10

357 8 0
                                    

"Sabi na nga ba dito lang kita makikita." Sabi ko pagkarating ko sa garden kung saan madalas tumatambay si Wacky.

Lumingon siya sa akin. "Ano ang ginagawa mo dito, Calvin?"

"Don't tell me you forgot your appointment today."

"Ngayon na ba iyon? Marami kasi akong iniisip kaya nawala na sa isipan ko ang tungkol sa check-up ko."

"Dude, pasensya na sa sinabi ko sayo noong huling bisita ko ah."

"Ano ang kasalanan mo sa akin?"

"Nagbibiro lamang ako na maaari mong ikamatay kung pipulitin mong makalakad ulit."

Kumunot ang noo nito. "Baka gusto mong mawalan ng lisensya."

"Wacky, huwag naman ganyan ang gawin mo sa akin. Importante sa akin ang trabaho ko, alam mo naman iyan."

"Pasalamat ka nasa mood ako ngayon."

"Nasaan pala si Serena? Baka kasi kailanganin ko ang tulong niya ngayon."

"Present!" Kumurap akong tumingin sa kanya. Lakas ng pandinig ah.

"Nandiyan ka pala, Serena. Heto nga pala ang mga resulta ng lab test ni Wacky noong huling check-up niya." Ipinakita ko na sa kanya ang mga resulta ng lab test ni Wacky.

"Grabe pala ang nangyari sa paa ni Wacky. Ang sabi mo sa akin dati maaari siyang mamatay kung pipilit niyang makalakad ulit."

Binaling ko saglit ang tingin kay Wacky dahil nakatingin lamang siya sa akin. Sana nga magselos siya para manalo ako sa usapan namin.

"Naku, nagbibiro lang ako tungkol doon. Gusto ko lamang takutin si Wacky pero mukhang tinanggap na niya ang kamatayan niya."

"Baliw ka pala, eh. Kaibigan mo si Wacky tapos sasabihin mo na maaaring ikamatay niya kapag pinilit niyang makalakad ulit. Ganyan ka ba sa mga pasyente mo?"

"Hindi. Pero sorry sa sinabi ko."

Grabe pala magalit ang soon-to-be girlfriend ni Wacky. Palagi siguro nagbabangayan ang dalawang 'to kapag naiwan na silang dalawa.

"Huwag mo na uulitin ang sinabi mo sa akin."

"Promise, hindi ko na uulitin."

Lumingon ako ng tumikhim na si Wacky. Nawala na sa isip ko na siya pala ang pinunta ko dito.

"Hindi pa ba tayo magsisimula, Calvin?"

"Tara na sa loob para makapag simula na tayo sa session natin." Nauna na ko sa kanila pumasok sa loob."

"Huwag na. Kaya ko naman ito na magisa."

"Sabi ko nga ikaw na ang bahala."

Napansin ko ang pagtingin ni Wacky sa akin. "Do I need a prosthetic leg to walk again?"

Napahinto ako sa paglalakad nang tanungin niya ko at humarap sa kanya. "Oo, iyon lang ang paraan para makalakad ka ulit pero hindi biro ang presyo."

"I don't care. Kahit milyo pa ang presyo niyan ay wala akong pakialam."

Nawala sa isip ko na sobrang yaman nga pala ng pamilya ni Wacky kaya wala siyang problema sa pera.

"Sabagay hindi nga pala problema ang pera sayo."

Nagsimula na ang session namin at tinutulungan naman ako ni Serena. Okay na rin 'to at least hindi ako nahihirapan sa trabaho ko dahil may tumutulong sa akin. Hindi ko rin maiwasan tumingin sa gawi ni Wacky at halatang hindi siya natutuwa sa nakikita niya. Mukhang mission accomplished ito mamaya ah.

"Kapatid ka pala ni Jared." Napatingin ako sa gawi ni Serena nang magsalita siya.

"Step brother ko siya pero kahit hindi kami magkadugo ni Jared ay sobrang close kami niyan dahil palagi niya kong nililigtas sa mga bumubully o umaaway sa akin. Kaya noong nalaman ko na may malubhang sakit si Jared at huminto siya sa pagaaral niya ay ako na mismo ang tumupad ng pangarap niyang iyon. Kaso hindi na niya hinintay na grumaduate ako at isang ganap na doctor." Pabulong kong sagot sa kanya. Sinadya ko talagang gawin ito para magselos si Wacky sa amin.

"May isa pa ako gustong tanungin sayo."

"Ano iyon?"

"Bakit ba tayo nagbubulungan?" Pabulong niyang tanong sa akin.

Ngumisi ako. "Para malaman kung nagseselos ba si Wacky sa ginagawa natin o hindi."

"Huh? Imposible naman yata 'yang sinasabi mo. Sinabi na sa akin dati ni Wacky na wala siyang pagtingin sa akin."

Kumindat ako sa kanya. "Trust me. Matagal ko ng kilala ang kaibigan kong 'yan at madali siyang basa–"

Narinig ko ang pagtikhim ni Wacky. "Kung wala ka ng gagawin maaari ka ng umalis, Calvin."

"Sa susunod na buwan ulit ang sunod mong check-up."

"No need. Wala ng susunod dahil ayaw ko na magpa check-up. Huwag mo na sayangin ang oras mo sa akin, Calvin."

"Bakit? Ang akala ko ba gusto mong makalakad ulit kaya nga nandito si Dr. Calvin para tulungan ka." Pagtataka ni Serena.

Mukhang success ang binabalak ko pero naguguluhan pa sa nararamdam ang kaibigan ko.

"Sabi ko nga sayo kanina." Muli akong bunulong kay Serena.

"Calvin, umalis ka na bago pa kong tumawag ng security at sapilitan kita paalisin dito."

"Sabi ko nga aalis na ko." Humarap na ko kay Serena at hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. "Alis na ko. Tawagan mo ko kung nagkaroon ng problema."

"Okay. Salamat ulit." Nakangiting sabi niya sa akin.

Makakatulog na ko ng mapayapa nito mamayang gabi dahil malapit na magkaroon ulit ng love life ang kaibigan. Sana nga si Serena ang babae para sa kanya. Ayaw ko kasi yung palaging mainit ang ulo ni Wacky. Sana nga bumalik na sa dati ang kaibigan ko.

Hindi pa rin mawala ang ngiti ko hanggang sa makauwi na ko sa bahay.

"Mukhang masaya ka ah. Ano kaganapan nangyari sayo kanina?" Tanong ni Zoe sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. "Palagi naman ako masaya tapos ikaw agad ang–"

"Teka..." Bigla niya kong inaamoy. Malabong mabaho ako dahil naligo naman ako kaninang umaga. "Bakit amoy ng babae ka? Sabihin mo nga sa akin kaya masaya paguwi mo kanina dahil nakipag kita ka sa babae mo, 'no? Sabi na magsasawa ka rin sa akin."

"What? Alam mo namang galing ako kay Wacky para sa monthly check-up niya at kaya ako amoy ng babae kasi nandoon rin ang girlfriend niya."

Sana mapatawad ako nina Wacky at Serena sa ginawa kong alibi. Ang akala ko makakatulog na ko ng mapayapa nito pero mukhang kailangan ko munang suyuin ang buntis kong asawa.

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now