29

470 10 0
                                    

Habang naglalakad ako sa lobby ng hospital ay nakita ko si Jazz nakatayo lamang. Lalapitan ko na sana siya pero narinig ko siyang may kausap.

"Huwag na natin ipaalam kay Calvin kung ano ang natuklasan niyo. Kapag nalaman niya ay ano pa ang gawin niya at delikado."

Kumunot ang noo ko dahil narinig ko ang pangalan ko. Ano ba kaya ang tinatago nila sa akin at ayaw nilang sabihin.

"Hindi naman agent si Calvin kaya kayo na lang magtapos niyan at balitaan niyo na lang ako."

"Alright. Magkita na lang tayo doon. Pupuntahan kita."

Kailangan ko malaman kung ano ang tinatago nila sa akin kaya kailangan ko ring sundan si Jazz na hindi niya nalalaman.

Nilibot ko ang paningin ko ng may nakita akong nurse na dumaan.

"Wait." Tawag ko sa kanya dahilan huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Bakit po?"

"Pakibigay mo 'to kay Dr. Santos." Inabot ko sa kanya yung medical record ng pasyente ko. "Pasabi rin sa kanya pasensya na dahil nagkaroon ako ng emergency ngayon."

Nakita ko na sumakay ng elevator si Jazz kaya nagpasya ako gumamit na lamang ng hagdanan kaysa hintayin bumukas ang iba pang elevator. Baka hindi ko na malaman kung saan pupunta si Jazz.

At sigurado akong sa parking lot ang punta niya.

Sana hindi makahalata si Jazz na sinusundan ko siya.

Mga ilang oras ako nagmamaneho ng makita ko siyang huminto at bumaba ng kotse niya kaya nagpasya rin akong bumaba at palihim na sundan siya kung saan man siya makikipag kita sa kausap niya kanina.

"Sorry kung pinapunta kita dito, Jazz. Marami kasing ginagawa ang iba at wala akong kasama sa misyon na 'to." Sabi ni Nate.

Si Nate pala ang kausap niya kanina. At tama ba ang dinig ko? May misyon siya ngayon. Ang akala ko ba hindi agent si Jazz.

"Ayos lang. Wala rin ako masyadong ginagawa sa hospital ngayon. So, ano ang detalye sa misyon mo ngayon?"

"Dito nakatago ang target pero ayon nga sa sinabi ko kanina hindi ko kakayanin na magisa ito. Sakto may ginagawa ring misyon yung iba kaya wala akong kasama. Ikaw lang ang maasahan ko dito."

"Ano sabi ng iba bago sila binigyan ng misyon? Alam niyo naman hindi ako agent."

"Walang alam ang iba na kasama kita ngayon pero no choice talaga ako. Tara na. Maraming oras na ang nasayang."

Nakita ko na sila pumasok sa isang building pero hindi muna ako nagpasyang sumunod sa kanya.

Sa labas pa lang ako pero naririnig ko na ang putok ng mga baril. Nakikipag laban na sila sa loob kaya nagpasya na kong pumasok.

May mga tao ako nakitang nakahiga at tingnan ko muna kung may pulso pa sila pero wala na bago kinuha ang baril ng isang bangkay.

Tingnan ko muna yung baril kung may bala at kinasa bago tinuloy ang paglalakad.

Sabi ko nga sa kanila makikipag patayan ako kapag buhay na ng pamilya ko ang pinaguusapan dito. Kahit hindi ko pa nagagawang pumatay ng tao kahit masama pa 'yan.

Pinatay ko ang mga nakakasalubong kong kalaban sa daanan ko. Sa totoo lang nanginginig na ang mga kamay ko dahil nagagawa kong pumatay ng tao para sa proteksyon ng pamilya ko.

Nagtago ako agad pagkakita ko kay Nate baka kasi makita niya ko. Wala nga silang ideya nandito rin ako nakikipag laban sa kalaban.

Nakikita kong nahihirapan makipag laban si Nate kaya niisa isa ko sila pinatumba at tumakbo ako agad bago pa niya ako makita.

Nagtago ako sa isang silid para tingnan kung may bala pa ko kaso isa na lang pala ang bala ng baril na ito. It's either may mahanap ulit akong bangkay para kunin ang baril o makipag patayan sa kalaban na walang baril na dala. Mas delikado kung gagawin ko 'yon.

Tumingin ako sa paligid kung may gamit ba ko na pwede kong gamitin. Kahit baril man lang.

At sinuswerte ka naman dahil may nakita akong baril at marami pang bala na kasama.

Tinuloy ko na ang paghahanap ng kalaban at saktong nakita ko si Jazz kaya nagtago ako agad.

"Damn." Sumilip ako sa likod ng pader at nakita kong nilagyan niya ng bandage ang kanyang braso. Huwag mong sabihin sa akin nabaril siya kanina. "Lagot ako nito kapag nalaman nila ang ginawa ko ngayon."

May narinig akong mga yapak kaya agad-agad ako tumakbo. Baka kasi si Nate pala yung naglalakad at makita pa niya ako.

Nang matapos na ay nagtago muna ako hanggang sa umalis na sina Jazz at Nate bago pa ko nagpasyang umuwi.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Zoe.

"Nandito ka na pala. Saan ka pala galing kanina? Galing kasi ako kanina sa hospital pero wala ka."

"Hmm? May inaasikasong emergency. Ano ang ginagawa mo doon kanina?"

"May good–" Hinawakan niya ang kamay ko na tuloy pa rin sa panginginig. "Nanginginig ka. Bakit nanginginig ang kamay mo?"

"Nothing. Okay lang ako. Ano ba yung sasabihin mo sa akin?"

"May good news ako sayo."

"Good news? Ano yung good news mo sa akin?" May pinakita siya sa aking picture ng ultrasound at siyempre naintindihan ko agad ang gusto niyang sabihin sa akin. Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. "Thank you, baby."

Magkakaroon na ng kapatid si Cielo dahil buntis ngayon si Zoe.

"Kailan mo pa nalamang nagdadalang tao ka?"

"Kanina lang. Kaya galing ako sa hospital kanina para alamin kung tama ba ang kutob ko."

Hinimas ko kahit hindi pa ganoon halata ang umbok niya. "Dumating rin siya agad sa atin."

"Wala pang alam si Cielo na magkakaroon na siya ng kapatid. Ikaw pa lang ang sinabihan ko dahil alam ko kung gaano ka sabik magkaroon ulit ng anak."

"Mommy! Daddy!" Rinig ko ang boses ni Cielo sa hindi kalayuan. Kasama niya rin si Cecil.

"Tinatawag tayo ni Cielo. Puntahan na natin siya." Sabi ko.

Pagkarating namin kung saan si Cielo ay may pinakita siya sa amin na isang drawing. Nag drawing siya ng tatlong tao at dalawang pusa. Sa tingin ko kami ang drinawing niya.

"Wow naman. Ang galing mo namang mag drawing, Cielo."

"Thank you, mommy!"

"Baby, bakit hindi natin pagenrollin si Cielo sa susunod na pasukan?"

"Iyon nga din ang plano ko at nandiyan si Cecil para bantayan si Cielo habang nasa school siya."

----
Medyo limot ko na paano gumawa ng action sa story. Sorry kung minadali ko hindi gaya sa parents nila.

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now