"Hey! Saan mo naman ako dadalhin?" Hindi naman siguro may balak siyang kidnapin ako, 'no?
"Basta sumama ka na lang sa akin."
Nagtataka ako noong dinala niya ko sa isang building – isa pala itong condominium.
"Ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Kung gusto mo dito ka muna tumuloy."
"Naku. Nakakahiya."
"Huwag ka ng mahiya kaysa pagala-gala ka diyan sa lansangan at matulog sa malamig na lugar. Mas ligtas ka pa dito."
May point naman siya doon.
"Paano ka?"
"Doon ako sa bahay namin. Medyo malapit-lapit kasi yung pinagtatrabuhan ko sa bahay namin kaysa dito sa condo."
Sinamahan na niya ko sa loob ng condo niya.
"Kumpleto ang mga gamit dito. Ang iisipin mo na lang ang pagkain mo." Sinundan ng paningin ko siya kung saan siya pumunta. "Dito naman ang banyo. May sabon, shampoo at toothpaste na rin dito pero depende pa rin kung ano ang ginagamit mo. Ang wala lang yung toothbrush. May mall naman sa malapit kaya bumili ka na lang doon ng mga kailangan mo."
"Thank you, Zoe."
Hindi lang siya maganda, mabait pa siya. Kaya malabo walang kalalakihan ang nagkakagusto sa kanya.
"You're welcome. Bago ko nga pala makalimutan, heto pala yung susi." Inabot na niya sa akin ang susi ng condo niya.
Napakamot ako ng batok ko. "Ano ba ang gusto mong kabayaran? Dahil tinulungan mo ko ngayon."
"Ah, no need."
"Hindi naman ako papayag na hindi kita bayaran sa tulong mo sa akin, Zoe."
"Um... How about get to know you?"
"Sigurado kang iyon lang ang gusto mo?"
Tumango siya sa akin. "Gusto kita makilala ng lubusan. Siyempre kailangan natin makilala ang isa't isa, 'di ba? Bago tayo magpakasal."
"Kailan mo gusto simulan?"
"Pwede ngayon." Umupo na siya sa couch kaya umupo na ko sa tabi niya.
"I'm Hiro Calvin Matsuda. Hiwalay ang mga magulang ko kaya si mama nagpakasal ulit siya. May step brother ako sa sobrang close namin sa isa't isa kaso kinuha na siya sa amin. Masakit para sa akin na hindi niya hinintay na maging doctor ako."
"Sorry to hear that. Pero pangarap mo ba ang maging doctor?"
Umiling ako sa kanya. "Nope. Pangarap ni Jared ang maging doctor na tinupad ko lang. Noong nalaman kong may malubhang sakit siya kaya hindi na niya matutupad ang pangarap niyang maging doctor kaya nagaral ako ng mabuti para matupad ang pangarap niya kaso kung kailan malapit na ko maging doctor doon siya nawala."
"Ano ba ang pangarap mo?"
"My dream is to become an animator and travel around the world."
"Pwede mo rin naman tuparin ang mga pangarap mo, eh. Pwede mo pa rin ituloy ang pagiging animator mo at lumibot sa buong mundo."
"Hindi ko kakayanin kapag magaral pa ulit ako para ituloy ang pagiging animator ko at kapag naging doctor na ko baka mawalan na ko ng oras para lumibot sa buong mundo. Ngayon pa lang busy na ko, paano pa kaya kung isa na kong ganap na doctor? Masaya na ko tinuloy ang pangarap ni Jared."
"Mahal mo talaga ang kapatid mo, 'no?"
"Sobra! Siya lang kasi ang naging kakampi ko noong nabubuhay pa siya. How about you? I mean, I really want to get to know you too."
"I'm Zoe Montemayor, daughter of Zion and Jessa Montemayor. I'm a fashion designer just like my mother."
"Fashion designer ka? Ang akala ko isa kang modelo."
"Marami na rin nagaakala na modelo daw ako pero hindi talaga ako modelo."
"Noong unang kita ko sayo naiisip ko baka isang modelo 'to. Sobrang ganda mo kasi."
"Thank you."
"Imposible na wala ka pang boyfriend."
"Wala pa nga kong boyfriend."
"Manliligaw?"
Umiling siya sa akin. "Wala rin akong manliligaw. Bantay-sarado kasi ako kay papa. Kulang na lang 24/7 niya ko binabantayan noon pero ngayon hindi na."
"Ang swerte pala ang magiging boyfriend mo. Which is me."
Tumawa siya kahit hindi ako nagpapatawa. "You are so funny! Paano ka nakaka sigurado na ikaw nga ang magiging boyfriend ko?"
"Ouch ah. Nasaktan ako doon."
"Sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka sa sinabi ko kanina."
"It's okay."
"Ikaw ba? Baka may girlfriend ka na hindi alam ng mga magulang mo ah."
"Ginawa mo pa kong babaero at pagsasabayin ko ang mga babae. Pero wala talaga kong girlfriend since birth."
Wala nga akong girlfriend pero may instant fiancee ako.
"Tutal pinagkasundo tayo ng kasal. Pwede bang next year o kung kailan ka handa?"
Hindi ba iyon ang sinabi ko kanina na next year na lang sana magpakasal?
"Ako lang ba dapat maging handa? Hindi ba dapat ikaw rin?"
"Matagal na kong pumayag sa kagustuhan ng mga magulang ko noong sinabi nila sa akin"
"Ang akala ko ba nagulat ka rin sa pangyayari. Tapos sasabihin mo sa akin na pumayag ka na pala."
"Siyempre sinabi nila sa akin na may balak silang ipakasal ako sa isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi naman ako pupunta sa inyo kahapon kung wala akong dahilan."
"Ibig sabihin ayos lang sayo na ipakasal ka sa akin?"
"Oo naman. Kahit hindi pa kita kilala at hindi ko pa alam ang pagkatao mo."
Ngumiti ako. "Give me some time to think."
"Okay, walang problema sa akin. Hindi naman ako nagmamadali at saka mga bata pa tayo. Enjoy-enjoy muna habang single ka pa."
Ngumisi ako. "Sigurado kang enjoyin ko muna ang pagiging binata ko?"
"Why? May gagawin ka bang kalokohan?"
"Wala naman. Wala na ko ibang ginagawa maliban sa pagaaral at kung minsan gumagala kami ng kaibigan ko."
"May kaibigan ka pala."
"Ano ang akala mo sa akin? Loner? Siyempre may kaibigan ako. Actually, kababata namin siya ni Jared."
Marami pa kong natutunan tungkol sa kanya bago pa siya nagpaalam sa akin na uuwi na daw siya. Malapit na rin pala gumabi.
Kahit dalawang beses pa lang kami nagkita at nagusap ay parang nahuhulog na ko sa kanya. Shit! Hindi tama ito.
Tapos pinatuloy pa niya ko sa condo niya para may matuluyan ako.
Nakaramdam na ko ng gutom kaya bumaba na ko para bumili ng makakain ko. Walang stock na pagkain sa fridge kaya kailangan ko rin bumili. Hindi naman pwede na palagi ako kumakain sa labas dahil hindi kakasya ang allowance ko bago pa ko magkaroon ng trabaho.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomansAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...