Chapter 17: The Scandal
Previously:
Halatang di ito inipit sa aking libro man lang o isiniksik ng maagi sa loob ng aking bag kaya't ganun na lang ang paglipad.
At ang totoo, sa unang tingin ko pa lang dito ay alam ko kung ano at kung sino ang naglagay at nagbigay nito.
______________________________________Kulay dilaw ito at sobrang lutong sa sobrang bago. Isang 500 peso bill ang iniwan sa akin na alam kong si Jude ang nag iwan nito sa akin.
"Nakuuuu si Jude talaga ang tigas ng ulo, may utang na loob na naman akong dadalhin nito haysssss."
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang sinasabi ito ngunit sumisilay ang ngiti sa aking labi.
"Sa bagay at halos wala na ding natira sa 100 ko at wala na rin akong pambigas dahil sa kasibaan ng taong yun pero kainis naman kasi eh, sinabing libre yun eh tsk."
Wala na akong nagawa pa at isinilid na lang ito sa aking itim na pitaka na tanging resibo na lang ang laman.
Inaantok na din ako dahil talagang late na ng gabi at may pasok pa ako bukas.Kakapagod din ang araw na to. Ang daming nangyari at deserve kong huminga at umidlip pero di ko magawa.
Mag kakalahating oras na ako kakapilit upang lamunin ng dilim ngunit heto at patuloy parin sa paglalaro sa aking isipan ang mga nangyari kanina.
Patuloy paring sumisiksik ang mga kakaibang kinikilos ni Jude at pinapahiwatig na di ko naman matumbok ko ang ano ang kanyang gustong sabihin at dagdag pa ang biglaang paglitaw ni Cholo na hindi ko rin alam kung sinadya ba niya o baka naligaw lang o baka naman kaya'y hindi naman talaga ako ang sadya nito't nagkataon lang lalo pa't di ko na man lang inalam ang totoo bago kumaripas ng takbo kanina.
Baka masyado lang akong naging assuming kasi bakit naman ako pupuntahan o hihintayin nun eh may iba na nga siya at tsaka baka may sadya lang talaga like sinauli na gamit or ano sa kasamahan ko dito sa boarding house.
Maraming tanong na naman ang naglilipana at ayaw nila akong bigyan ng katahimikan. Para silang mga estranghero na sinadyang tumapat sa aking pintuan, kumakatok at hindi tumitigil kakadabog hanggat hindi ko binubuksan. Ayaw nila akong patulugin. Nandoon lang sila nag aabang, nagbabadya't sa tuwing aking tinatakpan ang aking mukha ay mas lalo silang lumalakas sa paggambala. Nagpupumiglas, ayaw papagil at ang totoo ay hindi ko na talaga sila kayang pigilan sa pagkalikot ng aking isipan na kanina pa nahihirapan at pinipilit na wag silang balingan ng atensiyon o bigyan ng pagkakataon upang makapasok ng tuluyan.
Akala ko wala na.
Akala ko naghilom na ako. Akala ko wala ng sakit pero akala ko lang pala talaga...kasi noong nakita ko si Cholo ay para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo at pilit na inaabot ng tulis nito ang kaibuturan ng aking puso.
Bawat saksak nito ay mas dumodoble ang sakit lalo na ng makita ko ang mukha sa aming gate na akala ko ay tuluyan ko ng nakalimutan.Pakiramdam ko ng mga sandaling yun ay walang silbi ang mga gabing nilulunod ang aking sa sarili sa sariling luha habang pilit na isinasaksak sa aking puso at isipan na wala na siya at masaya na sa iba. Walang silbi yung ilang gabing pagkumbinsi na dapat kalimutan ko na siya. After all, bigo parin akong paniwalain ang sarili ko na hindi ko na siya hinahanap. Bigo parin akong paniwalain ang sarili ko na hindi ko na siya mahal.
Pakiramdam ko ay walang silbi ang ilang gabing paglaban sa bawat mga ala-alang binuo namin ng halos tatlong taon kasi hindi naman nito nagawang napagtagumpayan kahit isang bakbakan. Everything was useless kasi kahit isang laban upang makalimot ay wala akong naipanalo.
I'd created war only between my own self na ngayon ko lang napagtanto na ako talaga ang magiging talo sa huli dahil sarili ko lang ang kinakalaban ko.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Teen FictionDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...