Chapter 23

1 1 0
                                    

Chapter 23: Awaited Night

Previously:

And for the first time ay talagang pumasok sa isip ko na talagang totoo na to, hindi ito panaginip at wala ng urungan pa.

"Hoooooooo!"

I just can't help to take a deep breath and a hard blow of air from my chest.

I am ready. I should be ready even if I know deep down inside that I am terribly shaking and deeply trembling.
______________________________________
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Mahal, nais kong malaman mong napatawad ka na ng aking pusong bou kang minahal ngunit iyong nagawang pasakitan." pagtatapos ng pangalawang linya bago matapos ang boung tula.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Palakpakan ang umalingawngaw sa boung silid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nandito kami ngayon ni maam sa isang kwarto kung saan aking binigkas ang aking pyesa bilang huling ensayo bago tuluyang umakyat sa entablado upang sumabak mamaya.

Nakabihis na ako ng aking sosoutin.

Isang paldang kulay dilaw na may magandang tela na pinahiram sa akin ni maam na lagpas baba sa aking tuhod. Pinarisan ito ng pantaas na may kwelyo, kulay mint green na may mahabang manggas at kulay tsokalateng sapatos na parang cowgirl pero sa hanggang bukong-bukongan lang. Inilugay ko lang ang aking hanggang leeg na buhok na talaga namang kumbisido akong bumagay ito sa aking kulay.

Kunting lagay lang ng foundation at isang pahid ng liptint ay alam kong sakto na ito upang humarap sa mga tao.

Sa boung buhay ko ay ngayon lang ako nakasuot ng ganitong kasuotan at di ko mapigilang maiguhit ang ngiti sa aking malarosas na labi at mukha habang tinitingnan ang aking boung kabuuan sa salamin. Naisipan ko pang tingnan ang sarili kong mata sa salamin at natawa na lang akong parang baliw.

Tulad ng dati ay nakita ko naman ang labis na tuwa sa mata ni maam kasama ang ngiting abot tenga matapos ang aking huling pagsasanay.

Ang mga ito'y nagpapabatid ng sukdulang kasiyahan at pagsuporta para sa akin at kahit papaano ay natatakpan nito ang kabog ng aking puso dahil sa galak at kaba.

Hindi ko kayang maisalarawan ang aking tuwa.
Para akong maduduwal at naiihi sa aking palda.

Tumatalon ang aking puso, dama ko ang mabilis na pagdaloy ng aking dugo.

Umiinit ang aking tenga't kita ko sa salamin ang bahagyang pamumula nito.

Para akong lalagnatin at magdedeliryo pero hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa sobrang galak at kaba. Parang isusuka ko na aking mga laman-loob.

Talagang di ko maipaliwanag ang aking nadarama.

Bahagyang pumatak ang ulan sa labas ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi mapuno ang lugar ng mga tao. Hindi ito naging hadlang upang mapigilan ang pagbaha ng mga manonood. Hindi na nito mapipigilan pa ang matagal ko ng inaasam.

Si Jude ay nakatawag kanina at nangumusta sa akin pero di ko na sinabi ang totoong nangyari sa parada matapos ng kanyang unang tawag kasi baka makadagdag pa ako sa kanyang aalahanin at tsaka isa pa ay maayos na rin naman ako.

Ibinalita rin nito sa akin na wala parin si Cholo at yun din ang sinabi ko sa kanya na walang anino parin nito ang aking nakikita.
Hindi pa daw nila nakita si Cholo matapos ang mga pagtatanong at di talaga nila mapigilang mag aalala.

Nag-iwan pa ito ng salita bago ibaba ang selpon nito na baka pag nakahabol ay makapunta siya dito para ako talaga ay suportahan na pinagpasalamat ko naman.

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon