Chapter 14

2 1 0
                                    

Chapter 14: Reminiscing Sweet Memoire

Previously:

Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. Eto ba ay dahil may dalawang piraso pang coco bread na natira sa supot o napapangiti ako dahil naiisip ko kung gaano kaswerte yung babaeng magugustuhan ni Jude o siguro pareho.
Hindi ko na alam.
______________________________________

"Oy! Kayo ha. Kayo na pala ni Cholo. Bakit hindi man lang kayo nagsasabi. Wala ba kayong balak balitaan kami o kahit ako man lang. Kakainis din eh no. Imagine ha ako yung ginawa niyong tulay kasi kunwari nahihiya pa kayo tapos may pa-takes time takes time pa kayo tapos ngayon ko lang malalaman na kayo na pala at kaya pala di ko na kayo mahagilap dahil ginawa niyong dating house tong library." pamamaktol kunwari ni Jude na kulang na lang di mabasag ang salamin ng bintana dahil sa lakas ng boses. Mabuti na lang walang tao sa library at wala din ang librarian namin.

Natatawa na lang ako at napapangiti kapag naalala ang mga araw na yun. Mga araw na naging opisyal kami ni Cholo. Natatawa dahil sa pag aakalang hindi kami magiging compatible dahil sa iba't iba naming mga hilig at estado sa buhay pero I am definitely wrong, yun nga lang mukha mali nga talaga ako kasi we ended up din after almost three years of being together.

Wala naman siguro sa pagkakaiba yun like may kaya sila at bou. Samantalang mahirap lang kami, hikahos sa buhay at hindi bou. Bukod doon, mahilig siyang bumarkada, gumala at makipaglaro lalo na sa online games. Samanatalang ako ay nasa isang sulok lang, nagbabasa at madalas nagsusulat. Magkaibang-magkaiba kami ni Cholo at ako nga kahit minsan ay di ko akalain na magiging kami.

Paano nga ba kami nagsimula, paano nga ba kami naging kami.

It was a sweet memories since then na hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking isipan. Bawat detalye, bawat salita ay malinaw pa rin. Ala-ala na ala-ala na lang talaga. Ala-ala na hindi na namin nagawang dugtungan.

//flashback

It was during my first semester as a first-year college student.

Excited na may halong kaba but I know normal lang yun lalo na kapag ganitong first time mo malayo sa pamilya. First time makikita ng mga naglalakihang buildings. First time mong makakita ng napakaraming tao na matatangkad tapos makikinis, mapuputi at halatang mayayaman at may kompyensa sa mga sarili at hindi mo yun maipagkakailala sa kanila.
Dagdag mo pa doon na laking probinsiya ako at talagang hindi sanay sa maraming tao.

I am a total stranger, a stranger that seems so lost at those moment. Hindi ko pa alam paano ang pasikot-sikot sa daan or saan ang mga lugar na dapat kung puntahan. It was really a self-discovery moment, basta lakad lang at basa sa mga lugar na dinadaanan ko at mabuti na lang din kasi medyo malapit lang ang boarding house sa pinapasukan ko.

"Miss Bonifacio, right?"

It was Jude back then who first approached me.

Sa classroom? No!

During class? No!

Sa daan habang naliligaw ako pauwi? No!

I was in the library back then flipping the pages of that thick dictionary searching for deep words that I could use for our first essay activity.

Wala akong phone nun to download any vocabulary app and since first day so kailangan ko magpa-impress kahit through words man lang kasi nanginginig pa talaga akong tumayo at magpakilala sa harapan ng aking mga kaklase.

"Miss Bonifacio, right?" he repeated.

Tanging ngisi lang at tango ang sagot ko noon kasi considering the fact na busy talaga ako is nahihiya din talaga ako kapag feel ko na may kaya yung tao. I was really intimidated kapag alam kong mayaman ang kausap ko at katabi ko kasi feeling ko hindi ako nababagay. Ewan ko basta yun talaga ang nararamdaman ko at dagdag pa na lalaki ito.

The Poet and Mobile Legend Player Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon