Chapter 11

2 1 0
                                    

Chapter 11: A Great Shock

Previously:

Isang ngiti ang aking pinakawalan dahil sa huling mensahe na yun sa akin na talagang mas binago nito ang aking konsepto ng pagmamahal, binago nito ang kahulugan ng pagmamahal.

At sumarado ang pintuan ng sasakyan at ng gate habang ikinaway ang aking kamay kasama ang makahulugang ngiti sa kanya.
______________________________________

Bagong umaga na naman, bagong simula at bagong pakikibaka sa buhay.

Tiningnan ko ang aking selpon at napagtantong mag aalas singko na ng madaling araw at kailangan ng bumangon at maghanda sa pagpasok sa skwela.
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni tatay sa akin kagabi at pakiramdam ko'y napakaaliwalas ng paligid at sobrang napakagaan ng aking pakiramdam. Para akong dinuduyan sa alapaap at walang anumang bigat ang nasa aking kalooban upang hilahin ako pababa sa lupa. Ang sarap ng ganitong pakiramdam at sana ay ganito na lang palagi...pinapangako kong simula ngayon ganito na lang palagi.
Marami akong natutunan kay tatay at ipinagpapasalamat ko yun ng sobra dahil sobrang kailangan ko talaga iyon, hindi lang ngayon kundi sa bawat araw-araw...ang magmahal at magmahal ng magmahal.

Napangiti na lang ako sa aking sarili na nakatingin sa kisame habang inaalala ang mga kataga na yun na patuloy kong dadalhin sa aking tanang buhay.

Kung anong gaan ng aking nararamdaman sa kalooban ay baliktad naman ang aking katawan. Nanginginig ang aking boung kalamanan at tumatagaktak na naman ang aking pawis sa likuran.
Naalala kong naulanan pala ako kagabi't nalipasan ng gutom, hindi nakainom ng gamot sa saktong oras at dagdag pa ang lamig ng aircon sa loob ng sasakyan kahapon.

Hinapuhap ko ang aking noo at wala namang indikasyon na inaapoy ako ng lagnat.
Pinilit kung tumayo upang maghanda ngunit nanginginig ang aking mga tuhod. Nakakatayo ako ngunit di makahakbang at kailangang kumapit sa pader bilang alalay upang makausad.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin kung mas lumala ba ang simpleng sakit o baka nalamigan lang kaya ganito.

"Kaya ko to," bulong ko sa sarili habang nakaupo sa kama at pinipisilpisil ang aking tuhod at daliri sa paa,  "kailangan ko lang ng kunting pahinga at unat-unat ng katawan, kaya to."

Kalaunan ay nagagawa ko naman na maglakad pero umiikot na naman ang boung paligid. Para akong tumatapak sa mga pira-pirasong mga lupa at isang maling hakbang ay siguradong bubulusok ako sa ibaba. Nanlalabo ang aking paningin at kailangan ko atang magpahinga muna pero wala ng oras. Kailangan kong subukan, kailangan kong kayanin lalo pa at pagtingin ko sa selpon ay mag aalas  sais e medya na ng umaga at may pasok na ako sa alas siete.

Sasakay na lang siguro ako ng traysikel total may pamasahe pa naman akong natira, babawi na lang ako mamayang hapon sa paglalakad total malapit lang din naman kasi mahigit dalawang kilometro lang at tsaka mas mabuti na yun para mas maiunat ko pa ng husto ang aking katawan at lumabas ang toxins dito.

Paisa-isang hakbang hanggang sa marating ko ang sala ng boarding house. Tahimik na ang paligid na nagpapahiwatig na wala ng tao at sila ay nasa eskwela or nasa kani-kanilang pinapasukan na.

Sa wakas ay nakarating din ako ulit sa campus at kunting lakaran na lang upang makarating sa aming department na nasa third floor.
Isang malalim na hinga ang aking binitawan bago nagsimulang maglakad kasi ten minutes na lang at magsisimula na ang klasi at malamang sabon na naman ako pag nagkataon.

Kinaya ko naman at umabot bago ang pag ring ng bell ngunit sangkaterbang pawis ang inilabas ng aking katawan.
Halos maduling na ako sa sobrang hilo at pakiramdam ko ay wala na akong ulong dala dahil sa sobrang hilo kasama ang malalim na mga hingal at pag ubo.

"Lind, pinapabigay ni Cholo."

Gulat akong napalingon sa aking likuran at nakita si Jude na hingal na hingal din sa pagtakbo't alam kong galing pa ito sa kabilang building at kailangang iaabot ang isang pamilyar na bagay.

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon