang hawak at kinuha ang mga pagkain. Ilan sandali pa umuusok na ang mga iyon.
"Salamat, Sir. Kaya ko naman. Hindi niyo na kailangan pang gawin ito. Sige kayo, baka masanay ako," aniya.
"Still. . . I wanted to," anas nito.
Nabigla siya. Alam niyang medyo nakainom na ito kaya hinayaan na lang niya.
"A-Ah, S-s-Sir. Sa kwarto na lang po ako kakain," paalam niya rito.
Mapupungay ang mga matang tinitigan lang siya nito. Pakiramdam tuloy niya, nagkulay kamay ang mga pisngi niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito.
"Just stay here and eat." Umupo ito sa harap niya.
Tahimik siyang sumunod dahil nagugutom na rin siya.
"Kumusta na pala ang pakiramdam mo? After five days of your leave, dadaan tayo sa doctor para maka-siguro tayo na maayos ka na bago bumalik sa trabaho," anito.
"No need na po. Maayos na po ang ako. Sa katunayan, pwede na ako magtrabaho bukas. Salamat na lang po sa pag-alala," mabilis niyang sagot.
Naubos na niya ang ginawang pagkain nito. Tumayo siya at hinugasan na iyon.
"Mauna na po ulit ako matulog. Kayo ho, matulog na rin kayo. Hindi makatutulong ang alak sa kung ano man ho pinagdaanan ninyo," mahinang wika niya.
Ayaw niyang makialam pero iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. Ayaw niyang makita ang reaksyon nito, kaya mabilis siyang tumalikod.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito, saka siya hinila pabalik.
"How can I sleep?" bulong nito. Hinapit nito ang beywang niya. "I miss this. . ." At walang sabi-sabing inangkin ang mga labi niya.
Sa gulat ay kusang umawang ang mga labi niya, kaya mas lalong lumalim ang halik ng binata.
"T-teka l-lang ho, Sir—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang muli itong gumalaw.
Gumapang ang halik nito sa leeg niya. Pagkuwa'y binuhat siya nito at pinaupo sa mesa. Hindi niya alam kung matibay ba iyon dahil nadarang na din siya sa apoy na sinimulan ng lalaki. Kusang pumulupot ang mga kamay niya sa leeg nito.
BINABASA MO ANG
ONE WILD NIGHT
RomanceEmerald Manalo. Mas kilala siya sa pangalang Era. Isang babaeng ang puso ay laging bigo sa pag-ibig. Maganda naman siya. Iyon nga lang, mas gusto niya ang laging nasusunod. Because her boyfriends always wanted to take advantage of her. Iyon ang isa...