5

445 7 0
                                    

Pinagbuksan kami ng maid pagkarating namin sa bahay nila mama. Damn, gaano na ba katagal ang huling pasok ko dito? Like 3 years? Ganoon na pala katagal.

Noong hindi pa kami kinakasal ni Zoe ay bumibisita ako dito at kapag hindi ako busy inalagaan ko si Sapphy.

May nakita akong bata sumisilip sa may pinto. Teka, si Sapphy na ba 'yon? Ang laki na niya ah. Sabagay tatlong taon na ang huling bisita ko dito.

"Calvin, mabuti napabisita kayo."

"Hello po." Bati ni Zoe kay mama.

"Kailan kayo magkakaroon ng anak?"

Napaubo ako bigla. "Iyan kaagad ang itatanong niyo sa amin, mom?"

"Why? Tatlong taon na rin kayong kasal ni Zoe dapat may anak na kayo."

"Marami lang po kasi ginagawa sa hospital at..." Bumuntong hininga ako.

"At ngayon pa lang po umuwi si Calvin."

"Dapat inuuna mo ngayon ang asawa mo, hindi iyong trabaho mo."

Ugh, kaya ayaw kong ituloy ang sasabihin ko dahil panigurado akong pagagalitan ako ni mama.

"Mom, mom, relax. Ginagawa ko naman po ang lahat para magkaroon ng oras kay Zoe. Hindi na muna ako tatanggap ng tawag galing sa hospital para makasama niya ko ng matagal."

"Bakit kasi pinagtapos pa kita ng medisina."

"What? Pangarap 'to ni Jared at ginusto ko rin naman kung ano ang tinapos ko."

Nagsisi na yata kong bumisita ngayon kung alam ko lang na pagagalitan lang ako ni mama ngayon dahil wala akong oras sa asawa ko.

Kunwari naiiyak ako dahil hindi na ko kilala ni Sapphy. Sabagay baby pa siya noong huling kita ko sa kanya at talagang hindi niya ko kilala.

Nagpaalam na kami kay mama na aalis na kami kasi pupunta pa kami ni Zoe sa grocery store at wala rin naman ang step father ko para kamustahin rin ang kalagayan niya ngayon.

"Bakit mo naman sinabi kay mama na ngayon lang ulit ako nakauwi? Ayan tuloy puro sermon ang nakuha ko sa kanya."

"Bakit? Totoo naman at saka sa loob ng tatlong taon sobra kitang namiss kaso wala ako magawa. Masyado kang busy diyan sa trabaho mo."

"Pasalamat ka mahal kita." Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi habang naipit kami sa traffic. "Pero lagot ka sa akin mamaya."

"Ano ang gagawin mo?"

Ngumiti ako ng pilyo. "Let see..."

"Hoy, Calvin! Masakit pa nga yung ano ko. Ang laki kasi ng pagkalalaki mo."

"Aba, sinisi mo pa talaga ang kaibigan ko."

"Ang laki naman talaga kasi."

Bumaba na ko kami sa kotse pagkarating namin sa grocery store.

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya. Baka kasi mawala ang asawa ko sa grocery mahirap na.

"Bukas ba papasok ka ulit?"

"Oo, kailangan. Minumura na nga ko ni Wacky sa text dahil hindi ko na nga siya binalikan kahapon tapos hindi pa ko pumasok ngayon." Natatawa kong sabi sa kanya. "At hindi ko na nga siya nirereplyan baka magalit ka pa sa akin."

"Mamimiss lang kita kasi hindi ko alam kung kailan ulit kita makakasama ng matagal."

Pagkatapos namin bumili sa grocery umuwi na rin kami agad para manood na ng movie. Siya na ang pumili kung ano ang papanoorin namin.

Hinanda ko na ang popcorn at ice cream para may kinakain kami habang nanonood ng movie.

Natapos na ang pinapanood namin pero napansin kong nakatulog na pala si Zoe habang nakasandal siya sa balikat ko. Dahan-dahan kong inaangat ang ulo niya para makatayo na ko at buhatin na siya papunta sa kwarto namin.

Binaba ko na siya sa kama pagkarating ko sa kwarto. "Hay, ano ba ang gagawin ko para hindi ka malungkot kapag wala ako sa tabi mo?"

Pareho naman kami may trabaho pero kumpara sa kanya mas busy ako kaysa sa kanya. Hindi nauubusang pasyente na dinadala sa hospital. Kahit gusto ko umuwi pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang mga pasyente.

Kinabukasan maaga akong nagising para magluto na muna ng agahan at pagkagising ni Zoe mamaya ay may makain na siya. Saka nagasikaso na rin ako para makaalis na rin. Ayaw ko kasing maipit sa traffic kung hindi ako agad umalis.

Pagkarating ko sa hospital dumeretso na ko agad sa hospital room ni Wacky.

"Aba, may balak ka pa pala magpakita sa akin ngayon." Bungad niya sa akin.

Sa totoo lang gusto kong matawa sa kanya, eh. Parang ang laki ng kasalanan ko kung bakit siya ganyan ngayon.

"Saan ka ba galing at hindi mo na ko binalikan noong isang gabi? Tapos niisang reply sa mga messages ko hindi mo man lang magawa."

"Dude, relax. May importante akong kailangan gawin sa bahay kaya hindi na ko nakapag paalam sayo na hindi na kita mababalikan noong isang gabi tapos yung kahapon nagpasya ako na huwag muna pumasok para magpahinga ako. Tatlong taon na ko hindi umuuwi sa amin dahil ang dami kong ginagawa. Dumagdag ka pa."

"Ganyan ka ba sa mga pasyente mo, Calvin?"

"Hindi pero sa totoo lang hindi ko naman kailangan magpaliwanag sayo kung ano man ang ginagawa ko sa labas ng hospital, eh."

"You're right. Ano ba ang pakialam ko kung ano ang ginagawa mo sa labas ng hospital."

Mabuti kumalma na siya ngayon. Hindi na kasi siya yung kilala kong Wacky simulang nahuli niya si Julie na may kahalikan na ibang lalaki. Ang kilala kong Wacky ay mabait, masayahin at higit sa lahat hindi mainitin ang ulo.

Kahit ganyan na siya ngayon ay titiisin ko dahil kaibigan ko siya.

"Kailan ba ang schedule para sa operasyon?" Tanong niya sa akin.

Tiningnan ko ang medical record niya. "Mamayang alas tres. So get ready, Wacky."

"Tumatawag ba sayo si mom?" Tanong niya ulit sa akin.

"Hindi. Bakit tatawag sa akin si tita?"

"Naninigurado lang ako, Calvin. Baka kasi kapag tumawag siya sayo ay sabihin mo sa kanya kung ano ang nangyari sa akin ngayon. Wala pa silang alam naaksidente ako. Ayaw ko muna may makaalam nito."

"Paano na ang pagmomodelo mo ngayon?"

"Sa tingin mo ba makakapag modelo pa ko sa kalagayan ko ngayon? Ikaw pa nga nagsabi na maliit na lang ang chance kong makalakad ulit. Pero hindi ko tatalikuran ang dahilan kung bakit ako bumalil ng Pilipinas."

"Ano ba ang dahilan kung bakit ka bumalik? Ang akala ko kasi wala ka ng balak bumalik."

"Sa akin na sa akin binigay ni dad ang agency kaya kailangan kong bumalik kahit ayaw ko na talaga."

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now