26

331 11 0
                                    

Calvin's POV

May pasok si Zoe kinabukasan kaya kami lang ni Cielo nasa bahay pero may pupuntahan ako ngayon kaso hindi ko alam kung saan siya nakatira ngayon.

Pumunta kami ni Cielo sa bahay ng lola niya at doon ko muna ipaiwan ang anak ko.

"Sino ang batang 'to, Calvin?" Tanong ni mama sa akin.

"Si Cielo po, anak namin ni Zoe."

Ngayon palang nakita at nakilala ni mama si Cielo pero alam niyang buntis si Zoe noon.

"Kasama mo rin ba si Zoe?"

"May pasok po siya ngayon."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala kayo?"

Hindi ko alam na may question and answer portion pala magaganap pagdating ko sa bahay nila. Sana pinaghandaan ko ang mga katanungan ni mama ngayon.

"Sorry po kung biglaan ang punta namin ni Cielo. Pwede po bang dito muna siya? May pupuntahan kasi ako ngayon."

"Oo naman para makapaglaro rin sila ni Sapphy. Pero saan ka ba pupunta?"

"Sa ex husband niyo. Anyway, mom, alam niyo po ba kung siya nakatira ngayon?"

"Hindi ako sigurado kung doon pa rin siya nakatira sa dating bahay natin."

"Sige po. Salamat."

Wala naman mawawala sa akin kung susubukan kong pumunta doon, 'di ba?

Nakatingala lang ako pagkarating ko sa bahay. Para bang wala ng nakatira dito ah. Mukha kasi naging hunted house ang itsura.

"Hindi ako makapaniwala 20 years na rin 'yon."

Kung hindi siguro lasinggero ang ama ko baka hindi sila maghihiwalay ni mama pero hindi ko naman magiging kapatid si Jared at hindi ko rin makilala si Wacky.

That time I really hate my father dahil gabi-gabi nakikita kong umuuwi siyang lasing at palagi rin niyang sinasaktan ang mama. Kaya kapag umaalis sa umaga ang ama ko palagi ko rin kinukumbinse si mama na umalis na siya dito, iwanan na niya si dad. Pero isang gabi ginising ako ni mama at sinabi niya sa akin na iiwanan na namin ang asawa niya. Tumira kami sa isang shelter until she met my step father. Ang step father ko ang nagasikaso ng mga pangangailangan ni mama para hiwalayan niya ang dad at siya rin ang humawak ng kaso.

"Excuse me."

Humarap ako sa taong nagsalita. "Hello. Pwede ko po bang malaman kung may nakatira pa ba sa bahay na ito?"

"Matagal ng wala nakatira diyan."

Kaya naman pala nagmumukha ng hunted house ang itsura ng bahay. Wala na palang nakatira.

"Alam niyo po ba kung saan na lumipat ang dating nakatira diyan?"

"Pasensya na, hijo. Pero ang huling balita ko hinuli daw ng mga pulis ang nakatira diyan dahil may pinatay."

"Ganoon po ba?"

Hindi na ko nagulat kung nagawa nga niya pumatay ng isang tao. Kung hindi ko kinumbinse si mama noon baka ganito rin ang gawin niya sa kanya.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, hijo? Kasi kamukhang kamukha mo ang dati kong inaalagaan."

Kumurap ako sabay ngiti. "Yaya Sheila? Ako po ito si Calvin."

Akalain mo 'yon ang kanina ko pang kausap ay ang dating yaya ko noong maliit pa ko.

"Calvin? Diyos ko, ang laki mo na. Ang huling kita ko sayo maliit ka pa lang ah."

Tumawa ako. "20 years na rin po kasi."

"Kamusta ka na?"

"May asawa't anak na po ako ngayon, yaya."

"Ang mama mo? Teka, doon na tayo sa bahay magusap."

Sumunod na ko sa dating nagalaga sa akin sa tinitirahan niya. Mabuti may bahay siya sa malapit dahil ang huling naalala ko sa malayo nakatira ang pamilya niya.

Nilibot ang paningin ko pagkarating namin sa bahay niya dahil hindi ganoon kalaki, yung tama lang pero hindi ko alam kung may kasama ba siya dito o wala.

"Kamusta na ang mama mo ngayon?" Tanong niya ulit sa akin. "Wala na kasi akong balita sa inyo simulang umalis kayo."

"Okay lang po siya. Nasa mabuting tao na siya ngayon at may half sister ako."

Bata pa naman si mama kaya imposible na hindi niya mabigyan ng anak ang step father ko. Maaga nga lang ako dumating sa buhay niya.

"Bakit ka pala biglang napapunta dito, Calvin?"

"Naghahanap po kasi ako ng magiging yaya ng anak ko para may kasama siya habang nasa trabaho kami ng asawa ko. Gusto namin yung mapagkakatiwalaan at kayo ho ang unang naisip ko."

"Masyado na kong matanda para magalaga pa ng bata."

"May kilala po ba kayo na pwede maging yaya ng anak namin? Hindi naman po ganoon kakulit si Cielo at masurin rin siyang bata."

"Ilang taon na ang anak niyo?"

"She's 3 years old po."

"Pwede kong irekomenda sayo ang apo ko."

"Talaga po? Um, pwede ko po ba siya makausap?"

"Teka, tatawagin ko lang siya."

"Okay po." Nilibot ko ulit ang paningin ko pagkaalis ni yaya Sheila at may umagaw ng atensyon ko. May isang picture – picture ko ito noong bata pa ko.

May picture pala ako kay yaya Sheila.

Nakita ko na bumalik si yaya Sheila na may kasamang babae. Siya na yata ang tinutukoy niyang apo niya.

"Calvin, heto nga pala ang apo kong si Cecil."

Tumayo na ko at nilahad ko ang palad ko. "Hi."

Tinanggap niya ang kamay ko. "Hello po, Sir."

"Maiwan ko muna kayo para makapag usap." Sabi ng matanda at iwanan na niya kami.

"Ayos lang ba sayo na maging yaya ng anak ko? Ayaw kasi ng asawa ko abalahin pa yung mga magulang namin para may kasama ang anak namin sa bahay habang nasa trabaho pa kami."

"Oo naman po! Matagal na po ako naghahanap ng trabaho pero wala pa rin tumatanggap sa akin."

"Good. Kung ayos rin ba sayo na sumama sa akin ngayon para makapag usapan kung magkano ang sahod mo buwan-buwan. Hindi ko pa kasi nakakausap ang asawa ko tungkol sa sahod ng magiging yaya ni Cielo."

"La, pwede po bang sumama ako kay Sir Calvin?"

"Cecil, apo, malaki ka na at hindi mo na kailangan magpaalam sa akin."

Sa ganitong oras umuwi na si Zoe galing sa trabaho pero kailangan ko muna kunin si Cielo sa bahay ni mama.

Hindi rin naman kami nagtagal pagkakuha ko kay Cielo at umuwi rin kami agad.

"Saan kayo galing? At sino 'yang kasama mo?" Salubong na tanong ni Zoe sa akin.

"Hindi ba't pinagusapan natin na kumuha tayo ng yaya ni Cielo? Ang naisip ko sana yung nagalaga sa akin noong bata pa lang ako pero masyado na siyang matanda kaya nirekomenda niya sa akin yung apo niya."

"Hello po, Ma'am."

"Kaya ko siya kasama para pagusapan yung magiging sahod niya buwan-buwan. What do you think, baby?"

"Ayos na ba sayo na ₱ 4,000 monthly? Tapos may rest day ka pa every weekend since wala akong pasok kapag weekend."

"Opo. Malaki laki na nga po 'yon para makatulong ako kay lola at makapag ipon na rin ako para matuloy ko ang pagaaral ko."

"Ilang taon ka na ba?"

"Labing siyam na taong gulang na po."

"Pwede ka magsimula next week." Sabi ko.

"Bakit next week pa?" Tanong ni Zoe.

"Next week pa ko makakabalik sa trabaho kaya may kasama pa si Cielo."

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now