"Excuse me lang ah. Magpapalit muna ako ng damit." Paalam ko sa kanya.
Pero imbes na dumeretso ako sa kwarto ko ay pumunta muna ako sa kusina para kausapin si mama.
"Mom..."
Lumingon siya sa akin. "May kailangan ka sa akin, Calvin?"
"Ano po bang okasyon? Malayo pa ang birthday ko para magyaya kayo ng bisita."
"Hindi naman kailangan may okasyon para magyaya tayo ng bisita. Kaya nandito sila Zoe dahil siya ang pangangasawa mo."
"Huh?! W-W-Wait. Tama ba ang narinig ko? Pangangasawa ko? Mom, bakit kayo nagdedesisyon na hindi ko alam? Well, I admit it she's pretty pero kahit na... Hindi niyo pa rin sinabi sa akin na may fiancee pala ako. Ni hindi ko nga siya ganoon kilala at saka limang araw pa lang patay si Jared. Konting respeto naman sa kapatid ko."
Pumunta na ko sa kwarto ko para magpalit ng damit pero hindi na ko bumaba pang muli. Sobra akong nainis sa gusto mangyari ng mga magulang ko.
Papayag naman ako sa gusto nilang mangyari kung walang bagong patay sa pamilya namin. Kung sa kanila ayos lang, pwes sa akin hindi.
May narinig na kong katok sa pinto ng kwarto ko. "Hiro, get out of your room! Now!"
"Ayaw ko! Kahit kailan hindi ako papayag magpakasal agad."
"Don't embarrass us with our guest today."
Binuksan ko na ang pinto at haharapin ko na ang step father ko. "Ipapahiya? Sana naisip niyo namatayan kayo ng anak tapos gusto niyo kong ipakasal sa babaeng hindi mo man lang kilala. Okay sana kung hindi namatay si Jared, eh. Papayag ako sa kagustuhan niyo ni mama pero hindi. Wala pang isang taon namatay ang kapatid ko. Konting respeto naman sana."
Sana intindihin nila ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap kalimutan wala na ang kapatid ko at sinusubukan kong maging masaya sa harap nilang lahat.
Kinagabihan nakatanggap ako ng tawag galing kay Wacky kaso wala ako natatanggap na sagot mula sa kanya at sobrang ingay ang nasa background niya. Kung hindi ako nagkakamali nasa isang club ang kaibigan ko ngayon.
Pinuntahan ko na si Wacky sa club at hindi nga ako nagpaalam kay mama kung saan ako pupunta. Naiinis pa rin ako sa ginawa nila kanina at hindi na ko bata para magpaalam pa sa kanila.
"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.
Umupo ako sa tabi niya. "Tumawag ka kaya sa akin kanina. Hindi ka nga lang sumasagot."
"Tumawag ako sayo?" Kinuha niya ang kanyang phone para tingnan kung tumawag ba siya sa akin. "Tumawag nga ko."
"Bakit ka nga pala nandito? May problema ba, dude?"
"Nahuli ko si Julie na may kasamang ibang lalaki."
"Baka pinsan niya lang 'yon."
"Calvin, walang pinsan na hinahalikan at mas lalong kaibigan. Bakit niya ginawa sa akin ito? Sana sinabi na lang niya sa akin na hihirapan na siya sa sitwasyon namin. Hindi 'yong lolokohin niya ko."
"Sorry to hear that, dude. Marami pa namang babae diyan na mas deserving na mahalin ka."
"Ayaw ko na magmahal muli. Babalik na ko sa Singapore para ituloy ang pagmomodelo ko."
"Paano nga pala yung agency niyo dito?"
Isang modelo si Wacky at may sariling agency ang pamilya niya. Sobrang sikat nga ng agency nila o dahil sa kambal na nagtatrabaho sa kanila. Ang balita ko kasi may kambal na modelo sa kanila at sobrang sikat daw nila. Ang swerte ni Wacky dahil may kambal na nagtatrabaho sa kanila kaya kilala ang agency nila. Paano kaya kung sa ibang agency nagtrabaho ang kambal?
"Uuwi dito si dad sa makalawa at siya daw bahala sa agency. Ayaw ko pang pumalit sa kanya dahil marami pa ko gustong gawin."
"Basta magiingat ka doon ah."
"Babakasyon naman ako dito once a year o kung kailan hindi ako busy."
"Basta huwag mo ko kalimutan kapag sikat ka na ah."
"Gago. Bakit ko naman kakalimutan ang kaibigan ko? Kahit ganyan ang ugali mo ay nagagawa kong tiisin."
"Okay na sana kaso nang insulto ka pa."
"Maiba tayo, Calvin. Kanina ko pa kasi napapansin na parang malungkot ka ngayon. May nangyari ba?"
"Hindi ako malungkot, naiinis lang ako."
"Bakit? Ano ba nangyari?"
"Wala, wala. Uminom na lang tayo para mabawasan ang sakit nararamdaman mo ngayon. Huwag mo na kong intindihin pa."
Hindi na importante kung ano ang nangyari sa akin kanina. Mawawala rin siguro itong nararamdaman ko sa gustong mangyari ng mga magulang ko na ipapakasal ako sa babaeng hindi ko man lang kilala.
Umuwi ako sa amin na lasing dahil naparami ang nainom ko kanina. Gusto ko mabawasan ang inis ko sa mga magulang ko.
"Calvin, saan ka galing? Bakit ka lasing?"
Hinawi ko ang kamay niya. "Wala kayong pakialam kung bakit ako lasing ngayon. Kasalanan niyong dalawa ng asawa mo kung bakit ako nagkaka ganito ngayon."
Nagising ako may araw na sa labas at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Shit.
Bumaba na ko para makakain at uminom na rin ng gamot.
"I found out from your mom that you came home drunk last night."
"Tsk, huwag niyo muna ako sermunan ngayon."
"Your mom cried last night because of what you said."
"Pwede ba! Ano bang hirap intindihin na huwag niyo mu–" Natigilan ako ng may palad na dumampi sa pisngi ko. Sa buong buhay ko ngayon pa lang na may namampal sa akin. Kahit nga ang tunay kong ama hindi niya magawang saktan ako tapos siya na hindi ko naman kadugo pero nagawa niyang sampalin ako.
Umalis ako sa amin at hinding hindi na ko babalik sa pamamahay na 'yon. Huwag na sila umasa na tutulungan ko sila balang araw kapag kailangan nila ng tulong ko.
Umupo na ko sa harapan ng puntod ni Jared pagkarating ko sa sementeryo.
"Ang daya mo, bro. Wala na tuloy akong kakampi ngayon." Tumayo na ko at pinagpagan ko na ang pantalon ko. "Alis na ko."
Hindi ko na tuloy alam kung saan ako tutuloy ngayong araw. 'Di naman ako pwede tumuloy sa bahay nila Wacky dahil nahihiya rin ako. Sana makahanap ako ng murang apartment.
Kumurap ako ng may nakita akong familiar na mukha.
"Hello." Bati niya sa akin.
"Hey." Napakamot ako sa batok ko. "Sorry nga pala sa inasal ko kahapon."
"Naiintindihin ko ang sitwasyon mo. Pati ako nagulat sa kagustuhan ng mga magulang ko pero wala rin ako magawa pa."
"Ang totoo niyan walang problema sa akin ang gusto nilang mangyari pero sana next year na lang ganapin ang kasal at saka hindi pa natin kilala ang isa't isa."
"Mas mabuti pang makilala muna natin ang isa't isa." Nakangiting sabi niya sa akin. "Napapansin ko lang may dala kang backpack. May pupuntahan ka ba?"
"May hindi pagkakaunawaan lang kami ng step father ko pero ayaw ko muna umuwi sa amin. Sa ngayon hindi ko alam kung saan ako titira."
"Sumama ka sa akin." Hinawakan niya ang kamay ko.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomantizmAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...