Calvin's POV
Nagulat ako noong bumisita si mama sa akin. Paano niya nalaman kung nasaan ako ngayon? May dalawang suspect ako. It's either Wacky or Zoe ang nagsabi kay mama.
"Um, Hiro..." Tumingin ako kay Zoe. Kitang kita na kinakabahan siya. "Sorry kung sinabi ko sa mama mo ang nangyari sayo."
So, si Zoe pala ang nagsabi kay mama kung ano ang nangyari sa akin.
"Bakit mo naman ginawa iyon ah? Sinabi ko naman na huwag niyo ipaalam kay mama ang nangyari sa akin." Mahinang turan ko. Kalamado pa ko niyan.
"Ayaw ko kasi magsinungaling sa kanya. Pero pumapayag na ko sa kagustuhan mo kapag gumaling ka na. Kahit ilan pa ang gusto hangga't kaya ko."
Bumuga ako ng hangin. "Wala ng bawian 'yan ah."
Sinabihan rin ako ni mama kanina na huwag ko daw pagalitan si Zoe. Noong una naguguluhan ako kung bakit ko pagagalitan si Zoe, ngayon maintindihan ko na. Nakahanap pa siya ng kakampi ngayon.
"Basta huwag ka na magalit sa akin."
"Wala na rin tayo magagawa at hindi ako galit sayo."
"Really, you are not mad?"
"Oo nga. Ang kulit."
"May doctor bang pumunta dito kanina habang wala pa ko?"
"Meron. Sa tingin ko mga 30 minutes ago bago kayo dumating ni mama."
"Ano ang sabi?"
"Pwede na daw ako umuwi bukas." Sabi ko.
At magkakasakit pa yata ako kung tatagal pa ko dito sa hospital tapos wala rin ginagawa. Mas mabuti pang sa bahay ako magpapagaling.
"Mabuti makakauwi ka na. Miss na miss ka rin kasi nina Calvin at Zoi."
"Damn. Sobrang miss ko na rin ang dalawang 'yon ngayon. Ilang araw na hindi nila ako nakikita at nakakasama."
"May sinabi pala sa akin si mama." Tumingin ako sa kanya at siyempre hinihintay ko rin ang susunod niyang sasabihin. "Na may allergy ka pala sa pusa. Bakit hindi mo sinabi sa akin? Doctor ka pa naman din."
"I have a lot of allergy medicine at home and I also always wear a mask whenever I go near them."
"Kahit na marami kang gamot sa bahay dapat sinabi mo pa rin sa akin."
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo na may allergy ako sa pusa. Ayaw ko lang kasi maging malungkot ka noon sa tuwing wala ako sa bahay. At least may kasama ka sa bahay habang wala ako. Tinago ko sayo sa tuwing inaatake ako ng allergy ko. Pero hindi ko naman pwede ipamigay o iabandon yung mga pusa dahil napamahal na sila sa akin."
Sila na nga lang ang naging karamay ko noong mga panahon na umalis si Zoe sa bahay tapos ipamimigay o iaabandon ko sila. Hindi ko kaya isipin ang maaaring mangyari sa kanila.
"Hindi naman ako ganoon masama para iutos sayo na gawin mo 'yon. Si Calvin ang unang baby natin bago pa dumating si Cielo. Tapos binigyan mo pa siya ng girlfriend dahil dumating sa buhay niya si Zoi."
"Minsan nga nagsisi ako na binili ko si Zoi para hindi malungkot si Calvin kapag wala ako sa bahay."
"Bakit naman?"
"Tama bang maglandian sa harapan ko? Naiinggit kasi ako na sobrang sweet nila."
Narinig ko ang pagtawa ni Zoe. Pinagtawanan daw ba ko. "Basta ba ayaw ko maging lola agad ah."
"Too bad for you."
"Huwag mong sabihin nagkaroon sila ng mga anak?"
Tumango ako. "Yup, 2 years ago hindi ko inasahan buntis pala si Zoi pero ipinamigay ko na rin yung mga anak nila. Kung tatagal pa sila baka ikamatay ko pa."
"Ang cute siguro ng mga anak nila, 'no? Sayang hindi ko sila nakita."
"Sobrang cute nga nila. Tatlong lalaki at dalawang babae. Pero ngayon hindi na mabubuntis pang muli si Zoi at hindi na rin makakabuntis si Calvin."
"Ang dami rin pala ang nangyari noong umalis ako."
"Yeah, inaabala ko na nga ang sarili ko sa trabaho kaso hindi pwede na hindi ako umuwi dahil wala magpapakain kila Calvin at Zoi. Kailangan ko pa rin ang umuwi para sa kanila."
Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi. Hindi nagtagal ay humiwalay na siya sa akin.
"Promise, babawi ako sayo."
"Babawin rin ako sayo kapag gumaling na ko."
"Uuwi na ko baka kasi hinahanap na ko ni Cielo. Babalik na lang ako bukas."
Tumango ako. "Magiingat ka."
Maaga ako nagising dahil hindi ako makatulog ng maayos kung panay labas pasok yung mga nurses para tingnan ako. Kaya gusto ko na talaga ang umuwi.
Tumingin ako sa bagong dating. "Good morning."
"Good morning."
"Ang aga mo yatang bumisita."
"Hindi ako nakatulog sa sobrang excited ko para sayo."
"Sus, sabihin lang namiss mo agad ako kaya maaga ka ngayon."
"Hindi rin." Sumimangot ako sa sagot nito. "Tulungan na kita magpalit ng damit para makauwi ka na."
Tinulungan na nga niya ako magpalit ng damit. Nahihirapan pa kasi ako galawin ang mga muscles ko sa katawan.
"Paano nga pala ako makakauwi?"
"Kasama ko si dad. Ayaw niya kasi umakyat kaya sa lobby na lang siya naghintay sa atin."
Pagkatapos niyang palitan ako ng damit ay lumabas siya para humingi ng tulong sa available na nurse para ilagay ako sa wheelchair.
Di ko inaasahan na mangyayari sa akin ito pero kung hindi ko 'yon ginawa baka ano ang nangyari kay Cielo ngayon.
Pagkalabas namin sa elevator may isang batang babae ang tumakbo patungo sa direksyon namin. Wait, si Cielo ba iyon? Si Cielo nga.
"Daddy!"
Lumingon ako sa likod. "Hindi mo sinabi kasama rin pala si Cielo."
"Surprise."
"Ako na ang magdadala ng gamit ni Calvin sa kotse."
Ipinaupo ko si Cielo sa kandungan ko at tuwang tuwa pa yung bata. "Daddy, thank you for saving me."
Ngumiti ako. "Anything for my princess."
Tahimik lang ako sa buong biyahe at tulog na rin naman si Cielo.
"Calvin, kamusta ka na ngayon?"
"Maybe I'm getting bored kasi wala po 'kong ginagawa sa hospital.
"Pasensya nga pala kung hindi kami nakakadalaw sayo."
"Ayos lang po 'yon."
Aamin ako na ayaw kong marami ang bumisita sa akin dahil labas-pasok labas-pasok ang mga tao sa room. Para gusto ko tuloy bumawi ng tulog pagkauwi ko sa bahay.
Mukhang naiitindihan ko na si Wacky noong siya ay nahospital dati at atat na atat nang umuwi.
Nang makauwi na ko ay excited pa ko makita sina Calvin at Zoi kahit bawal talaga sila lumapit sa akin.
"Is this your house, daddy?" Tanong ni Cielo sa akin.
"This will be ours too. Dahil lilipat na tayo para alaagan natin ang daddy mo." Sabi naman ni Zoe.
"Yaay!" Kita sa mukha ni Cielo ang tuwa.
Humarap ako kay Zoe. "Really? Lilipat kayo na kasama ko?"
"Why not? Ang huling tanda ko kasal pa rin ako sayo at dapat na magkasama tayo sa isang bubong."
Ikaw lang naman itong iniwanan ako, eh.
"Hmph." Pumanhik na ko papunta sa kwarto.
Nakakalakad na ko pero kailangan may tungkod akong gamit. Nagmumukha tuloy akong matanda nito dahil may gamit akong tungkod para makalakad.
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomanceAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...