Calvin's POV
May alam na ko kung saan ko pwedeng mahanap ang mag-ina ko. Hintayin niyo ang pagdating ko at kukunin ko ulit kayo.
Nagpakasal na rin sina Wacky at Serena. Paano ba naman hindi magpakasal ang dalawang 'yon kung may anak na sila. Kamukha nga ni Wacky si Kiefer.
Lumabas na ko ng bahay pero may napansin akong may nakalagay sa may gate kaya kinuha ko na iyon para alamin. Wala naman akong maalala na may inorder ako.
Kumunot ang noo ko ng malaman ko kung ano iyon - isang annulment paper at may pirma na rin ni Zoe.
"What the hell?" Pinunit ko ang annulment paper at saka tinapon sa basurahan dahil wala akong balak pirmahan iyon. Bahala siya sa buhay niya kung aasa siyang pipirmahan ko iyon.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako ng dalawang pusa. Bumili ako ng isa pang pusa para may kasama si Calvin at pinangalan ko sa kanya ay Zoi, halos parehas ng pangalan ni Zoe – pinalitan ko ng letter i imbes na letter e sa pangalan niya. Tutal ipinangalan niyang Calvin ang male cat namin kaya bumawi lang ako.
Minsan naiinggit ako sa dalawang 'to dahil lumalandi pa talaga sa harapan ko at ang sweet pa nila sa isa't isa habang yung akin hindi.
"Kakain niyo pa lang kaya huwag kayo maingay." Sabi ko at umupo na sa sofa.
Napatingin ako sa phone ko ng may tumawag sa akin kaso isang unknown number. Baka emergency kaya sinagot ko na ang tawag.
"Hello?"
"Hello po, Dr. Matsuda. May pasyente na gustong makipag kita sa inyo."
Kumunot ang noo dahil binilin ko naman na hindi ako papasok ngayon araw. "Hindi ba pwede ipa bukas na lang 'yan? Sinabihan ko na rin ang assistant ko na hindi ako papasok ngayon."
"Hindi po pwede. Nagagalit po kasi kapag hindi kayo ang tumingin sa kasama niya."
Pakiramdam ko si Wacky itong tinutukoy niyang pasyente. Si Wacky lang naman ang kilala kong ganito, eh. Pero ano na naman ba nangyari doon? Imposible na naaksidente na naman.
"Give me the phone." Mas lalong kumunot ang noo ko ng may narinig akong familiar na boses sa kabilang linya.
Familiar ang boses niya pero hindi ko maalala kung saan ko ba siya nakausap o ano ang pangalan niya.
"Dr. Calvin, it's me – Nate. If you remember me, yung kaibigan ni Jazz."
"Ah, yes! I remember you. Ano ang maitutulong ko sayo?"
"May isang kaibigan ako na baril kanina at naalala ko ang sinabi mo na tutulungan mo kami just in case na wala si Jazz dito."
"Bakit ayaw mo sa ibang doctor? On leave kasi ako ngayon."
"Sorry to say this pero wala ako masyadong tiwala sa ibang doctor maliban kay Jazz at siguro na rin sayo. Please, save him!"
"Baka mas lalo pang manganib ang buhay niya kapag hintayin niyo pa ang pagdating ko."
"Ano ang gagawin? Hahayaan kong mamatay ang kaibigan ko? Pinagkatiwalaan ka rin ni Jazz."
"Naiintindihan kita, Nate pero magtiwala ka lang sa galing ng ibang doctor. Promise, pupuntahan ko kayo diyan pero mangako ka sa akin na papayag kang sila ang magoopera sa kaibigan mo para maalis ang bala sa kanya."
"Fine, basta mailigtas lang siya."
"Good. Pupunta na ko diyan para alamin ang kalagayan niya." Binaba ko na ang tawag at tumayo na ko para kunin ang susi ng kotse ko.
Hay, ang akala ko pa naman na makakapag pahinga na ko ngayon araw pero emergency ito kaya hindi ako pwede humindi sa pasyente ko.
Nang makarating ako sa hospital ay hindi pa tapos ang operation. Anong oras ba pinasok ang pasyente sa operation room at hanggang ngayon 'di pa tapos? Never mind. Aalamin ko na lang ang nangyayari sa pasyente.
Pagkatapos ng operasyon ay pinuntahan ko na si Nate.
"Stable na ang kaibigan mo ngayon. Dadalhin namin siya sa recovery room at doon mo na lang siya hintayin magkaroon ng malay."
"Salamat naman kung ganoon."
"May alam ba ang pamilya niya sa nangyari sa kanya?"
"Wala. Wala nga may alam sa pamilya namin na isa kaming agent. Lalo na ang mama ko. Kapag nalaman niyang sumunod ako sa yapak ni daddy paniguradong pagagalitan niya ko."
"Oo nga pala." Nawala sa isip ko na isa nga palang agent sila. "Alam ba ng mama mo na dating agent ang dad mo?"
Tumango siya sa akin. "Alam ni mama kung ano ang dating trabaho ni dad."
"I see. Maiintindihan ko ang mama mo dahil delikado ang trabaho ng dad mo dati tapos sumunod ka pa sa yapak niya ngayon."
"Alam ko naman 'yon pero kaya kami pumasok sa pagiging agent dahil gusto namin tapusin ang mga naiwang trabaho ng mga ama namin."
"Sinu-sino ba ang mga kasama mo diyan sa head quarter niyo? Para sa susunod alam ko na."
"Yuuta Parker, Ryder Valle, Kent and Clark Ocampo, Delvin De Castro, Damian Castillo, Jazz Suarez at ako."
Nang magkaroon na ng malay ang kaibigan ni Nate ay nilipat na siya sa isang private room.
"Lagot tayo nito kay tita Colleen kapag nalaman niya ang nangyari sayo ngayon, Yuuta."
"Hindi naman malalaman ni mom kung ano ang nangyari sa akin kung 'di niyo sasabihin sa kanya. Samantala dito muna ako magtatago."
"Sad to say, bawal kayo magstay dito ng matagal." Sabi ko sa kanila.
"I know, Doc. Ang ibig kong sabihin dito muna ako habang nagpapagaling ako."
"May isa pa tayong problema. Malalaman pa rin ni tito Yuan na nandito ka dahil gamit mo ang credit card niya."
"Oo nga pala. Wala akong ibang choice kung 'di kumuha ng pera sa bangko."
"Huwag mong sabihin nanakaw ka ng pera pambayad lang sa hospital bill mo." Kunot noo kong sabi sa pasyente ko.
"Mukha ba kong magnanakaw sayo, Doc? May ipon ako doon at pinaghirapan ko ang lahat na iyon bago ko pa nalaman na isang agent pala– hindi ko nga pala pwedeng sabihin kahit kanino ang sikreto namin."
"May alam siya na isa tayong agent." Sabi ni Nate sa kaibigan niya.
"Ohh... Paano niya nalaman?"
"Narinig kong naguusapan sina Nate at Jazz noong isang araw. Handa naman akong tumulong sa inyo just in case hindi makaluwas ng Manila ang kaibigan niyo."
"Ayaw mo bang sumali sa amin?"
Umiling ako sa kanya. "Ang trabaho ko mangamot, hindi ang pumatay ng isang tao kahit sabihin natin na isa pa iyang masamang tao."
"Huwag mo na pansinin ang sinabi ng kaibigan kong 'to. Masyado siyang natutuwa sa ganyang bagay si Yuuta kaya kung sinu-sino na ang nirerecruit niya. Mahilig kasi siya sa dangerous adventure."
"Ayos lang."
"Pumasok nga 'yan sa army na walang alam ang mga magulang niya. Kahit rin kami mga kaibigan niya wala rin alam. Nalaman na lang noong ilang araw na hindi umuuwi."
Naku! Pasaway na bata.
Kung anak ko iyan baka hindi lang ako magagalit sa kanya dahil pumasok siya sa army na hindi namin alam.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomanceAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...