Chapter 19: Am I Really The One To Be Blame?
Previously:
Hindi ko na talaga alam kung naaawa ba ako o nakokonsensiya lamang. Tanging alam ko lang ay ayaw ko paring makaharap at makausap si Cholo't bukod doon ay ayaw ko rin makita itong nahihirapan sa kung ano man ngayon ang kanyang maaaring kalagayan na ako ang talagang dahilan.
Hindi ko na talaga alam.
______________________________________Lumipas ang boung weekend ng wala akong naririnig na balita tungkol kay Cholo tungkol sa kanyang kalagayan na naging dahilan para mas lalo akong mabalisa at mag alala sa kanya. Wala paring reply sa aking mga texts and chats si Jude and ang totoo is inactive na ito sa social media for two days.
Di ko lubos akalain na mas nakakakaba pa pala ito kumpara sa kaba na nararamdaman ko noong nalaman kong ako ang opisyal na manlalahok 'College Night' na next saturday na magaganap. Kaba na may halong guilt at konsensiya. Hindi ako makapukos. Hindi ko magawang ituon ang aking atensiyon sa aking pyesa at lahat talaga ay inaagaw ng pag aalala at konsensiya.
Ayaw akong pakalmahin ng mga bumabagabag sa aking kalooban. Patuloy parin akong tinutuligsa ng mga ito't hindi na pinapatulog tuwing gabi na kahit animoy kuliglig ay nagpapaalala sa akin ng mga nangyari ng gabing yun.Pinipilit ko paring libangin ang aking sarili. Ginawa ko lahat para kahit saglit ay maiwaglit ko ang mga ito katulad ng paglalakad sa may daanan, pakikinig sa musika, sadyang pagbabagal ng aking paglakad sa daanan para maabutan ng pagbaba ng araw at pagsawaan ito pero hindi ako nagtagumpay, umuuwi parin akong dala sa aking balikat ang bigat at sama ng loob sa sarili.
Mas nangingibaw at mas lalo ko tuloy naalala ang lahat. Bigo parin akong kalimutan at iwaksi ang lahat.
Mas lalo tuloy akong bumabalik doon sa mismong pangyayari kung saan umaalingawngaw parin ang kanyang mga boses na pagtawag sa aking pangalan na hindi ko pinakinggan. Mas pumapaibabaw parin ang boses ng kanyang pakikiusap na hindi ko pinagbigyan.Dahil nga ba ito sa konsensiya?
Dahil ba natatakot akong baka tuluyan na nga akong sisihin ng mga tao na nakasaksi sa pangyagari o baka takot lang akong baka tuluyan ko na ring sisihin ang aking sarili dahil sa nangyari?Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng aking mga paa kasama ng aking isip na animo'y may mga pakpak ang mga ito't malaya silang tumatahak sa kahit saan man nila gustong magtungo.
Hindi ko na alam kung ano ang tingin ng mga tao na nasa aking paligid at mga nakakakita nila sa akin pero wala na akong pakialam. Wala na akong pakialam kung nagmimistula na ba akong baliw sa kanilang mga mata dahil sa aking mga kinikilos. Ayaw nila akong kausapin eh ayaw ko din silang makausap. Wala na akong pakialam sa aking hitsura't kahit pagsuklay ng aking buhok at tumingin sa salamin ay di ko na nagagawa. Hindi na ako nakakain ng maayos at kahit isang sandok ay di ko na nagagalaw. Wala na akong gana. Mas gusto ko na lang mapag-isa tapos umiyak, maglalakad hanggang abutin ng dilim tapos iyak ulit pagdating sa bahay.Sa totoo lang ay hindi talaga ako galit sa mga tao, galit ako sa sarili ko at pakiramdam ko ay deserve ko ang mag-isa sa buhay. Deserve kong harapin to lahat ng mag-isa kasi sa totoo lang ay ako naman talaga ang dahilan ng lahat kaya't iginugugol ko na lang ang sarili para magmukmok sa sulok o sa kwarto at hahayaang unti-unti akong patayin ng konsensiya. Deserve ko ang lahat ng ito. Deserve ko ang lahat ng aking nararamdaman ngayon. Deserve ko ang sakit at karapat-dapat lang na manamnam ko ang bawat sakit na hatid nito hanggang sa hindi ko na makayanan at hanggang sa bumigay na nga ako ng tuluyan. Alam ko ito ang kabayaran ng lahat at malugod ko itong tatanggapin.
- - -
"Sorry, Lind. Di na kita nareplyan, nalaglag selpon ko that night and duda ko may nakapulot na nun at di na ginawang isuli kaya heto't nagpabili na lang ako ng bago kay mommy."paliwanag nito na animo'y may hinabol dahil sa pagamamadali at kakahingal.
BINABASA MO ANG
The Poet and Mobile Legend Player Untold Love Story
Novela JuvenilDoes same vibes and interest a factor to make a relationship last long or even work? Same vibes ft. real feelings ft. right person is overused. How about different vibes ft. real feelings ft. right person? or should I say different vibes ft. real fe...