After 3 years of not being able to go back here, Daddy finally decided to let me do something on my own. Ang tagal ko ring nawala, ang dami nang nagbago at alam kong hindi ko naman ito kontrolado.
In those years, many things changes, not knowing what's happening here in the Philippines because I decided to isolate myself from finding anything related. But when I heard from my father that numerous players from the bullpups decided to play for UP in college, I am decided to know who are the players and why they decided to play there.
"You know Carl Tamayo?" That was one of the question na laging tinatanong sa akin ni Daddy pag galing siya sa Pilipinas para mag update sa kung ano ang nangyayari doon. Isa kasi siya sa mga sponsor sa UP lalo na sa mga athletes doon habang si Mommy naman ay naka focus sa NU kung saan siya nakapagtapos.
When I was in high school doon ako nagdecide na sa NU ako mag-aaral at doon ko nakilala si Terrence ang bestfriend ko. Isa siya sa mga unang tao na kusang lumapit sa akin. Ever since kasi ay walang mga bata or kahit teenagers ang gustong makipag-kaibigan sa akin because of how I look daw. Masyado raw akong mataray at maarte sa paningin nila at si Terrence lang ang hindi naniwala sa lahat ng iyon.
But things changed, during my grade 10 as a student may pinakilalang bagong estudyante si Terrence sa akin at sinabi niya na galing pa itong Adamson kaya I became curious sa kung sino siya.
"Abegail! Si Carl bagong teammate ko sa bullpups," pagpapakilala ni Terrence sa akin at ngumiti naman ako sa kanya saglit pero ang isang ito ay nanatiling nakangiti lang sa akin at agaw pansin ang height niya para sa edad niya ngayon.
Mas matanda kasi ako sa kanya ng isang buwan pero sobrang tangkad niya. But, as I get to know him together with my bestfriend, Terrence doon ko nalaman na he's from Cebu at nag-aaral siya dito dahil naging scholar siya dahil sa paglalaro niya ng basketball.
Doon ko na realize how privilege I was to be able to study without thinking of the expenses that I will cost, especially from my parent's money. That's when I decided to take studies seriously, because of him. He inspires me to be good.
"Eunice, nood ka naman ng game namin against Ateneo," pag-aaya ni Carl sa akin habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. Nauna na kasing pumasok sina Terrence at Gerry kaya naiwan lang kaming dalawa ni Carl dito.
"Finals na ba yun?" Tanong ko naman sa kanya. Tumango naman siya at nilagay pa niya ang braso niya sa ulo ko habang naglalakad kaya siguro kami pinagtitinginan ngayon kasi siya lang ang nakakagawa nito sa akin, kasi kahit si Terrence 'di niya magawa.
"Oo, kaya manood ka parang 'di naman kaibigan 'to." Nagtanong lang ako kung finals ba yun pero wala naman akong sinabi na hindi ako manonood. Kaya napailing na lang ako kasi kahit matagal tagal na kaming magkaibigan ay hindi ko pa rin maintindihan minsan ang ugali niya.
"Sige na manonood na ako, first time kong manonood ng game niyo kung ganoon." Paliwanag ko naman sa kanya kasi wala naman talaga akong hilig sa basketball. Sumasama lang ako kay Daddy kapag pinipilit niya ako kasi ayaw sumama ni Mommy sa kanya.
Kaya that time, when he asked for me to watched that's when I realized how young I was when I started to love him. Parang ang bilis, parang walang abiso basta pagkatapos nilang manalo lumapit sa akin yung tatlo at niyakap ako na parang kasama ako sa team nila para yakapin nila ako ng ganito.
Yung pagmamahal nila sa basketball iba, like kaya nilang itaya ang lahat para dito. Na handa silang ibigay ang lahat, handa silang isangga ang katawan nila para sa basketball kasi doon nila nakikitang masaya sila.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...