Chapter 16: Comfort and Confrontation Ahead
Previously:
Alam ko kung sino ito.
Medyo madilim man ang paligid at distansiya ko dito ay alam ko kung sino siya.Mula sa tindig at postura nito ay alam ko kung sino ito na naging dahilan upang mapatakbo at matawag ko pabalik si Jude.
______________________________________
"Jude!....."
"Juuuuuuuuudeeee, halika nga dito." pagtawag ko dito habang hinahabol ito sa kanyang paglalakad.
Nagugulahan man ay agad nitong ibinaling ang paningin sa akin at halatang nagulat ito dahil sa aking biglaang pagtawag samantalang kanina ay halos ipagtabuyan ko na siya upang makaalis.
"Oh...anong nangyari sayo? Para kang nakakita't hinabol ng multo ah. Na miss mo ako no. Aysus...kunwari ayaw pa talaga nito eh no."
"Wag ka ngang feeling diyan, assuming ka masyado." inis kong sabat dito.
"Halika nga!" daliang paghablot ko sa tagiliran nito.
Napaaray pa ito dahil sa diin ng aking pagkurot sa kanya habang hinihila ito sa aking pinagtaguan.
"Sino ba kasi yan Lind at kailangan pa tayong magtago dito."
"Wag ka ngang malikot diyan! Eh kailangan talaga no kasi tingnan mo naman kung sino yung nasa harapan ng gate oh." mahina kung sabi dito habang ito ay tinuturo gamit ang aking nguso.
"Bakit sino ba yan." pabirong tanong nito na inuokray lang ako dahil halata naman na talagang di ako makapaniwala sa aking nakikita.
"Dukutin ko yang mga mata mo eh no, makikita mo tssskkk. Kasi nga tingnan mo oh, di ba yan yang bestfriend mong sabi mo liban sa skwela kanina."
"Oo siya nga Lind, di ba halata." pamimilosopo pa nito.
"Tadyakan na talaga kita diyan eh. Seryoso ako Jude please kahit ngayon lang, tumino ka naman hahays."
Katahimikan ang namayani sa amin habang nandoon parin kami at sikretong minamasdan ito.
Naghihintay pa rin siya at di ito mapakali habang di magkamayaw ang tuluyang pagtingin nito sa kaliwa't kanan na daanan sa kalye.
"Oo nga no! Sandali lang, ano ba ginagawa niya diyan?!"
Sa tono ng pananalita ni Jude ay halatang naguguluhan din ito.
"Ewan ko sa inyo, di ba kayo madalas magkasama at magkausap niyan. Ako pa tinatanong mo eh ako nga dapat magtanong sayo."
"Magkausap lang pero madalas hindi na, simula noong nabalitaan kong nagkabalikan sila ni T....J." pautal nitong sabi. "Hindi na nga rin yan nagkukuweto sa aking kung ano ba talaga ang totoong nangyari eh. Hindi nagkukuwento kung ano totoong nangyari sa inyo. So anong malay ko"
"Nag eenjoy kasi, halata naman...at tsaka wag mong sabihin na hindi eh ikaw nga mismo nagsasabi akin na kanya galing lahat ng binibigay mo." paghampas ko ng supot dito.
Tanging iling lang ng ulo ang tugon ni Jude sa aking mga sinasabi at alam kung hindi ito kumbinsido.
"Harapin mo kaya ng makapag-usap kayo ng masinsinan kasi mukhang ikaw talaga ang hinihintay niya eh."
"Ako? Hindi ah. Mukhang naliligaw ata yang bestfriend mo eh. At tsaka bakit ko siya kakausapin eh wala na namang dapat pa na pag usapan pa diba."
"Harapin mo na kasi ng makaalis na tayo dito't heto pinagpupulatan na tayo ng mga lamok."
"Ayoko ko nga at tsaka pwede samahan mo muna ako pleaseeee."
Seryosong pakiusap iyon galing sa akin.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...