8

338 9 0
                                    

"Hiro, I have a surprise for you." Masayang bungad niya sa akin.

Inangat ko ang tingin sa kanya. "Huh? Ano 'yon?"

May inabot siya sa akin isang picture at hindi ako pwedeng magkamali na isa itong ultrasound. May nakita rin akong ulo at katawan ng isang sanggol.

Napatayo ako bigla. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. "Shit. Really?"

Tumango siya sa akin. "Yes."

"Kailan mo pa nalaman?" Tanong ko pero hindi pa rin maalis ang tingin ko sa picture ng ultrasound ni Zoe.

Shit. Sa tagal na namin sinusubukan makabuo at dumating na nga siya sa amin ngayon.

"Ngayon ko lang nalaman na buntis ako. Wala ako nararamdaman kahit isang symptoms ng buntis kaya hindi ko agad nalaman. Pero napapansin kong magdadalawang buwan na kong delayed."

Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Sabik talaga ako magkaroon ng anak sa kanya. "Thank you, baby. Binigyan mo ko ng anak."

"Baka naman huwag ka muna maging busy sa trabaho mo."

Humiwalay na ko sa kanya. "I... I'll try."

"Bakit mo susubukan? Gawin mo. Kailangan ko rin ang presensya mo ngayon lalo na't magkakaroon na tayo ng anak."

"I know. Pero..."

"Mamili ka. Kami ng anak mo o ang trabaho mo?"

"Zoe, huwag naman tayo umabot sa ganito. Siyempre importante kayo sa akin. Sa tagal na natin hinintay na magkaroon ng anak pero hindi ko pwede hindi piliin ang trabaho ko."

"Matagal ko rin naman alam na hindi talaga kami mahalaga sayo, Hiro. Kung mahalaga kami sayo dapat nagkakaroon ka ng oras sa amin."

"Ginagawa ko naman ang lahat para magkaroon ng oras."

"Ayaw ko ng kausapin ka dahil ayaw kong bigyan ng problema ang sarili ko. Bahala ka na diyan sa buhay mo." At iniwanan na niya ko.

"Zoe..."

Bakit kasi kailangan pang umabot sa ganitong pangyayari? Okay naman kami kanina tapos pipiliin niya ko kung ano ang importante sa akin.

Nagpasya na lamang akong bisitahin si Wacky sa kanila kahit wala pa ang schedule niya para sa check-up.

Kumurap ako pagkarating ko sa bahay ni Wacky dahil may nakita akong magandang babae. Imposibleng girlfriend siya ni Wacky.

"Hello." Nakangiting bati niya sa akin.

"Hi. Uh... Nandiyan ba si Wacky?"

"Yes pero hindi ko alam kung saan siya pumunta ngayon."

"I see. Garden lang ang madalas niyang puntahan."

Pumunta na ko sa garden at may nakita akong wheelchair. Hindi nga ako nagkamali na dito pumunta si Wacky. Hindi nga siya lumalabas kaya malabong may iba pa siyang puntahan na hindi ko alam.

"Hey, dude!"

Lumingon siya sa kanyang likuran. "Bakit ka nandito? Ang akala ko ba sa susunod na buwan pa ang appointment ko sayo."

"Hindi ako bumisita para sa appointment mo. Bumisita ako para kamustahin ka. Anyway, sino pala yung chicks na nakasalubong ko kanina? Girlfriend mo?"

"Don't make me laugh. She's not my girlfriend or whatsoever. She's a private nurse."

"Private nurse? Wala akong maalala na may inassign akong nurse para alagaan ka ah."

Ayaw pa kasing aminin na girlfriend niya 'yon, eh. May nurse-nurse pang nalalaman.

"Siya ang madalas na kinukwento ni Jared na nurse kaya kinuha ko siya at siya rin ang dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa akin ngayon."

"Kaya ba siya ang kinuha mo para pahirapan siya?"

"Sira. Wala akong balak pahirapan siya kaya kinuha ko siya para alagaan ako. Kahit maliit lang ang chance na makalakad ulit ako pero wala naman mawawala sa akin."

Bigla ko tuloy naisip na lokohin itong si Wacky ngayon. Masyado kasi seryoso sa buhay.

"Wacky, hindi ko pa dapat sasabihin ito sayo pero masyadong delikado kung pipilitin mo makalakad ulit. Maaaring ikamatay mo ito at ayaw kong mawalan ulit ng isang kaibigan."

"Handa akong makipagsapalaran kahit buhay ko pa ang kapalit. Wala akong pamilya na babalikan."

Anong walang pamilya? Siraulo talaga 'to. Alam naman niyang nakatira sa Singapore ang mga magulang niya tapos sasabihin niyang wala na siyang pamilya na babalikan. What the fuck? At saka hindi ako papayag na ganoon ang mangyari sa kanya.

"Baliw ka talaga. Anong wala ka ng babalikan pa? Hoy, Wacky, may pamilya ka sa Singapore at saka ginawa ko ang lahat na makakaya ko kahit masakit para sa akin malaman na buhay mo na ang kapalit dito. Maghahanap pa ako ng ibang paraan para makalakad ka."

"Um, sir." Binaling ko ang tingin sa bagong dating – siya yung babae nakita ko kanina. "Baka hindi ka pa kumakain."

"No, I'm fine. Thank you." Nilahad ko ang palad ko. "Ako nga pala si Calvin."

Tinanggap niya ang kamay ko. "Serena."

"Nice to meet you, Serena."

"Please is mine, Calvin."

"Ako nga pala ang doctor ni Wacky pero hindi ako bumisita ngayon para doon. Bumisita ako bilang kaibigan niya, hindi doctor."

"Ohh... Kayo pala yung doctor ni Wacky." Sumulyap ako saglit kay Wacky dahil pumayag siyang tawagin siya ni Serena sa nickname nito. Hindi pumapayag si Wacky na tawaging ganoon kung hindi niya ganoon close. "Gusto ko kasi malaman yung mga resulta ng test niya para alam ko kung paano ko siya matutulungan."

Isa lang ibig sabihin noon may gusto si Wacky sa kanya kaso hindi pa niya 'yon napapansin. Nakaisip na naman ako kung paano mapaamin si Wacky na may gusto siya kay Serena.

Operation: pagselosin ang kaibigan.

"I see. Hindi ko kasi dala yung mga resulta niya ngayon pero sa appointment niya sa akin ay sasabihin ko sayo."

"Sure! Next month, right?"

"Yes, next month. I'm sure alam mo na maliit lang ang chance ni Wacky makalakad ulit pero kapag pipilitin natin ay maaaring buhay niya ang kapalit."

Ngumiti ako sa aking isipan pagkasulyap ko ulit kay Wacky dahil sa biglang pagtahimik nito. Panigurado akong nagseselos na ito ngayon.

Hindi ko pa tuloy masabi sa kanyang kasal na ko hangga't hindi pa umaamin si Wacky na gusto siya kay Serena.

Tumikhim siya. "Calvin, kung wala ka ng kailangan maaari ka ng umalis dahil alam kong marami ka pang gagawin sa trabaho."

Successful ang unang araw na pagselosin ang isang Joaquin Anderson. Hay, ang dali talagang basahin ang iniisip ni Wacky.

"Wala naman akong gaga–" Pinandilatan niya ko ng mata. "Sabi ko nga kailangan ko ng umalis. Serena, I have to go."

"Magiingat kayo, Doc."

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now