Chapter 25: Heaping EmotionsPreviously:
Sana nakausap ko man lang sila tungkol doon at heto't di ko tuloy mapigilang wag mag aalala.
Wala akong ibang magawa kundi ang umusal ng dasal.
Kamusta na kaya siya?
Sana nasa maayos na kalagayan lang siya.
Sana nasa maayos na kalagayan na siya.
______________________________________
.
.
.
.
.
.
.
."Ano to?"
"Prutas...basket ng prutas to be specific para hindi ka na magtanong pa." pilosopong sagot nito na alam kong gusto lang akong inisin.
"Oo alam ko hello...ang ibig kong sabihin eh baka dagdag utang na loob ko na naman to sa'yo. Ayaw ko ng ganun, magpapagutom na lang ako. Wala akong maibabayad sa mga iyan."
"Alam mo...dami mong sinasabi talaga. Kumain ka na nga diyan at baka ako pa malilintikan ng dahil sa katigasan ng ulo mo." sabay hagis nito sa akin ng prutas.
"Wow gentleman ha, ano to?"
"Yan?...hmmm mansanas at heto pa, orange at heto pa saging. Kainin mo lahat yan ha para tumaba ka kahit kunti man lang, mukhang nangangayayat ka na eh." puna nito sa akin na alam kong nagbibiro lang ito.
It's Ace.
Kababalik lang niya pagkatapos niyang umalis noong huli ko siyang makausap kanina ng magising ako at heto may dala na siyang grocery at prutas.
Sa dami ng kanyang bitbit ay talagang aabutin nga ako ng ilang araw dito. Mukhang pang isang buwan na nga akong mamamalagi dito.
"Luh...akala mo naman nakita mo ako dati eh no. As if naman na kilala mo ako no." raising my brows.
"Bakit hindi ba."
"Bakit kilala mo ba talaga? Alam mo ikaw stalker ka no, matagal mo na akong sinusundan ng palihim, may binabalak ka sa akin no...."
"Woy wag ka ngang feeling, pasalamat ka ano ha...."
"Anong ano...alam mo noong una pa lang nagdududa na ako sa'yo eh. Kunwari ka pang may pakamay-kamay sa akin tapos gusto mong malaman pangalan ko tapos may pa introduce introduce ka pa ng pangalan mo sa akin. If I know matagal mo na akong sinusundan." pangungulit ko dito na kahit papaano ay umingay naman ang aking kwarto.
"Hindi a, anong mga pinagsasabi mo diyan." pag irap niya.
"Hindi daw." pagpapatuloy ko sa paniniris.
"Hindi naman talaga."
Alam kong inis na ito sa pang-iinis ko na kinatuwa ko naman kasi alam ko na naibalik ko ang pang-iinis nito sa akin kanina at obvious na naiinis nga siya. Palihim lang akong tumatawa sa aking kaloob-looban.
Sa totoo lang ay parang pamilyar talaga sa akin si Ace. Hindi ko lang talaga maalala kung saan pero alam ko nakita ko na siya.
Siguro baka sa eskwelahan lang since alam ko na ngayon na galing lang kami sa isang school at hindi malabong nagkasalubong na kami dati at hindi ko lang napansin dahil sa dami ng tao pero hindi ko talaga maiwasan ang mag isip na talagang may iba sa kanya.I couldn't help to think na there is really something about him.
"Tsaka nga pala...hintayin muna natin kung ano ang sasabihin at payo ng doktor sa'yo bukas." pag iiba nito ng usapan.
Tanging tango lang ang sagot ko dito.
"Hindi ka man lang ba magtatanong ng bakit."
"Bakit nga ba."
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...