Chapter 18

1 1 0
                                    

Chapter 18: Guilt and Pride Collision

Previously:

Alam ko na kung anong nangyari.

Naghuhumiyaw ang aking isip kasama ang biglaang pagpatak ng aking luha.

Nagmamakaawa ang aking isip na itigil na kung ano man ang kanilang ginagawa at hindi ko ito magawang maisawika.
I am so coward at hindi ko kayang ibuka ang aking mga labi.

"Sige pare, banatan mo pa. Turuan mo ng leksyon ng magtanda."
______________________________________

Nanginginig na ako sa takot sa sobrang kaba na dinagdagan pa ng guilt sa aking sarili kung ano man ang maaring mangyari sa kanya. I am really blaming myself and heto parin ako at di maigalaw at maihakbang ang aking mga paa.
Walang boses ang gustong lumabas upang sila'y pigilan sa kanilang ginagawa.

"Sige pare, kulang pa yan...tadyakan mo pa ng magtanda talaga ang tao na yan...yan ang nararapat sa mga taong siga-sigaan."

"Oo nga eh, wala naman palang binatbat to eh. Ano lalaban ka pa, lalaban ka ha."

"H-indiiiii a...ko ti..ti..gil hang...gat hin...di ka...mi na...ka...pag-u...sap ni L....ind. Pa..ka...wa..lan niyo ako!" walang katinag-tinag na paghahamon parin nito.

"Aba't parang hindi pa nadadala to ah... mukhang kulang pa ata sa kanya yung mga ginawa natin. Lupaypay ka na't bagsak na, hindi ka parin ba titigil!"

Tunog ng mga suntok at tadyak ang namayani sa oras na yun kasama ang ungol nito na namimilipit sa sakit bawat pag hambalos sa kanya.

"H....indi ako na...ta...ta...kot sa in...yo. Ka...i...la...ngan kong ma...ka..u..sap si Lind!  Lindddddd kauuuuuusapin mo na ako pleeeeeease. Ka....hit san...da...li lang, ka...hit nga...yon lang. Mag....pa..pa..li..wa..nag akooooo! Ma...hal na ma....hal ki...ta Liiiiind. Ka...hit mag....pa...ki...ta ka na lang sa a...kin pleaeeeese, ka...hit yun man lang." utal man ay klarong nagmamakaawa na ito sa akin at tuluyan ng bumigay sa sakit ng katawan kasama ang pag ubo at pagdura nito na kung ano mang likido ang lumabas sa kanyang bibig.

Hindi ko man ito nakikita dahil nasa loob parin ako ay alam kong nahihirapan na ito. Matapang man ang bawat pagbitaw ng mga salita nito ay alam kong pinipilit na lang nito. Hindi ko makita pero dama. Dama kong nilalakasan lang nito ang loob at tinitiis ang bawat suntok na dumadapo sa pabigay na nitong katawan ngunit ang totoo'y kulang na lang bumagsak at malaguatan ito ng hininga. Dama ko ang paghihikahos nito sa bawat lalim at diin ng kanyang mga salita kahit pa pautal-utal.

*boggggggshhhh

Countless punches and kicks.

Walang sawa at awa pa na sipa at tadyak ang pinakawalan ng tatlong lalaki kay Cholo na tinutugunan din naman niya ito ng tunog paghikbi habang maluwang na tinatanggap ang mga ito.

Patuloy parin siya sa pakikiusap at pagmamakaawa na kausapin o magpakita sa kanya pero hindi ko magawa. Talagang naduwag na ako at talagang mas nangingibabaw yung ideya na kahit gaano man siya nasaktan ay mas sinaktan niya ako. He deserves the pain kasi kung susumahin ay mas grabi pa nga yung sakit na idinulot niya sa akin.
I pity him but I pity myself more and if gusto man niyang humingi ng kapatawaran, hindi niya ako madadala sa mga ganitong klase ng pakikiusap at pagmamakaawa.

Masyado ba akong masama kung ganoon ako mag isip? Masyado ba aking makasarili? Am I that so heartless para di makaramdam ng kahit katiting na awa towards him while he's now physically suffering and into excruciating pain? Hindi ko na alam.

I am still hurt and angry but honestly di ko parin naman talaga maiwasang maawa and I'll forever blame myself kung ano man ang mangyayari sa kanya. Natutuliro na ako. Hindi ko na alam kung saan ako papanig. Hindi ko na alam kung ano ang aking paiiralin. Masyado na akong naging duwag at makasarili kasi mas pinairal ko pa ang aking pride. Hindi na ako naawa't hinayaan ko na lang siyang magkaganun. Oo at nasaktan niya ako pero hindi naman talaga yun valid na reason para hayaan ko na lang na magkabali-bali't magkalasog-lasog ang katawan niya habang heto lang ako at walang ginagawa. He's pleading for me and I am still here silently doing nothing while he suffers. I can't take this. I hate this feeling! I really hate myself! I am so heartless!
Nagtatalo na ang aking isipan kong saan ako papanig o kakampi.
And one thing is sure, I hate Cholo but I hate myself more! Arghhhhh!!

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon