Chapter 7

2 0 0
                                    

Chapter 7: The Confirmation

Previously:

Mag aalas otso na ngunit wala pa rin ito.
Nagtapos na naman ang araw ngunit wala parin si Cholo.

"Nasaan ka na ba Cholo?" tanong ko sa aking sarili habang pinakawalan ang malalim na buntong-hininga habang nakatitig sa selpon na nagbabasakaling tumawag na siya at magpakita.
___________________________________________

Matapos kung magbasa upang mabaling sa iba ang aking isipan habang inihahanda ang aking hapunan ay  naisipan kung subukang maghabi ng mga salita para sa aking pyesa sa "College Night" ngunit walang kahit isang salita ang pumapasok sa aking isipan.
Parang isang blankong papel ang aking utak, napakalawak ng mga linya ngunit walang katagang matatagpuan sa mga ito.
Lumilipad ang aking imahinasyon ngunit lahat ay hindi tungkol sa aking pyesa.

Matapos ang ilang subok na ilapat ang panulat sa papel ay isang hugis pahaba ang paulit-ulit kung inikot-ikot hanggang sa tuluyang pagkapunit nito at klarong-klaro ang pagtagos ng mga tinta sa ilang mga pahina.
Dahil sa inis ay agad ko itong pinunit at itinapon sa basurahan sa aking gilid at dali-daling tumakbo sa kama upang magtalukbong ng kumot habang iginugulong ang sarili sa magulo kong kama ngunit mas magulo ang aking isipan.

Mag a-alas dyes na ng gabi ng naramdaman kong pumatak ang ulan at pagkatapos maghapunan ay diretso ako agad sa kama. Napakaganda  sa pakiramdaman ang ulan, sakto lang ang lakas ng buhos nito na talaga namang ibang hatid ang ginhawa sa aking kalamnan kasama ang saktong ihip ng hanging ako'y dinuduyan. Ang ihip nito ay inihahatid ako sa pag idlip at bawat patak ng ulan ay tinatakpan nito ang ingay ng gabi at ng aking kalooban.

Mag aalas onse na ng gabi ng nararamdaman ko ang pagbaba ng aking mga talukap dahil ginhawang hatid ng mga ito ng biglang animoy may lindol sa aking isipan.

*Ergggg... Ergggg... Erggg

Tsk tsk...

Someone is calling and it's my phone vibrating.

Napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa disturbong hatid nito ngunit wala akong nagawa kundi abutin ito dahil patuloy lang ito sa panginginig.

Without actually confirming whose callling and just automatically scrolled the answer button kasi baka naman si Jude or kasamabahay lang nila Cholo ang tumatawag.
Magtatanong na naman kung nasaan na ba talaga siya and bakit di pa umuuwi hanggang ngayon. Nagsinungaling pa naman akong safe siya at alam ko kung nasaan ito and assured them na wag na silang mag aalala but I actually lied.

"Yes speaking...anong kailangan nila?" walang gana kung tanong sa kabilang linya.

"L.....lind..."

"Yes please whose this?" inis ko pang tanong dito dahil di ko rin marinig ang boses nito sa pagpatak ng ulan sa bubong.

"Lind are you there?"patuloy lang ito sa pagtatanong at di ko maulinigan ang boses dahil mahahalata mo na medyo pabigay na ang kanyang boses.

"L...lind let's talk, it's me...Cholo. Can we please talk right now"

Hindi klaro ang ilang mga linya ngunit klarong-klaro ang pagbigkas ng pangalan nito.
It's Cholo whose actually speaking on the other line and he wants to talk with me.

Hindi ko maisasalarawan ang aking nararamdaman.
Halong kaba at pagkabigla na may pagtatampo ngunit mas nangingibabaw pa rin ang ang saya.
Kinakabahan dahil di ko parin wari kung nasaan siya na halata sa boses niyang may dinadala siya.
Nabigla dahil di ko akalain na kausap na siya.
Pagtatampo dahil nawala man lang siya bigla ng walang paalam at salita.
Masaya dahil sa wakas ay nandito na siya.

"C...cholo?" hindi ko parin lubusang maibuka ang aking bibig dahil sa pagkabigla.

"Cholo where are you, nasaan ka ba?" pagtaas ng aking boses dahil alam kong tulad niya ay di niya rin dinig ang boses ko dahil sa pagpatak ng ulan sa may bubong na unti-unti ng lumalakas.

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon