Calvin's POV
12 Years Ago...
Busy akong tao pero para sa kapatid ko ay magkakaroon ako ng oras para sa kanya. Ganoon kahalaga sa akin si Jared at siyempre hindi mawawala ang kaibigan kong si Wacky.
Pero isang araw habang papunta ako sa hospital room ni Jared ay napapansin ko ang daming doctors at nurse na labas-pasok.
"Jared!" Nagmamadali akong pumasok sa hospital room ng kapatid ko kaso pinigilan ako ng isang nurse.
"Sir, bawal ho kayong pumasok."
"Jared, lumaban ka! Nangako ka sa akin na masasaksihan mo ang pag graduate ko!" Pumatak ang luha ko dahil kitang kita ko kung paano nagflat line at binubuhay ng isang doctor ang kapatid ko. "Jared..."
Jared and I are not brothers by blood dahil nagpakasal ang papa niya at ang mama ko. Kahit hindi kami magkadugo na dalawa ay sobrang close namin sa isa't isa at ang dami ring similarities sa amin. Maliban na lang siguro ang pangarap namin sa buhay pero noong nalaman kong may malubhang sakit na pala ang kapatid ko at hindi na niya matutupad ang pangarap niyang maging doctor kaya ako na ang tumuloy sa pangarap niyang 'yon. Nagaral ako ng mabuti para sa pangarap naming dalawa.
"Calvin!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Wacky kaya lumingon ako sa kanya. "Ano nangyari? Bakit ang daming doctors at nurse dito?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Wacky.
"Calvin, ano? May nangyari ba kay Jared?"
Umiling na lamang ako sa kanya. "He's gone."
"What do you mean he's gone?" Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng hospital room ni Jared. "Bro, gumising ka diyan. Hindi magandang biro ito. Please , gumising ka!"
"Wacky..." Hinatak ko na siya palabas. "Wala na tayo magagawa. Hindi na magigising pang muli si Jared."
"Ayaw kong maniwala na wala na siya. Kung isa itong panaginip gusto ko ng magising."
"Hindi ito isang panaginip, Wacky. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon. Kapatid ko ang nawala pero ang mas masakit hindi niya hinintay na grumaduate ako."
Ilang araw na lang ay gagraduate na ko at kukuha rin ako agad ng exam para maging isang ganap na doctor na ko pero hindi na hinintay ni Jared ang lahat na iyon.
Limang araw na ang lumipas noong nawala ang nagiisang kapatid ko pero hindi ako pwedeng mawalan ng pagasa at itutuloy ko pa rin ang pangarap namin.
"Mr. Matsuda, ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na average kaya ikaw ang magsasalita sa stage. Congratulations."
"Thank you po, Ma'am."
Did you hear that, Jared? Ako daw ang pinakamataas na average.
Habang naglalakad ako ay may humakbay sa akin – si Wacky lang pala iyon.
"Ang balita ko ikaw daw ang pinakamataas na average ah. I'm so proud of you, bro."
"Thanks, dude."
"I'm sure Jared is proud of you too."
"Alam mo naman ginawa ko ito para sa kanya. Kahit wala na siya ngayon ay natupad ko ang naiwan niyang pangarap."
Sariwa pa yung sugat nararamdaman ko sa pagkawala ni Jared. Hindi naman ganoon kadali makamove on lalo na't kapatid ko ang nawala.
"Ano pala ang ginagawa mo dito? At kung paano ka nakapasok?"
Matagal na grumaduate si Wacky at isa pa med school ito.
"Galing ako sa hospital tapos dumeretso na rin ako dito. Habang hinahanap kita kanina ay naririnig ko sa ibang estudyante na ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na average. Ikaw ah. Sikat ka pala dito."
"Sikat pinagsasabi mo diyan. Hindi ako sikat dito. Anyway, bakit hindi mo pala sinabi sa akin na uuwi ka na pala ng Pilipinas?"
"Biglaan lang ang uwi ko. Tutal nandito na rin naman ako kaya gusto kong surpresahin si Julie kaso noong isang araw pumunta ako sa kanila ay wala daw siya. Tulungan mo ko surpresahin siya mamaya."
"Tulungan? Kaya mo na 'yan, malaki ka na at saka marami pa akong gagawin." Alam naman niyang graduating ako kaya marami akong kailangan gawin.
"Tsk. Kapag ikaw ang may pangangailangan tinutulungan kita."
"Huwag ka ngang magdrama diyan, hindi bagay sayo."
"Diyan ka nga! Subukan ko ulit puntahan si Julie sa kanila."
"Bakit hindi mo muna tawagan si Julie?"
"Addict ka ba? Kailangan ka ba nakarinig na sinusupresa na tinatawagan muna? Hindi ka pa doctor pero mukhang kailangan mong uminom na ng gamot ngayon."
Umiling na lamang ako pagkaalis niya. Siya yata ang addict. Addict na addict kay Julie. Long distance relationship kasi sila ni Julie. Kahit hindi sabihin sa akin ni Wacky ay alam kong nahihirapan siya sa LDR nila ng girlfriend niya. Wala magawa si Wacky dahil nasa Singapore nakatira ang mga magulang niya.
Wala na rin masyado gagawin kaya magpasya na lang ako umuwi.
"I'm home!"
Pagpasok ko sa loob ay may nakita akong hindi familiar na sapatos o baka may bisita si mama ngayon.
"I'm glad you're home, Calvin." Sabi ni mama.
"Bakit po, mom?"
"May bisita tayo at gusto kitang ipakilala sa kanya."
"Obvious nga pong may bisita tayo."
"Calvin, umayos ka makipag usap sa kanya ah."
Maayos naman akong kausap ah.
Sumama na ko mama sa may sala at may nakita akong mala-dyosa nasa harapan ko ngayon. Shit, ang ganda niya!
Siya na ba ang kauna-unahang girlfriend ko? Sana nga!
Huwag na dumaan sa boyfriend-girlfriend, kasal agad! Hindi ko na palalampasin ang pagkakagaon na 'to kung siya ang magiging future bride ko.
"Hi." Bati niya sa akin. Putek, pati ang boses niya sobrang ganda.
"H-Hello." Nilahad ko ang palad ko. "I-I'm Hiro Calvin, by the way. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong itawag sa akin."
Letsugas! Bakit ba ako nauutal sa harapan niya? Nakakahiya ka, Calvin.
Tinanggap niya ang kamay ko sabay ngiti. Huwag kang ganyan, miss. Madali ako matukso lalo na sa magaganda na katulad mo.
"Nice to meet you, Calvin. I'm Zoe. Zoe Montemayor.""Nice to meet you too, babe – I mean, Zoe." Putek, gusto ko ng maglamon sa lupa. Kung anu-ano ang sinasabi ko.
Sobrang ganda niya kasi at mukhang na-love at the first sight ako sa kagandahan niya.
"Hija, pupunta ba ang mga magulang mo ngayon?" Tanong ni mama galing sa kusina.
"Yes po, tita. Pinapauna po nila ako dito since malapit lang kung saan ako magtatrabaho."
Sa anong dahilan kaya kung bakit sila bumisita dito ng pamilya niya? Eh, wala namang okasyon magaganap ngayon.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomanceAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...