Chapter 14

621 20 3
                                    

Iba ang daan tinatahak ng kanyang boss dahil nag-volunteer itong maghatid sa kanya pero dumaan muna sa isang restaurant at nag-order ng pagkain. Napakunot noo niya, pwede naman ipagawa sa mga tauhan nito at mga maid iyon pero personal na ginawa ng binata kahit ang pag-d-drive ay siya mismo ang gumawa.

Huminto sila sa isang gusaling pamilyar sa kaniya pero baka nagkakamali lang siya.

"Stay here, may kukuhanin lang ako sa condo." sama umimbis sa sasakyan.

Hindi siya mapakali sa kanyang pwesto dahil sa pamilyar ang lugar na iyo sa kanya, dito pala ang condo ng boss niya.

Mga ilang minuto lang nakita niyang palabas na ang binata ng gusali. As usual, napakagwapo nito at parang isang perfect na master piece na naglalakad. May kahawig itong isang model at artista pero hindi niya matukoy kung sino.

Parang nag-crave siyang yakapin ito.

"Hey! Are you okey?"

Nasa harap na pala niya ito at hinfi namalayan ang paglapit nito.

Napakurap ang mga mata niya, ang hirap naman ipaliwanag nang nararamdaman niya ngayon. Hindi pwede na yakapin niya ito,  magmukha lang siyang weird at isa pa baka makahalata kung ano ang tunay niyang sitwasyon ngayon.

"Anak, behave ka muna ngayon. Kakaumpisa mo pa lang magparamdam, ang yakapin ang boss ko ang craving mo ngayon. Huwag ganoon," tahimik niyang bulong.

Pero bakit hindi niya mapigil, naiiyak na siya pero ibinaling na lang niya sa labas ang paningin para hindi makita ng lalaki ang drama niya sa buhay.

Pero bigla siyang hinila palapit ng binata at niyakap.

"Gusto mong dumaan muna tayo sa doctor para ma-sure na okey ka na,Era." malambing na wika nito at hinagod ang likod niya.

Nabigla man, pumikit na lang siya at ninamnam ang sandaling iyon.

Gustong-gusto niya ang amoy na iyon ng binata.

"Era?" bulong ng binata sa kanya.

"Okey na po ako, sir. Gusto ko lang makapagpahinga na." mahinang sagot niya.

"Okey, let's go."

Inilagay nito ang seatbelt sa kanya at marahang pinaandar ang sasakyan. Sumandal siya sa headboard ng sasakyan at pumikit hanggang hilahin siya ng antok.

Isang masuyong haplos ang naramdaman niya hanggang unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Ang gwapong mukha ng boss  ang nasilayan niya. Titig na titig siya dito sa lapit ng distansya niya naamoy noto ang hininga nito.  Gusto man niyang iiwas ang mukga pero ayaw sumunod ng katawan niya.

Bakit parang ito pinaglilihan niya. Hindi maari, baka msanay siya na lagi itong hinahanap.

"Andito na ba tayo sa boarding house sir? Salamat po sa paghatid." Saka mabilis na inalis ang seatbelt at binuksan nag pinto ng sasakyan pero naka-lock iyon.

"We're here at Tagaytay," simpleng wika nito.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa paligid. Ngayon lang niya napansin ang pamilyar na bahay na iyon. Maaliwalas ang panahon at kay gandang pagmasdan ang paligid pero mukhang malamig sa labas dahil sa fog fores na nasa mga dahon ng mga halaman.

"Pero sir~"

"Era, clinic nurse said you need to rest. I think, this is a perfect place for you. Are you stressed or any problem besides that f*cking guy?" nakakunot noo nito.

Bigla siyang kinabahan ng maalala ang resulta ng pregnancy test kanina, kinapa niya sa bulsa ng uniform niya at naroon iyon. Mahigpit siyang napahawak doon.

Umiling lang siya.

"Sir, pwede naman po akong magpahinga sa boarding house at wala ho akong dalang damit. Magiging maayos din po ang aking pakiramdam."

"Mas maganda kung ganitong view ang makikita mo?madaming damit sa loob." binuksan nito sasakyan at maingat siyang inalalayan sa pagbaba.

Ilang beses siyang napasinghap ng hawakan ng binata ang kanyang kamay.

Nang makarating sa loob, tumingin siya sa kabuuan ng bahay parang may nagbago dito ang dating dark blue na pintura sa loob naging off white with touching sky blue. Mas maaliwalas itong tingnan at malamig sa mata. Nakita niyang naging two rooms na ang loob. Nagawa iyon sa mdaling panahon. Naamoy niya ang air refreshner, masarap sa ilong iyon.

"Fix yourself inside and rest. I will call you when the food is ready."

Medyo napahiya naman siya. Bisita siya pero boss pa rin niya ito.

"Mamaya na ho, kung nagugutom na kayo pwedeng ipaghain ko na kayo. I mean, may maluluto po bang pagkain sa kusina?" humakbang siya oapunta doon.

Nakailang hakbng pa lang siya ng humarang ito sa daraanan niya na ikinabangga niya sa katawan ng lalaki.

Muli siyang napapikit ng maamoy niya ang katawan nito.

"Era, I can do it. Go to your room, same room you occupied last time." seryosong sambit nito.

"Pero sir~"

"Era. . ."

Hindi niya alam kung may pagbabanta ito o galit na dahil sa kakulitan niya.

Dahan-dahan siyang tumalikod dito at tinungo ang sinasabi nitong kwarto.

Napanganga siya ng pumasok sa loob. Isang bagong design na kwarto at personalized for women. Nilingon niya ang nakasaradong pinto.

Ano bang pinaplano ng boss niya? Bulong sa sarili.

Pero winaksi niya iyon. Mukhang nagmagandang loob lang ito.

Nang maayos na lahat at nakpagpalit na siya ng damit, kinuha muli nag pregnancy at itinapon na iyon sa basurahan saka lumabas ng kwarto. Ayaw niyang maging bisita at sobrang nahihiya siya sa kanyang boss.

Pagbukas niya ng pinto, nakita niya itong maynkausap sa phone, nakahain na ang pagkain at nakasuot na rin ito ng pangbahay. Napa-cool nitong tingnan kung hindi niya ito kilala baka napahanga na siya nito. Humahanga naman siya ngayon sa binata pero mali ito, boss niya ito at malayo ang agwat nila para pa pangarapin ang lalaking katulad nito.

"Thank you, I can do it anything for her."

Huling niyang narinig ng magpaalam ito sa kausap.

Mukhang may problema din ito katulad niya. Sabi nga niya kapag may problema, ito ang tambayan ng binatang amo niya. Sa tono ng salita kanina ay tila parang ang pinag-uusapan ang girlfriend nito dahil seryoso ito sa sinabi sa kausap.

Isang kurot sa dibdib niya ang naramdaman. Pero bakit niya naramdaman iyon, wala naman namamagitan sa kanila ng boss niya at nagmabuting loob ito kaya siya nandito ngayon.

Bakit ba siya nakikialam sa buhay ng iba. Muli niyang isinarado ang pinto at bumalik sa loob kahit nagugutom na siya ay minabuti niyang  magpahinga na lang. Siguro naman kakain itong mag-isa kahit wala siya.

Kailangan niyang makaalis dito at bumalik agad sa boarding house para wala ng iisipin ang boss niya.

Hindi maistorbo ang pagmuni-muni dito.

Hahakbang pa lang siya papabalik sa kama nang bumukas ang pinto.

"Era, Let's eat before you go to bed."

Nagulat siya, hindi nga pala niya na-lock iyon. Nilingon niya ito at sumalubong sa kanya ang maaliwalas at nakangiting awra ng mukha nito.

ONE WILD NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon