18

296 10 2
                                    

Kinabukasan maaga ako nagasikaso dahil ngayong araw ako nagpasya na puntahan si Hiro at kakausapin siya.

Iniwanan ko muna si Cielo kila mommy pero hindi ko sinabi sa kanila ang dahilan kung bakit ko iiwanan sa kanila ang anak ko. Baka kasi matagalan pa ko makaalis doon kung sasabihin lo sa kanila ang dahilan ko.

Nang makarating na ko sa bahay ni Hiro ay nakailang doorbell na ko pero wala man lang sumasagot. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon ngayon?

Nakita ko si Calvin na sumisilip sa bintana.

"Aww... Namiss kita, Calvin." At ang laki na niya. Mukhang inaalagaan siya ng mabuti ni Hiro at hindi lang iyon may isa pa siyang kasamang pusa na hindi ko kilala.

Nakita ko na ang pagbukas ng pinto at niluwa si Hiro na sobrang gulo ng buhok. Mukhang kagigising lang niya.

"Sino ba 'yang istorbo ng tulog?" Nakakunot pa ang noo nito.

"Ako lang naman." Sagot ko sa kanya.

"Ano ba ang kailangan mo?"

Imbes na sagutin ko siya ay tumakbo ako papunta kay Calvin. Sobrang miss ko talaga siya.

"Pumunta ka ba dito para sa pusa? O may iba ka pang dahilan?"

"Masama bang mamiss si Calvin? At sino itong isa? Ngayon ko pa lang siya nakita."

"Tsk. Malamang ngayon ko pa lang siya nakita dahil binili ko 'yan noong wala na kayo dito at ang pangalan niya ay Zoi."

"You named her after mine?" Hindi ako makapaniwala na ganoon ang ginawa ni Hiro.

"To be fair. Calvin nga ang pinangalan mo sa isa."

"Alam mo naman ang reason ko kung bakit ko siya pinangalang Calvin."

"Oo na. Ano nga ba ang pinunta mo dito?"

"Gusto kita makausap kaya ako pumunta dito."

"About what?"

"Nabanggit kasi ni dad na ilang beses ka na daw bumabalik sa kanila para tanungin kung saan ako makikita."

"Oo, ginagawa ko ang lahat para sabihin nila sa akin kung saan ka makikita pero palagi akong bigo. Kahit anong pilit ko ayaw talaga nilang sabihin sa akin kaya hinayaan ko na lang."

"Hindi mo ba ko niloloko noon?"

"Alam mo naman na wala akong oras sa ganyang bagay. Naiinis ka na nga na wala akong oras sa inyo tapos tatanungin mo ko kung hindi ba kita niloloko. For your information, Zoe, wala akong panahon pumasok sa isang relasyon kung magkahiwalay man tayo."

"Pero nakita kita na may kasama kang babae sa mall at hindi lang 'yon may batang lalaki pa."

"You mean Serena? Hindi ko siya girlfriend o kung ano pa man. Girlfriend 'yon ni Wacky at ang batang lalaki na sinasabi mo ay anak nila."

"Aba, malay ko ba. Ni minsan hindi mo pa pinakilala sa akin ang kaibigan mo."

"Para saan pa na ipakilala kita sa kanila? Kung maghihiwalay rin naman tayo."

Hala, seryoso ba talaga siyang makipag hiwalay sa akin? Ang sabi ni dad na hindi daw magagawa ni Hiro na makipag hiwalay sa akin.

"Hintayin mo na lang pala ang pagdating ng annulment paper sa inyo."

"Paano mo maipapadala kung hindi mo naman alam kung saan ako nakatira?"

"Don't worry, I know where you live."

Hindi na kong sumagot pang muli. Sobra akong nasaktan na may balak siyang makipag hiwalay sa akin.

Teka nga! May balak nga rin pala ako makipag hiwalay sa kanya, 'no.

"Ikaw nga diyan hindi mo sinabi sa akin na may kababatang kapatid ka pala. Ang akala ko pa namang nagiisang anak ka lang."

"Paano ko naman sasabihin sayo kung hindi mo ko pinagbigyan na magpalinawag noong makita mo kami ni Jonas. Inuuna mo kasi ang galit mo sa akin."

"Kung sana nilapitan mo ko noon hindi tayo aabot sa ganitong sitwasyon. Pero patas lang naman tayo, akala mo may iba na ko kaya naisipan mong makipag hiwalay sa akin at ganoon rin ang inakala ko. Siguro nga hindi tayo ang para sa isa't isa dahil pinagkasundo lamang tayo ng mga magulang natin."

"Paano na si Cielo?" Tanong ko habang kagat ko ang ibabang labi ko. Nilalabanan kong huwag umiyak sa harapan niya.

"Paano na si Cielo? Parang kahapon lang ang huling paguusap natin tapos kinalimutan mo na agad ang sinabi ko. Matagal ko ng tinalikuran ang responsable ko kay Cielo kaya huwag ka na umasa na tutulungan kita sa mga pangangialangan niya."

"A-Ano ba ang pwede kong gawin para magbago iyang isip mo?" Tanong ko sabay ng pagpatak ng luha ko. Wala na umiyak na ko sa harapan niya.

"Wala ka ng magagawa pa dahil buo na ang desisyon ko, Zoe. Kung tutuusin nga hindi mo talaga kailangan ng tulong ko dahil mas mayaman pa nga ang pamilya mo kaysa sa pamilya ko."

"Kahit ba maghubad ako sa harapan mo, hindi pa rin ba magbabago ang isip mo?"

Namilog ang mga mata nito nang humubad ako sa harapan niya.

"Shit." Agad niyang kinuha ang tuwalya nasa sofa at binalot sa katawan ko. Hinila niya rin ako papasok ng bahay bago pa niya sinarado ang pinto. "Ano ba pumasok sa utak mo?! Naghuhubad ka pa talaga! Gawain ba 'yan ng isang disenteng tao?"

Hindi na ko sumagot at napapansin kong ang daming bote nakakalat. Ang iba nga pinaglalaruan na ng mga pusa.

Tumingin ako sa kanya parang gusto kong tanungin na bakit siya umiinom ng alak? Kaso hindi ko magawang tanungin sa kanya.

"Magbihis ka na nga. Tsk."

"Wala na ba talagang pagasa?"

"Huwag ka ng umasa na magkababalikan pa tayo."

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at sinunggaban ko siya ng halik baka sakaling magbago ang isip niya sa gagawin ko. Kung pumalpak pa ito hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Kaso nilayo niya ko.

Hindi na nga magbabago ang isip niya ngayon.

"Magbihis ka na." Ulit niya.

"Paano kong ibigay ko ulit sayo ang sarili ko? Baka magbago na talaga ang isip mo."

Gusto ko nga noong una na makipag hiwalay sa kanya pero masyado na kong desperada ngayon para hindi na niya ituloy ang makipag hiwalay sa akin.

Umiling siya sa akin. "Tumigil ka na, Zoe. Kahit ano pa ang gawin mo hindi na magbabago ang isip ko."

Zoe na nga lang ang tawag niya sa akin, hindi katulad dati na ang endearment namin ang tawag niya sa akin. Halatang galit siya sa akin.

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now