Pagkagaling ko sa trabaho ay dumeretso ako sa hospital. Hindi ko na sinasama si Cielo kahit gusto niya sumama sa akin at baka mahawa pa ng sakit.
May konting improvement na ngayon si Hiro dahil naigagalaw na niya ang kanyang daliri.
"Sorry kung ngayon lang ako nakarating. Ang dami kasing customers sa boutique kanina."
Hay, sana man lang gumaling na si Hiro para hindi ako magmumukhang baliw. Baka isipin ng mga makarinig sa akin ay nagsasalita ako magisa.
Napalingon ako ng may narinig akong katok at may isang lalaki na hindi familiar sa akin ang pumasok sa loob.
"Sino sila?"
"We have not met yet, kaibigan nga pala ako ni Calvin – Joaquin Anderson. Nabalitaan ko kasi sa mga kasamahan niya dito ang nangyari sa kanya."
Siya pala yung kaibigan ni Hiro. Ang akala ko nga gawa-gawa lang niya na may kaibigan siya dahil hindi pa niya pinapakilala sa akin ang kaibigan niya.
"Uh, ako nga pala si Zoe."
"Ahh... Ikaw pala yung Zoe. May nabanggit kasi na pangalan kahapon si Calvin."
"Nagkita kayo ni Hiro bago nangyari ang aksidente?"
"Yes, pero hindi rin nagtagal kasi ang sabi niya may pupuntahan pa daw siya. Mukhang pupunta siya sayo. Paguusapan niyo yata yung tungkol sa hindi mo pagpirma sa annulment paper niyo."
Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa paghihiwalay namin. Masakit para sa akin kung matuloy ang annulment namin.
"Let's just forget about the annulment."
Napalingon ako dahil narinig kong nagsalita na si Hiro. Hindi ako pwede magkamali.
"Hey, bro. Kamusta ka na?"
"Maybe I'm fine, as long as I know if my daughter is fine too."
"That's good, bro."
"Hiro." Kagat labi ako dahil kinabahan ako at tumingin naman siya sa akin. "Um... Ang sabi mo kanina ay kalimutan na lang natin ang annulment."
"Mauuna na ko. Sasabihin ko pa kay Serena na okay ka na ngayon."
"Papayag ba si Serena maging private nurse ko?"
"Para namang papayag ako maging private nurse mo ang asawa ko. Ako lang ang pwede niyang alagaan."
"Umalis ka na nga. Binibiro lang naman kita, eh."
Pagkaalis ng kaibigan ni Hiro ay umupo ulit ako sa upuan malapit sa hospital bed niya.
"Tungkol sa sinabi mo kanina, Hiro..."
"Yes, you heard what I said. Magsimula ulit tayo hindi lang para kay Cielo, pati na rin siguro para sa atin. No more secrets."
"Ikaw lang yung may tinatago sa akin. Ang akala ko nga may mistress ka habang kasal pa tayo."
"Ako? May mistress? Wala nga akong oras para sa sarili ko para maghanap ng ibang babae. Kayo ni Cielo ang kailangan ko, hindi ang ibang babae. At hindi ko sinasadyang magsalita ng masasakit na salita sayo noon. Naiinis lamang ako dahil gusto mong iwanan ako."
"Naiinis rin ako sayo, eh. Wala ka ng oras sa akin kaya ayaw ko rin maranasan ni Cielo na wala ka sa tabi niya habang lumalaki siya."
"Bakit mo sinabi sa kanya na ako ang daddy niya?"
"Palagi kasi niya tinatanong sa akin kung nasaan ang daddy niya o kung bakit wala sa tabi niya ang daddy niya pero hindi ko siya masagot. Ngayon narealize ko na dapat niya malaman ang taong lumigtas sa kanya ay ang daddy niya."
"Thank you, Zoe."
"For what? Ginagawa ko lamang ang tama."
"For everything. Kahit marami akong pagkukulang sayo pero nandiyan ka palagi sa tabi ko. Siguro tama na ang tatlong taon na hindi ko kayo kasama – miss na miss ko na kayo ni Cielo. Kung maaari bumalik na kayo sa bahay."
Yumuko ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.
"Um, uh... Tatawagin ko lang yung doctor mo."
Tinanong ko sa nurse station kung nasaan yung doctor na tumingin kay Hiro pero ang sabi niya may ibang pasyente daw siyang tinitingnan ngayon at sasabihin na lang niya pumunta sa hospital room ni Hiro.
Sana hindi niya makalimutan sabihin doon sa doctor.
"May ginagawa pa daw yung doctor mo. Kaya habang wala pa siya papaliguan muna kita. Ang baho mo na kasi."
"Grabe siya. Hindi naman ako ganoon kabaho at saka hindi ko pa kayang tumayo para paliguan mo ko."
"Pupunasan na lang kita."
Binihisan ko na siya pagkatapos kong punasan ang katawan niya. Ang dami na rin nagbago kay Hiro katulad ng pangangatawan niya. Ang laki na rin kasi ng pinayat niya kumpara noon.
"Kumakain ka pa rin ba sa oras?" Tanong ko sa kanya pagkatapos ko siyang bihisan.
"Minsan na lang ako kumakain kasi minsan sobrang pagod ko kaya tinatamad na rin ako magluto at sina Calvin na lang ang pinapakain ko. Wait, paano nga pala makakain sina Calvin at Zoi kung nandito ako ngayon?"
"Pusa pa talaga ang iniisip mo. Dapat ang sarili mo ang iniisip mo ngayon."
"Siyempre, sila ang kasama ko noong mga panahon na sobrang miss ko na kayo ni Cielo. Lalo na si Calvin, hindi niya ako iniiwanan."
"Hay, sakit ba talaga ang hanap mo? Dapat kumakain ka pa rin sa oras."
"Sorry po."
"Huwag mo na uulitin na hindi kumain sa oras kung ayaw mo magagalit talaga ako sayo."
"Yes po, Ma'am."
"Good. Titingnan ko ulit kung nandoon na sa nurse station yung doctor mo."
Tinitingnan na si Hiro nang doctor niya kasi naman nakasalubong ko yung doctor niya kanina kaya nabanggit ko sa kanya na nakakapag salita na ulit si Hiro.
"Kailangan mo rin ang magpa rehab para hindi ka mahirapan makalakad ulit, Calvin."
"Hindi ko pa nga maigalaw ang katawan ko tapos ipaparehab mo na ko."
Hindi na sumagot pang muli yung doctor na tumingin kay Hiro.
"Bago ko nga pala makalimutan... Pwede bang sa bahay na lang ako magpagaling? Wala kasing kasama ang mga alaga kong pusa sa bahay ngayon."
Talaga itong si Hiro. Pusa talaga ang iniisip niya hindi ang sarili.
"Hindi pa pwede dahil kailangan pa namin obserbahan ka."
"Tsk. Wala magaalala sa mga pusa ko."
Bumuga ako ng hangin bago humarap kay Hiro. "Ako na muna ang magpapakain sa kanila habang nandito ka."
"Gagawin mo 'yon?"
Inikot ko ang mga mata ko. "May choice pa ba ako? Wala ka naman mukhang bibig ngayon kung 'di ang mga pusa. Kaya napapabayaan mo na rin ang sarili mo dahil okay lang na hindi ka kumain basta makakain sila."
"Of course, mga anak natin sila."
"Um, kung may kailangan pa kayo hanapin niyo na lang ako sa nurse station." Sabi noong doctor at umalis na rin.
Ugh, okay na sa akin yung mga panahon na hindi pa nakakasalita si Hiro, eh. At least hindi naririnig sa bibig niya ang salitang pusa. Ilang beses na ba niya nabanggit ang salitang pusa ngayong araw? Hindi ko na ngang mabilang.
![](https://img.wattpad.com/cover/331045885-288-k796530.jpg)
YOU ARE READING
Love Is Hard For Mister Doctor
RomansAgent Sequel # 1: Zoe Montemayor She is the first daughter of a former agent, Zion Clay Montemayor and one of the current famous fashion designer, Jessa Ferrer-Montemayor. Ano ang gagawin ni Zoe kapag nalaman niyang pinagkasundo siya sa anak ng kaib...