Siyam na taon na ang lumipas kaya mas lalo ako naging busy sa trabaho. Ang daming pasyente na kailangan asikasuhin.
Nawawalan na nga ako ng oras kay Zoe at sa tuwing naguusap kami ay ramdam na ramdam ko ang pagtatampo niya sa akin. Matagal na rin ang huling kita namin kahit nakatira kami sa iisang bahay.
"Doc, mabuti nakita ko kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap."
Kunot noo akong tumingin sa nurse. "Bakit? Ano ang kailangan mo sa akin?"
"May dalawang pasyente po ang dinala dito kanina. Ang isa hindi naman ganoon kalala ang kalagayan niya. Mga galos lang ang nakuha niya pero yung isa hinihintay pa yung resulta ng x-ray niya."
"Okay. Akin na yung medical record ng pasyente." Kinuha ko na sa nurse ang medical record at kumunot ang noo ko ng mabasa ang pangalan. Dinouble check ko pa baka nagkamali ako ng basa pero iyon talaga.
Si Wacky ang pasyente na tinutukoy ng nurse sa akin.
Pumunta na ko agad sa hospital room ni Wacky. Ni hindi ko nga alam na bumalik na pala siya ng Pilipinas, eh.
"What the fuck, Wacky?" Bungad ko pagkapasok ko sa hospital room niya. "Ano nangyari sayo?"
"May niligtas ako kanina na isang babae kaya ako ang napuruhan."
"Wow. Bakit ka naman nagpapabayani ah?"
"Gago. Hindi ako nagpapabayani sa kahit kanino."
"Ewan ko sayo. Okay pala daw yung niligtas mo kanina. Galos lang daw ang nakuha niya."
"Balita ko nga sa isang doctor. Gusto nga rin niya makilala ako para personal na pasalamatan pero hindi ako pumayag na magpakilala."
"Bakit naman? Ano ba ang pakulo mo ngayon?"
"Ayaw kong makaramdam siya ng guilt kapag nalaman niya kung sino ang lumigtas sa kanya."
"Kilala mo ba yung babae?"
"Oo. Siya si Serena De Luca. Isa siya sa modelo sa agency namin. Huwag na nga natin pagusapan ang tungkol sa aksidente. Wala pa rin ba yung resulta?"
"Wala pa. Aalamin ko muna kung okay na yung resulta mo."
Pumunta na ko sa laboratory para alamin ang resulta ni Wacky.
"Excuse me. Okay na ba yung x-ray result ni Mr. Joaquin Anderson?" Tanong ko sa isang radtech doon.
"Wait lang po. Hahanapin ko kung okay na yung resulta."
Bumalik na ko sa hospital room ni Wacky para sabihin sa kanya ang balita.
"Dude, huwag kang mabibigla ah."
"Bakit? Hindi na ba ko makakalakad ulit?"
"Oo. Grabe nangyari sa binti mo." Ipinakita ko pa sa kanya ang resulta ng x-ray niya. May bali ang buto niya. "Kailangan mo ring operahan agad."
"Okay..."
"Okay?!" Nagulat ako sa pagsang ayon niyang ooperahan siya. Hindi naman sa mababa ang chance maging successful ang operasyon niya pero gagawin ko ang lahat para sa kaibigan ko.
"Wala rin naman ako magagawa pa, Calvin. Operahan ako o hindi isa lang ang magiging resulta - hindi na ko makakalakad ulit."
"Doon ka nagkakamali, Wacky. Kapag inoperahan ka may maliit na chance na makalakad ka ulit. Kaya gagawin ko ang lahat para makalakad ka lang. Sa ngayon kailangan mo muna gumamit ng wheelchair."
"Fuck. Ayaw ko malaman ng marami ang kalagayan ko ngayon."
"Ano ang binabalak mo ngayon?"
"Hangga't wala pang solusyon kung paano ako makakalakad ulit ay hindi ako magpapakita sa maraming tao."
"Ikaw ang bahala kung ayaw mong lumabas ng bahay. Pero paano ang check-up mo? Kailangan may monthly check-up ka."
"Pumunta ka na lang sa bahay at ikaw na ang bahala kung kailan ka pupunta."
Bumuga ako ng hangin. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Wacky simulang nahuli niyang may ibang babae si Julie, ex girlfriend niya.
"Wacky, uso pa bang ngumiti sayo?"
"Ano ba ang pakialam mo? Ang trabaho mo tulungan ako dito, hindi iyong tatanungin mo ko kung uso pa ba sa akin ang ngumiti. Tsk."
"Ang sungit nito. Nagtatanong lang naman. Babalik ako mamaya."
Paglabas ko sa hospital room ni Wacky ay sakto ang pagtawag sa akin ni Zoe. Kaya sinagot ko na ang tawag niya.
"Kailan ka uuwi?"
Bumuntong hininga ako. Ang hirap ng ganito na may naghihintay sayo sa bahay pero kailangan ka rin ng mga pasyente mo. Simulang kinasal kami hindi na kami magkikita muli. Kahit nga ang honeymoon namin hindi natuloy dahil nagkaroon ng emergency sa araw mismo ng kasal namin. Bad trip ako pero wala ako magagawa. Trabaho ko ito.
"Okay, hintayin mo ang paguwi ko."
"Siguraduhin mong uuwi ka ah kung ayaw mong sa labas ka matutulog."
"Zoe, huwag naman ganoon. Okay, okay. Uuwi ako mamaya. Sige na kailangan ko ng ibaba 'to basta hintayin mo ko."
Hindi pa siya buntis niyan ah. Paano pa kaya kung dinadala na niya ang anak ko? Naku, ang hirap siguro suyuin ni Zoe kapag buntis na siya. Ngayon pa lang nagtatampo na siya dahil hindi ako umuuwi ng bahay.
Tatlong taon pa lang kaming kasal ni Zoe.
Kailangan ko yatang bumawi sa kanya paguwi ko.
Paguwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ng asawa ko. Halatang namiss niya ko.
"Aww, namiss ako ng asawa ko." Ginantihan ko na siya ng yakap at binigyan ng halik sa labi.
"Sobra-sobra! Tatlong taon na yung huling pagkikita natin dahil masyado kang busy diyan sa trabaho mo. Para pakiramdam ko iyang trabaho mo ang pinakasal mo, hindi ako."
"Aww, tatampo ang misis ko." Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at muli ko siyang hinalikan. "Babawi ako sayo ngayon. Ano ang gusto mong gawin? Gawa tayo ng baby?"
"Aba- Gusto mo ba?"
"Magtatanong ba ko kung ayaw ko? Siyempre gusto kong magkaroon ng anak sayo at para matuloy na ang naudlot na honeymoon natin."
"Ikaw naman kasi. Alam kong emergency yung tawag sayo noon pero sana umuwi ka kasi may naghihintay sayo dito."
"Sorry. Marami kasing pasyente na hindi ko pwedeng iwanan."
"Hanggang kailan kita makakasama? Baka bukas wala ka na kasi kailangan ka ulit sa hospital."
"Buong araw bukas makakasama mo ko. Hindi ako tatanggap ng tawag para hindi ka na magtampo sa akin."
Kahit mapapagalitan ako ni Wacky pagbalik ko dahil hindi ko siya binalikan ngayon. Damn. Laki na kasi ng pinagbago simula noon. Kailangan yata niya ng bagong love life para hindi siya magalit sa akin.
Binuhat ko na si Zoe na parang bagong kasal pa lang kami at pumunta na ko sa kwarto namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/331045885-288-k796530.jpg)
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
Roman d'amourAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...