Chapter 12

2 0 0
                                    

Chapter 12: A Poem of Farewell to a Broken Vow

Previously:

"Lind, I know this is not the perfect time pero can I ask you question?" pagseseryoso nito.

Tumango lamang ako.

"Sana wag mo masamain."

At huminga siya ng malalim na ramdam kong hindi siya komportable sa anumang katanungan na gusto niyang itanong.

"Linnnnnddd...are you pregnant."
_____________________________________

Diretso ang tanong na yun na may nanunuot na titig sa akin.
Katahimikan ang namayani sa kwarto ng ilang segundo na animo'y may dumaang  nagpaparadang mga anghel sa aming harapan at dapat ay magbigay galang.

Namilog ang aking mga mata habang siya ay mariin paring nakakatitig sa akin at animo'y hinahanap ang boung kasagutan sa kasuluksulokan ng aking mga mata.

"Alam mo Jude pag nakakatayo pa ako, malamang nasaksak na kita ng gunting na to. Siguro dinukot ko na yang mga mata. Tigilan mo nga ako." may pang-aasar na kalahating-ngiti ko sa kanya habang tinataas ang isang kilay ng aking mata.

"Grabi naman, nagtatanong lang eh. Pero seryoso Lind, are you?"

"Mabuti na lang itinuturing kitang kaibigan, kung hindi malamang di na sa school clinic o sa hospital punta mo kung hindi sa morgue ka na mismo didiretso."

"Nagtatanong lang eh, sungit naman nito. Mabuti nga binantayan kita dito tapos yan lang gagawin mo sakin. Alam mo bang sinakripisyo ko ang buong klasi ko maghapon tapos di ka nga man lang ba magpasalamat." pagkukunwaring tampo nito.

"Naku Jude, wag mo na akong artehan diyan. Oo na tiiiiiinkkkkyuuuuu! O ano kwits na tayo."

"Hindi pa."

"Bakit naman, akala yun lang hinihimutok mo diyan."

"Sagutin mo muna tanong ko."

"Na ano? Na buntis ako."

"Hindi Lind,  yung buntis ba ako. Yun sagutin mo." pagbibiro pa nito na kinatawa ko naman talaga.

"Hindi! okay. " diretsong sagot ko, "ano akala mo sa akin si Maria? Nagdalan-tao dahil sa espiritu-santo." pang iismid ko dito.

"Weee?"

"Alam mo kapag nakalabas ako dito, uupakan talaga kita. Tigilan mo nga ako, baka may makarinig pa sayo tapos kumalat pa sa boung university."

"Dijook lang. Oo na naniniwala na."

"Nagkasakit lang ako tapos ganyan agad, buntis agad hayyys naman tsk tsk."

Magtatanong pa sana ako kung ano ang totoong nangyari pagkatapos kung mawalan ng ulirat at kung sino ang nagdala sa akin dito sa school clinic ng biglang pumasok ang school nurse sa kwarto.

Nangumusta lang ito sa aking pakiramdam kasama ang pagkuha ng aking temperatura at blood pressure na normal naman. Siguro napagod lang talaga ako ng sobra sa mga nagdaang araw at kailangan ko talagang magpahinga.
Siguro nagsama lang yung emotional at physical breakdown ko kaya ganito ang aking kinahihinatnan.

Sa totoo lang di ko alam kung ano ang aking totoong kalagayan pero sana okay lang talaga ako.

Pinayuhan din ako ni Jude to go to the doctor just to really make sure what is my situation but I insist not to kasi alam ko naman na mawawala din tong nararamdaman ko. Pahinga lang ata talaga kailangan.

"By the way, Lind. Seryoso na, ano ba talaga nangyari sa inyo ni Cholo. Alam mo ako naiipit sa inyong na wala naman akong alam talaga at samantalang wala man lang sa inyong dalawa ang gustong magsalita kung anong tunay na nagaganap." seryoso siya sa tanong na yun.

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon