11

348 8 0
                                    

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Wacky na pupunta daw siya sa hospital. Tulog si Zoe noong umalis ako ng bahay kaya wala siyang ideya na umalis ako pero kailangan ko rin bumalik agad. Kung pwede nga lang bago magising si Zoe ay makauwi na ko para hindi siya makahalata na nagtrabaho ako ngayon.

Inilagay ko na ang prosthetic leg kay Wacky at tinulungan ko na siyang tumayo ng dahan-dahan.

"Okay, good! Subukan mo namang maglakad." Sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan naglalakad si Wacky hanggang sa masanay na siya sa kanyang prosthetic leg.

"Bakit bigla ka yata nagpasya gumamit ng prosthetic leg? Dahil ba kay Serena?"

"Because of what you did then I realized that I can't lose Serena from me."

Ngumiti ako. Masaya ako para sa kaibigan. "Mahal mo na, 'no?"

"I hate to admit it but yes. Kahit ilang beses pa niya kong tanggihan ay hindi ako susuko."

"Good luck, man!"

"Kailangan ko na pala umalis. Pupunta pa ko ngayon sa agency."

Tumambay muna ako sa clinic ko bago kinuha ang bag ko para makauwi na ko kaso napatingin ako sa phone ko ng tumunog 'yon. May text message ako galing kay Serena.

From Serena;

Doc, busy ka ba? Kung hindi ka busy ngayon, pwede ba tayo nagkita?

Ano ba naman 'to. Kung kailan kailangan ko ng umuwi. Ugh, baka magalit na naman sa akin si Zoe kapag magising siya na wala ako sa bahay. Ang hirap pa naman niyang suyuin. Pero baka importante ang sasabihin ni Serena kung bakit gusto niyang makipag kita sa akin.

To Serena;

Lunch break ko naman. Tell me where we will meet.

To Serena;

Pupuntahan kita doon.

From Serena;

Huwag na. Ako na lang pupunta sayo.

To Serena;

Okay, may malapit na coffee shop sa hospital. Doon na lang tayo magkita. Hihintayin kita.

Pumunta na ko sa coffee shop para doon hintayin ang pagdating ni Serena. Mabuti nga lang may bakanteng table malapit sa window glass kaya doon na ko umupo para makita niya ko agad.

Nakita ko na ang paglapit niya sa akin kaya tumayo na ko.

"Have a seat." Alok ko sa kanya kaya umupo na siya sa harap ko. "Bakit mo ba gusto makipag kita sa akin?"

"Tungkol kay Wacky. Ang akala ko ba ayaw na niya ituloy ang check-up niya."

"Sabi ko nga sayo nagseselos iyon noong nandoon ako sa bahay niya. In denial nga lang."

Masaya talaga ako para sa kaibigan ko dahil narealize na niyang may gusto na siya kay Serena. Ngayon ang problema ay si Serena kung paano ba niya magugustuhan rin ang kaibigan ko. Kailangan kong tulungan si Wacky na hindi niya malalaman.

"Pero ngayon nakakalakad na ulit siya." Napansin ko parang hindi siya natutuwang makakalakad na ulit si Wacky ngayon ah.

"Oh, para namang nalulungkot ka dahil nakakalakad na siya."

"Hindi! Excited na ako dahil makakabalik na ko sa pagiging modelo. Wala pa ngang isang tao sa usapan namin pero ayos na rin iyon. At least hindi ko na siya makikita pang muli."

"Oh? Nakita mo naman kung paano siya magselos at kung paano rin siya concern sayo."

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit concern na concern siya sa akin. Para bang may alam siya kung ano ang nangyari sa akin last year." Yumuko ako dahil wala akong karapatan sabihin sa kanya ang totoo. Si Wacky dapat ang magsabi sa kanya, hindi ako. "Sigurado akong may alam ka dahil kaibigan ka ni Wacky."

"Serena, kung may alam man ako. Sa tingin mo ba may karapatan akong sabihin sayo ang totoo? Dapat si Wacky ang magsasabi sayo, hindi ako."

"Pero ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo. Panay sabi niya wala daw siyang aaminin sa akin kahit pakiramdam ko may dapat akong malaman."

Bumuga ako ng hangin. "Baka may dahilan siya kung bakit hindi niya sinasabi sayo."

"Paano ko siya makikilala ng lubusan kung masyado siyang misteryoso?"

"Okay, makinig ka ng mabuti ah. Hindi naman ganyan dati si Wacky bago niya nakilala si Julie, ex girlfriend niya."

"Anong nangyari sa kanila?"

"Niloko siya. Kaya maswerte ka dahil pinagkatiwalaan ka niya."

"Pinagkatiwalaan? Eh, hindi nga niya sinasabi sa akin ang dahilan niya tapos sasabihin mo sa akin pinagkakatiwalaan niya ako. Anong kalokohan iyan, Doc?"

"Ang ibig kong sabihin kung ano ang ginagawa ni Wacky sayo. Mukhang malapit na bumalik ang kilala kong Wacky simulang nakilala ka niya."

"Tigilan mo ko, Doc. Wala nga akong gusto sa kanya at alam niya iyon."

"Ako na ang nakikiusap sayo. Just give him a chance, please."

Umuwi na ko pero may malaking problema ako ngayon. Natagpuan kong gising na si Zoe. Shit. Lagot ako nito.

"Saan ka galing?"

"Nakipag kita lang ako kay Wacky." Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo kung saan ba talaga ako galing.

Kinabahan ako dahil nakatingin lang siya sa akin. Inaalam ba niya kung nagsasabi ba ko ng totoo o nagsisinungaling ako sa kanya? Damn it.

"Wala ka bang pasalubong sa akin?" Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala niya inaalam ang totoo.

"Sorry, nagmamadali kasi ako umuwi kanina kaya nakalimutan kong dumaan sa Albani's Restaurant."

Sumimangot siya sa akin. "Ayos lang pero sa susunod huwag mong kalimutan ah."

"Yes, ma'am."

"Napakain mo na ba si Calvin kanina?"

"Napakain ko si Calvin bago ako umalis kanina."

Ayaw kong magtampo siya sa akin kapag nalaman niyang galing ako ng hospital dahil tumawag si Wacky kanina. Ang hirap pa naman niyang suyuin kapag nagtatampo siya sa akin.

Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang si Wacky dahil ako lang ang pinagkakatiwalaan niyang doctor. Kahit palaging mainit ang ulo niya sa lahat na bagay pero hindi ko na lang 'yon pinapansin. Mahaba naman talaga ang pasensya ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Lagot siya sa akin kung hindi pa siya kumain.

"Kumain na ko pagkagising ko kanina. Baka pagalitan mo pa ko kung hindi ako kumain."

Mabuti alam niyang pagagalitan ko siya kapag hindi pa siya kumain. Bawal siyang malipasan ng gutom lalo na't dalawa sila.

"Good. May gusto ka bang ipautos sa akin? Bibili ako kung saan ka naglilihi ngayon."

"I want something sweet. Um, ice cream na lang siguro tapos fries."

"Anong flavor ang gusto mo?"

"Chocolate na lang siguro tapos plain sa fries. No ketchup, cheese or anything ah. Plain lang ang gusto ko."

"Okay po!"

Mabuti na lang hindi siya naglilihi ng madaling araw. Baka antukin ako sa trabaho nito dahil wala akong tulong sa paghahanap ng gusto niyang kainin.

Love Is Hard For Mister DoctorWhere stories live. Discover now