Chapter 13: Coco Bread
Previously:
Naisulat ko ito dahil sa isang tao. Inialay ko ito sa isang tao.
Ang taong dati laman ng aking kwento't mga tula na ngayon ay tila naubusan ng tinta. Ang taong akala ko magiging parte ng bawat kabanata, ngunit ngayon ay tuluyan ng nawala.______________________________________
Bagong umaga na naman at sa wakas at makakapasok na rin sa paaralan.
Maayos na ang aking pakiramdan matapos ang isang araw na pahinga at handang handa na akong makipagbakbakan.Isang araw lang akong liban ngunit feeling ko ay isang linggo, buwan taon akong nawala.
Nangangti ang aking mga paa na ihakbang ito papunta sa university at feeling ko ay napakaraming nagbago sa loob. Pakiramdam ko is andaming nangyari sa isang araw na wala ako.Excited akong pumasok at parang nilalanggam na ang paa ko sa isang araw na namalagi lang sa kwarto kasama ang unan, papel at panulat at heto nga't alas sais e medya palang ay nasa gate na ako ng paaralan.
Kaunti pa lang ang mga tao sa paligid at amoy na amoy ko ang sariwang hangin ng umaga at pati na din ang masasarap na amoy na luto sa kantina na dinadala ng hangin sa aking direksiyon habang tinutungo ang aming silid.
Inilibot ko bahagya ang aking paningin sa paligid at iningat ito sa pangatlong palapag kung saan naroon ito.
Maluwang na ang aking paghinga. Maluwang na ang aking pakiramdam.
Oo may bigat pa pero wala na yung sakit. May kunting kirot pero kaya ng idaan at ikubli sa pamamagitan ng ngiti.Inilatag ko ang aking mga gamit sa lamesa at inihanda ang aking mga ipapasa na mga activities ngayong araw. Alam ko may madadagdag na naman pero at least medyo hindi na mabigat kasi yun na lang ang kailangan kong pagtuunan.
Tatlo pa lang kami sa silid and himala kasi si Cheska at Marie ang mga ito, ang classmates kong mga kabute na lilitaw lang kapag may quizzes at may ipapasang activities and no wonder bakit kulang na lang mapunit ang libro na hawak nila kakahanap ng pages kung saang activity ang kailangang sagutan at ipasa.
Parang silang nakikipaghabulan sa isa't isa at halatang nagmamadali talaga ang mga ito lalo pa at alas siete ang unang subject namin.
Hindi naman sila nag atubiling magtanong sa akin at ewan kung nahihiya lang sila sa or hindi lang talaga nila ako napansin sa likod dahil sa sobrang busy nila.Magtatanong sana ako if nandito ba sila kahapon at baka makakuha ako ng info if may additional na ibinigay na activies pero nahiya na rin ako kasi di talaga halata na hindi na sila magkandaugaga sa kung anong uunahin sa kanilang ginagawa.
Ewan ko ba sa kanila at parang kahit hanggang ngayon ay ganito pa rin sila, mas gustong gawin ang mga activities during last hour na like hindi ba nakakabaliw yang ganyan. Like girls, I am not judging you pero I think sobra na kayo. Wake up girls like grow up! We are no longer elementary or highschool students. We are already college and the fact that we are already a third year college na. It is no longer an easy pessy lemon squizzy the heck if so you know.
Ibinaling ko na lang sa aking table ang aking atensiyon. Lumabas saglit sa hallway at minamasdan ang gate at ang ground ng university na unti-unti ng pinupuno ng mga estudyante.
Nabaling din ang aking atensiyon sa harap ng aming building at nanariwa na naman ang ayaw ko ng balikan pa na mga ala-ala.Ewan ko ba. Hindi ko na naman sinasadya na maalala pa but seems the more I resist then the more it sinks in my mind.
Sa totoo lang pilit kung winawaglit at kinakalimutan ang lahat pero bawat lingon ko sa palagid ay tila ba lahat ng mga ito ay nagpapaalaala lang sa kanya, katulad ngayon.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...