Chapter 21: Danger
Previously:
"Lind, nasaan ka! Lind, sandaliiiii!"
Tawag nito sa aking pangalan.
Tumigil pa ang drayber ng aking sinasakyan at nagtanong kung baka kasamahan lang namin ito pero ako na mismo ang nagsabi na baka sa kabilang sasakyan lang.
Hindi man ako makapaniwala ay alam ko kung sino yun at hindi ko na siya pa binalingan.
"Anong ginagawa niya dito."
Tanong ko sa aking isipan hanggang sa tuluyan na ngang pinaharurot ang sasakyan ng hindi ito tinitingnan.
______________________________________"Ano na naman ba ang balak nito?" I asked myself.
"Balak na naman ba niyang manggulo? Tama na please.
"Gusto niyang humingi ng tawad? For what? For same old reason? Napatawad ko na siya."
"He wants to see me? Then I still don't have the guts to see him. Not now please."
"To wish me luck?"
"Well siguro. But oh yeah thank you. Coz after all, he's the reason why I am here and literally he's really the one why I had written all those words from pain to pen. Well thanks to him.
Those are the thoughts and questions that run to my mind habang tumatakbo ang sasakyan papalayo sa tinig na tinatawag ang aking pangalan.
There are many random questions na ako lang naman ang sumasagot sa mga ito. Nakikipagkarera ang aking isipan sa gulong ng aking sinsakyan.
"Wait...nakalabas na si Cholo?" a question suddenly popped in my mind.
"Mabuti naman kung ganoon at tuluyan na ngang mapanatag ang aking kalooban, at least maluwag na talaga ang aking paghinga."
"Sandali...bakit hindi man lang ako binalitaan ni Jude? hahaysttttt."
Medyo nakaramdam ako ng inis dahil don. Naiintidihan kong ilang araw na kaming di nag uusap dahil sa sobrang busy pero sana naman kahit yun lang ay sinabi niya sa akin dahil alam naman niya siguro kung paano ko dinala sa aking sarili ang konsensiya about sa nangyari. Alam ni Jude kung paano ko sinisi ang aking sarili at magandang balita ito sa akin kapag nakalabas na nga si Cholo pero bakit hindi niya man lang ako magawang tawagan kahit sandali o kahit text man lang para ipaalam para ipaalam. Kakatampo.
Di ko tuloy mapigilang magtanong if totoo ang aking narinig na pagtawag sa akin o guni-guni lang lahat kasi talagang namang naguguluhan ako at talaga namang nakakagulat yung ganito, yung bigla bigla na lang sumusulpot yung tao. Ewan ko talaga if totoo or nababaliw na ako. Ewan ko kung napapraning lang talaga ako. Ewan ko nga kong totoo lahat ng narinig ko o talagang dala lang yun dahil sa dami ng iniisip ko.
Napabuntong hininga na lang ako habang tumitingin sa labas at nabaling ang aking atensiyon sa aming dinadaanan. Pinaglaruan nito ang aking mga mata sa bawat madadaanan naming ilaw ng boung siyudad at nakatulog habang nakikinig sa musika sa aking selpon.
........ ....... .......
A loud screech of speeding car echoed.
Biglang napahawak ng mahigpit sa manebela ang driver sa di pa mawaring rason.
Umalingawngaw ang nakakatakot na iyak ng tao sa loob ng aming sasakyan na makikita sa kanilang mga reaksiyon. Magkahalo ang emosyon ng tao sa loob na may nagpapahiwatig na wag na bumalik na lang ngunit ang iba'y wari di patitinag at gusto paring magpatuloy. Talagang nakakapanindig balahibo ang kanilang mga tinig na para bang kami ay nasa siguradong kapahamakan.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...