6

384 12 0
                                    

Nagiging busy ulit ako pero nagagawan ko na rin ng paraan para makasama ako ni Zoe. Sa tuwing magkasama kami ay palagi may nangyayari sa amin kaya lang ilang buwan na rin ang lumipas pero palaging negative ang lumalabas sa resulta ni Zoe.

Ngayon uuwi ulit ako sa bahay pero may pasalubong ako sa kanya. Paniguradong matutuwa siya dito.

"Nakauwi ka na pala." Salubong niya sa akin.

"I'm home, baby."

"Ano iyang tinatago mo?" Tanong niya kaya pinakita ko na sa kanya ang tinago ko at suminghap siya pagkakita niya. "Kuting?"

"Yup. Habang wala pa tayong anak siya muna ang baby natin. At least may kasama ka na kapag namimiss mo ko. Ano ang ipapangalan mo sa kanya?"

"Calvin. Pero pwede ring Hiro. Ano sa tingin mo maganda?"

Kumurap ako. "Huh? Bakit naman pangalan ko ang ipapangalan mo sa kanya?"

"Ikaw ang kailangan kong kasama pero sabi mo nga siya ang kapalit mo kapag namimiss kita. Kaya Calvin o Hiro ang ipapangalan ko sa kanya. So, ano sa dalawa ang magandang ipangalan sa kanya?"

Lumabi ako dahil gusto niya ipangalan ang pangalan ko sa kuting. Paano kung isang araw tawagin niya yung kuting tapos ako yung sumagot. Nakakinis ang ganoon tapos nakakahiya rin. Pareho kami ng pangalan.

"Okay, never mind. Calvin na lang ang ipapangalan ko sayo para pareho kayo ng daddy mo."

Aba, seryoso ba siya doon? Calvin talaga ang ipapangalan niya sa kuting.

"Bumili na rin ako kanina ng cat food at milk niya."

"Nasaan na yung binili mo?"

"Wait. Nakalimutan kong kunin sa kotse." Pumunta na ko sa garahe para kunin ang binili ko sa kuting.

Teka, parang may nakalimutan ako. Shit! Nakalimutan kong bumili ng litter box at sand para i-train siya kung saan siya iihi at tatae.

"Nakalimutan ko pala bumili ng litter box at sand. Bukas na bukas bibili ako."

"Sama na ko sayo pumunta sa pet shop. Baka may makita akong kailangan ni Calvin."

"Sheesh. Hindi ako makapaniwala na ipapangalan mo siyang Calvin."

"Simula ngayon Hiro na ang itatawag mo sayo para hindi ka malito kapag tinatawag ko si Calvin."

Papalitan niya ang pagtawag niya sa akin para hindi ako malito. Eh, mas nasanay akong tinatawag niya kong Calvin.

Nagsisi yata akong binili ang kuting na 'to ah. Kung alam ko lang na ipapangalan siyang Calvin ni Zoe.

"Dapat may reward ako ngayon."

Tumingin siya sa akin habang karga niya si Calvin. I mean yung kuting. "Anong reward ang gusto mo?"

Ngumiti ako ng pilyo. "Alam mo na ang gusto kong reward."

Binaba niya yung kuting at hinahayaan na namin siya patakbo-takbo.

"Pero... Ayaw kong umasa na naman tayo sa wala."

Bakit ba kasi hindi kami makabuo agad? Baka isa sa amin ang may problema pero malabo na ako 'yon. Nagpacheck-up ako dati bago ako magpakasal at wala daw problema sa akin.

"Nagpacheck-up ka na ba?"

"Galing ako kanina sa OB at ang sabi wala daw akong problema. Bakit hindi ka sumama sa akin para magpacheck-up ka rin."

Kumunot ang noo ko. "Huh? Hindi na kailangan dahil wala rin problema sa akin. Hindi naman ganoon kadali makabuo."

"Ilang beses na natin sinusubukan."

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now