Chapter 5: The Unexpected Answer
Previously:
And he suddenly vanished while I am still standing and seems freezing left with many questions and can't help to overthink.
"Hindi magagawa sa akin ni Cholo yun.
May tiwala ako sa kanya.
He will not let this happen.
Mahal ako ni Cholo at hindi niya ako kayang lokohin." I am now talking to myself and tried to convince me that it's not really true."Hindi totoo ang nakita ni Jude. He's just trying to prank me or play monkey business perhaps."
I continue searching for him at nagbabasakali na baka nandoon lang siya sa usual tambayan namin and doon siya naghihintay na nagtitipa sa cellphone niya at enjoy na naglalaro pero halos bumigay na ang tuhod ko kakatakbo to confirm na nandoon nga siya pero...
walang ni anino na naghihintay sa tambayan na yun.
Walang Cholo na naghihintay sa lugar na yun.
_______________________________________________Chapter 5...
Nagpasya na lang akong umuwi kasi dumidilim na rin ang paligid at mas makakabuting hintayin ko na lang siya or palipasin ang pangyayari at hayaan siyang magpaliwanag sa kung ano man ang totoong nangyari.
Wala akong balak na komprontahin siya kapag magkikita kami kasi alam kong alam niya na I deserve an explaination kahit di pa man kompirmado kung ano talaga nakita ni Jude.
Ayaw kong makipag-argumento sa kanya.
I hate noise and i hate raising my voice and pinipili ko na lang pakalmahin ang aking sarili habang binabagtas ang daan pauwi.
Sinubukan ko rin na tingnan selpon ko if may mensahe ba galing sa kanya pero wala.
I also opened my social media accounts to check if he dropped me mesaage there pero same still—walang Cholo.
Ang totoo ay 1 hr ago active na siya at hindi na rin ako nagtangka na mag iwan ng mensahe kasi ayaw kong maghinala siya na baka alam ko kung bakit di niya ako hinintay at di man lang siya nagparamdam.
Ayaw kong pagsimulan ito ng away namin at hanggat makakaya ko is pipiliin kong manahimik na lang.- - -
2 hrs ago active...
3 hrs...
4 hrs...
5 hrs...
6 hrs...
7 hrs...Paulit-ulit kong tiningnan ang aking selpon at di namalayan na tuluyan na akong nilamon ng antok dahil sa kakahintay.
- - -
Napabalikwas na lang ako mula sa aking pagtulog na nakasandal ang ulo sa mesa ng biglang nag vibrate ang aking selpon.
Dali dali ko itong binuksan at excited na binasa ang mensahe sa pagbabasakaling baka si Cholo na ito pero hindi.
Ang adviser ang nag message sa akin tungkol sa update for the competition na nagpapaalaala sa mga kailangan ko.Napahikab na lang ako habang hinihimas ang aking sariling mga braso dahil sa lamig at dali dali ay tinungo na ang kama para makatulog ng maayos.
It's already 1 pm ng madaling araw at nawala na rin ang aking antok dahil sa aking pagbalikwas kanina at kahit anong pilit kung pikit ng aking mga mata ay di na ako dinadalaw pa ng kaantukan.
Lumilipad ang aking isip sa kawalan at iniisip ang mga nangyari ng nagdaang araw.
Parang dama ko ang huni ng mga kukiglig sa paligid at ayaw nila akong lamunin ng kadiliman upang umidlip.
Dama kong pagod na ang aking katawan at utak ngunit ang isip ko ay tila ba batang walang kapaguran na lumambitin at tumakbo kahit saan,ayaw magpaawat at ayaw papigil.- - -
Mag aalas tres na ng madaling araw ng maramdaman kong sumusuko na din ang mga mata ko dahil sa puyat ng bulabugin naman ako ng tilaok ng manok kaya napabalikwas naman ako habang dinidiin ng maigi sa aking mukha ang unan upang subukang takpan ang ingay na hatid nito.
Sinubukan kong labanan ang ingay nito ngunit huli na ang lahat at nabulabog na aking isip at nagsisimula na naman silang magtakbuhan.
Para silang grupo ng hayop na nabulabog sa pamamahinga at ngayon ay di na maawat at isa-isang nagtungo sa di mawaring mga direksiyon.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...