Dalawang buwan na rin ang nakalipas simulang gumaling ako kaya nakakalakad na ulit ako ng maayos at hindi ko na kailangan ang tungkod para hindi ako mahirapan maglakad.
Nakatayo lamang ako habang tinitingnan ang mga medical record ng mga pasyente ko.
"Someone wants to talk to you... in private."
Lumingon ako at nakita ko si Jazz. "Sino naman ang gusto makipag usap sa akin?"
"Sumunod ka na lang sa akin."
"Uh, okay."
Pagkarating namin sa clinic niya ay may isang tao sa loob pero hindi ko kilala kung sino siya. Ano kaya ang kailangan niya sa akin? Eh, ngayon ko pa lang siya nakita.
"He is Kent Ocampo. He is one of my friend and also an agent like the others."
Kumunot ang noo ko. "Ano ang kailangan mo sa akin? Kung may balak kayong irecruit ako ay wala akong balak sumali."
"Hindi ako naparito para irecruit ka na sumali sa amin. Naparito ako para sabihin sayo tungkol sa nangyaring aksidente. Napanood kasi namin yung footage ng aksisente at naniniwala kaming lahat na hindi isang aksidente ang nangyari."
"What do you mean?"
"Natuklasan namin may gustong pumatay sa pamilya mo, Dr. Matsuda."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. "What?! Sino naman ang gagawa nito? Wala naman ako nakaaway o nakalaban para gumanti sa akin."
"I know. Wala kang nakaaway o nakalaban pero si tito Zion na may nakalaban noong mga panahon na agent pa lang siya. Panigurado akong gusto niyang gumanti kay tito Zion."
"Bakit niya dinadamay dito ang isang inosenteng bata? Dapat labas na dito ang pamilya ko dahil wala silang kinalaman lalo na ang asawa ko."
"Dahil siguro anak ni tito Zion si Zoe at naisip ng kalaban na unahin ang kakaisang apo niya kaso nabigo siya sa gusto niyang mangyari. Niligtas mo ang anak niyo."
Hindi ako papayag na may mapahamak sa pamilya ko kahit isang doctor ako ay handa akong protektahan sila. Hindi ko magawang pumatay ng isang tao pero alang-alang sa pamilya ko lalo na kay Cielo gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang sila.
"Thank you for telling me this."
"Sige, 'yon lang ang gusto kong sabihin sayo. Alis na ko."
"Wait." Huminto siya sa paglalakad. "Alam kong palagi ko itong sinasabi na wala akong balak sumali sa inyo pero alang-alang sa pamilya ko handa ako gawin ang lahat kahit pumatay pa ng tao."
"What?!" Binaling ko ang tingin kay Jazz. "Calvin, seryoso ka ba diyan? Maaaring buhay mo ang maging kapalit kapag gagawin mo 'yan."
"Proteksyon ng mag-ina ko kaya ko ito gagawin, Jazz."
But first of all kailangan ko muna kausapin si dad na may alam ako tungkol sa nakaraan niya – na dati siyang agent.
Pagkatapos ng shift ko ay dumeretso ako sa bahay ng mga magulang ni Zoe.
May isang maid nagbukas ng gate sa akin pagkarating ko doon. Pagpasok ko sa loob ang una kong nakita ay si mama.
"Hello po."
"Oh, Calvin. Napadalaw ka yata ngayon. Hindi mo ba kasama ang mag-ina mo?"
Umiling ako. "Hindi po alam ni Zoe na pupunta ako dito ngayon."
"Bakit ka pala napadalaw?"
"Gusto ko po kasi makausap si dad."
"Nasa backyard si Zion ngayon at ang pagkaalam ko may kausap siya sa telepono."
"Ganoon po ba?"
"Pwede mo naman siya puntahan doon kung gusto mo. Pwede rin na hintayin mo na lamang siya dito."
"Pupuntahan ko na lang siya sa backyard." Sabi ko kaya lumabas na ko para pumunta sa backyard.
"Oo, pre."
"Kahit retired na ko ay palagi kong binabantayan ang mga bata. Hindi ko hinahayaan na mapahamak ang isa sa kanila."
"Oo nga. Ang kulit mo talaga, Oliver. Mga anak sila ng mga kaibigan natin kaya hindi ko sila pinabayaan. Kahit nandito lang ako sa bahay ay binabantayan ko nga sila 24/7."
"Sige na ibaba ko na ko 'tong tawag."
Humarap na sa akin si dad pagkatapos niyang kausapin ang kausap niya sa telepono. Pero ano itong narinig ko na isa pala siyang supervisor.
"Kanina ka pa diyan, Calvin?"
"Hindi po. Kararating ko lang po."
"May kailangan ka ba sa akin?"
Tumango ako. "Yes po. May isang katanungin ako at sana masagot niyo."
"Go ahead."
"Totoo po bang dati kayong agent?"
Nakita ko kung paano siya nagulat. "Paano mo– Hindi nga pala ako pwede magtanong dahil ikaw ang unang nagtanong sa akin. Yes, I am a former agent."
Totoo nga ang sabi nila na dating agent si dad. Ayon sa narinig ko kanina yung kausap niya ay isa ring agent at dating kasamahan niya.
"Okay, ako naman ang magtatanong sayo – Paano mo nalaman na isang akong agent?"
"Matagal na nangyari ito... Narinig kong naguusap sina Jazz at Nate tungkol sa agent. Noong una ayaw ko maniwala na isa kayong agent pero sa nakikita ko po hindi magagawang magsinungaling ng mga kaibigan ni Zoe."
"I see... May alam rin ba si Zoe?"
"Sa tingin ko po wala siyang alam kasi wala siyang nababanggit sa akin."
"Mabuti naman kung ganoon. Wala ka na bang iba pang katanungan?"
"Alam niyo pong agent ang mga kaibigan ni Zoe?"
Bumuga siya ng hangin. "Kahit pinagbawalan ko sila sumali sa pagiging agent pero mapilit silang lahat. Gusto nilang tapusin ang mga trabaho na iniwanan ng mga kasamahan ko dati. Huwag mong sabihin sa akin may balak kang sumali sa kanila? Kung ako sayo huwag mo na ituloy kung ano man ang binabalak mo dahil delikado ang trabaho namin. Siguro ayaw mong makitang umiyak si Zoe kapag may mangyaring masama sayo."
"Ang totoo po niyan may nakapag sabi po sa akin kanina na may gustong makipag higanti sa inyo at plano niyang unahin si Cielo. Hindi ako papayag mapahamak dito ang anak ko."
"I know. Kaya gumagawa na ko ng paraan para hanapin kung sino ang may gawa nito."
"Isa akong doctor na hindi pumapatay ng tao kahit masamang tao pa 'yan pero ibang usapan na ho kung idadamay pa dito ang pamilya ko."
"Hayaan mo na sila ang magtapos nito, Calvin. Labas ka na dito at hindi rin papayag na may mangyaring masama sa pamilya mo."
Hindi ako papayag na walang ginagawa. Paano kung may gawin na naman yung killer sa anak ko? Kahit hindi ako marunong humawak ng baril o makipag laban pero gagawin ko pa rin.
"Iyon lang po ang gusto kong malaman. Alis na po ako."
Pagkatapos kong kausapin si dad ay umuwi na ko.
"Ang aga mo yatang umuwi ngayon." Sabi ni Zoe sa akin.
"Maaga pa ba 'to? May dinaanan pa nga ako kanina."
"Daddy!" Nakita ko ang pagtakbo ni Cielo kaya binuhat ko na siya.
"How's your day, my princess?"
"Pumunta po kami ni yaya Cecil sa park tapos nagkaroon rin ako ng maraming kaibigan."
Ngumiti ako. "That's good. Basta huwag ka makipag away ah. Kahit alam mong mali ka huwag na huwag ka makilag away."
Tumango siya. "Opo."
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomanceAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...