Zoe's POV
Tatlong taon na rin ang lumipas noong umalis kami sa puder ni Hiro. Ipinadala ako ni dad sa London noong nalaman nila ang totoong dahilan kung bakit kami umalis sa puder ni Hiro pero hindi nila masisi si Hiro dahil isa nga siyang doctor at maraming kailangan ng tulong niya. Pero kami ang pamilya niya at kailangan rin namin siya.
Tapos na yung masasayang araw na kasama ko si Hiro dahil bumalik na ulit siya sa pagiging busy noong bumalik siya sa trabaho. Nainis lang talaga ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na lang ako pumayag sa kagustuhan ng mga magulang ko.
"Mommy!" Ngumiti akong tumingin kay Cielo. Kamukha ko siya at kahit isa wala siyang nakuha kay Hiro.
"Yes, baby?"
"Can we go to the mall? I'm so bored here!"
Pumayag na kong pumunta kami sa mall baka kasi magkaroon pa ng tantrum. Masyado kasing spoiled ang batang 'to sa mga magulang ko lalo na kay dad. First grandchild kasi nila si Cielo.
Habang namamasyal kami sa mall ay parang may nakita akong familiar sa akin at hindi ako pwedeng magkamali kahit nakatalikod siya sa direksyon namin. Sa totoo lang namiss ko na siya ngayon. Ewan ko lang kung namiss ba niya kami o hinahanap man lang.
Kaso bigla kong naalala ang huli niyang sinabi sa akin.
"Pero ito ang tandaan mo, Zoe, wala ka ng babalikan pa dito!"
Galit nga pala siya sa akin ngayon dahil sa pagalis namin ni Cielo. Baby pa lang si Cielo noong umalis kami at sigurado akong wala siyang maalala tungkol sa daddy niya.
At napansin ko rin may kasama siyang babae. May iba na siya agad? Ang pagkaalala ko hindi pa kami hiwalay ah.
Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon para hindi niya malaman na nandito rin ako sa malapit. Hindi pa ko handa humarap sa kanya.
Sinundan ko sila kung saan sila pupunta at nakita kong pumasok sila sa isang restaurant. Nakahanap na agad ang loko kahit kasal pa kami.
Pero nakita ko rin na may kasama pa sila – isang lalaki at isang bata. Sa tingin ko kasing edad lang ni Cielo yung batang lalaki.
Imposible na matagal na pala akong niloloko ni Hiro. Nagpapanggap lang siyang busy sa trabaho pero 'yon pala ay may mistress na siya.
Ang sakit isipin na matagal na niya kong niloloko.
"Mommy, saan ka po punta? Tagal niyo dumating."
"Sorry, baby may kinausap lang ang mommy kanina."
"Ate, sino yang kasama mo?"
"Si Dr. Calvin, kaibigan siya..."
Kumunot ang noo ko at napaisip kung sino ang tinutukoy na kaibigan ni Hiro. Alam kong may kaibigan siya pero hindi ko pa nakilala o nakita ang kaibigan niya.
"Kaibigan ako ng ate mo."
Ang kapal talaga ng mukha nito. Ayaw pa niyang magpakilala na boyfriend nito. Madali lang asikasuhin ang annulment paper namin kung 'yon talaga ang gusto niya at para magsama na sila ng mistress niya.
"Calyx. Kababata kapatid ako ni ate Serena."
"Calyx, pasensya ka na ah."
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman ang situation kung bakit hindi mo mabanggit ang pangalan niya kapag nandito si Kiefer."
Pagkauwi namin ni Cielo ay hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina sa mall. Mukhang hindi niya kami hinahanap o kahit man lang ang anak niya at masaya rin siya sa mistress niya.
"Baby, laro ka muna doon."
Napalingon ako ng may narinig akong nagdoorbell. Sino naman kaya 'yon? Dahil wala akong inaasahang bisita ngayon.
Laking gulat kong makita ang bumisita ngayon. Walang iba kung 'di ang nagiisang kapatid ko – si Jonas.
"Anong ginagawa mo dito? Ang sabi mo sa akin dati wala ka pang balak bumalik ng Pilipinas tapos nandito ka na ngayon."
"Pwede naman siguro magbago ang isip, 'no? At saka nagbabakasyon lang ako dito, ate."
Doon kasi nagtatrabaho sa London ang kapatid kong 'to at medyo nagtatampo ako sa kanya kasi hindi siya dumalo noong kasal ko. Isa pa 'tong mas inuuna ang trabaho.
"Alam na ba nila mama na nandito ka ngayon?"
"Yup, sila ang una kong pinuntahan bago dumeretso dito."
"Pasok ka muna." Alok ko sa kanya.
"Ang akala ko wala kang balak yayain akong pumasok."
"Che! Pwede rin kung gusto mong diyan ka na lang sa labas."
"No, no!" Nagmamadali na siyang pumasok sa loob at nilibot niya ang paningin para bang may hinahanap. "Nasaan pala ang pamangkin ko?"
"Naglalaro yata sa kwarto."
Hindi na ko sinagot pang muli ni Jonas dahil nagmamadali siyang puntahan si Cielo.
Lumingon ako ng makita kong lumabas na siya ng kwarto. "Tulog si Cielo."
"Napagod yata kanina. Namasyal kasi kami sa mall."
"Maiba pala tayo. Kailan ko ba makilala ang ama ni Cielo?"
"Malabo na mangyari 'yan. Hiwalay na rin naman kami kaya baka bukas aasikasuhin ko na ang annulment namin."
"Kung gagawin mo 'yan, paano na si Cielo?"
"Hindi naman siya kilala ni Cielo kaya walang problema kung maghiwalay man kami ni Hiro. At saka wala pa siyang alam na bumalik na ko ng bansa."
Wala nga rin pala siyang ideya na ipinadala ako sa London.
Okay na rin ang ganito para magawa na niya ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Kahit masakit ay gagawin ko para sa kalayaan niya.
"Magouting naman tayo. Miss ko na yung magkasama sama tayong lahat."
"Sure! Kailan ba?"
"Hindi ko pa alam. Maghahanap muna ako kung saan magandang pumunta."
"Hanggang kailan ka ba dito?"
"Dalawang buwan lang ako dito."
"Dalawang buwan?! Tapos wala ka pang ideya kung saan tayo pupunta. Ibang klase ka talaga, Jonas."
"Sorry naman. Gusto ko lang kasi makasama kayo."
"Bawi ka na lang sa susunod na bakasyon mo dito."
"Kailan mangyayari 'yon? Baka matatagalan pa ulit ang bakasyon ko dito."
"Wala tayo magagawa. Bakit kasi sa London mo pa naisipang maghanap ng trabaho, eh?"
"Alam mo namang si tito Jet ang nagoffer sa akin ng trabaho pagkagraduate ko. Nakakahiya kung tatanggihan ko si tito Jet."
Si tito Jet ay nagiisang kapatid ni mama at sa London rin siya nakatira kasama sina lolo at lola namin. Sila nga rin ang tumulong sa akin magalaga kay Cielo kaya hindi ako masyado nahirapan sa batang 'yon.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomanceAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...