The following day ay maaga akong pumuntang Katipunan para maghanap ng cafe kung saan magpapalipas ng oras habang nakatingin lang sa laptop ko. Magkikita kasi kami nila Rheamay dito sa bagong bukas na cafe sa Katipunan. Sabi nila masarap daw ang mga kape dito kaya pumunta kami para subukan. Hapon pa kasi ang klase namin pero 10 AM pa lang ay nandidito na ako at may tinatapos na kailangan kong ipasa bukas.
"PJ, sorry I can't accept any gigs this week, I'm busy." Sagot ko, talking to PJ na siyang kumukuha ng mga gigs ko for modeling. Hindi na nga ako madalas nakakatanggap kasi ako na rin mismo ang tumatanggi dahil busy na talaga ako sa pag-aaral ko ngayon.
"It's a sportswear products, ikaw agad ang pumasok sa isip ko when they asked me kung may kakilala ako." Paliwanag naman ni PJ pero napailing na lang ako habang kausap siya sa cellphone ko pero naka focus pa rin ako sa laptop ko. Nakita ko rin na papasok na sila Maye at Rheamay sa cafe kaya kumaway ako sa kanila para makita nila ako.
I noticed some students looking at us, maybe they are familiar with Maye and Rheamay since they're a great athlete.
"Ang traffic on our way here," paliwanag ni Maye saka pinakita niya yung laptop niya saka yung makapal niyang papel na mukhang aaralin din niya ngayon habang si Rheamay naman ay nilabas na rin ang laptop at ipad niya.
"Next week pa naman ang shooting, baka lang gusto mo. Nike Philippines ang mismong nag ask na ikaw ang kunin tapos ikaw rin yung unang pumasok sa isip ko bago sila nagrequest na ikaw ang kunin." Pagpupumilit ni PJ. Agad ko namang tiningnan ang schedule ko for next week kasi baka mamaya tumanggap na lang ako tapos may gagawin naman pala ako sa araw na yun.
"Ilang araw ba yan?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko naman siyang napapalakpak kaya umiling na lang ako.
"Isang araw lang naman, it's a sportswear related sa sports na gaganapin next season." Paliwanag ni PJ kaya tumango ako kasi kung matatapos ko naman yung mga gawain ko this week ay kaunti lang ang magiging araw na busy ako.
"Okay payag na ako, thank you PJ." Sagot ko sa kanya.
"Thank you Abegail," sagot niya at pinatay na rin niya ang tawag.
"Natapos mo na ba 'to?" Pagtatanong ni Maye sa akin saka niya pinakita yung isang task na kailangan naming matapos. Actually nasimulan ko na siya kanina pero nahihirapan din ako kaya nagdecide ako na antayin na lang sila kasi baka may idea sila. Alam ko naman simulan kaya lang hindi ko pa masyadong alam kung paano tatapusin.
Buti na lang alam ni Rheamay ang gagawin kaya nagpatulong kami sa kanya. Sa cafe na 'to sobrang tahimik na parang kami lang yung nagbubulungan kaya nahihiya rin kami slight dito buti na lang pwede naman mag ingay 'wag lang yung nakakaistorbo since hindi lang naman kami yung nandidito.
"Sagutin ko lang 'to," paalam ko sa kanila saka sinagot yung tawag. Mukhang tapos na sa morning training sila Carl dahil nakatawag na siya sa akin ngayon.
"Hi babe! Kakatapos lang ng morning training namin. Kakain kami sa samgyupsal dito," pagkukwento niya habang pinapakita niya sa akin yung place kung nasaan sila ngayon. Nakita ko pang dumaan si Daddy sa likod niya at tinapik saglit abg balikat niya at nagmano naman si Carl sa kanya.
Ganoon pa rin naman ang routine namin after days na wala siya dito ay mas pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko. I've also been receiving a lot of offers from brands para maging model nila pero hindi ko naman lahat matatanggap kasi busy rin ako sa school.
Dahil masipag si Carl sa studies niya at passion niya ang paglalaro ay ginagawa ko ang best ko na mag-aral ng mabuti dahil iyon ang gusto kong gawin. I realized na yung ilang taon na pagkakahiwalay namin during our senior highschool years paved the way para kahit papaano ay hindi kami mahirapan sa ganitong setup.
Nabalitaan ko rin na hindi siya nakapaglaro during their tune up game against Samsung dahil nagkaroon na naman siya ng sprain at parehas pa sila ni Harold hindi nakalaro kaya itong kaharap ko ngayon ay nag-aalala kahit ipinaliwanag na sa kanya ni Harold na okay lang silang dalawa doon.
"You know sometimes I can't understand them, but you know wala naman akong magagawa since kapag athlete ka prone talaga sa injuries." Pagdadaldal ni Luna habang kumakain kami dito sa kainan sa UP kasi nag-aya siya dahil wala siyang kasabay ngayon.
"I've heard from Kuya Carl na busy ka raw kasi ang daming offer sayo tapos studies mo pa, kaya thank you sa pagsama sa akin." Pagpapasalamat niya pero ngumiti lang ako at tumango kasi to be honest I like her company, hindi naman kasi ako masyadong madaldal kagaya niya kaya gusto kong may kaibigang maingay para kahit papaano ay mahawa ako. Kasi nakakahawa talaga yung kasiyahan niya saka kung paano sobrang positive ang tingin niya sa mga bagay.
"Ilang days na lang uuwi na sila Kuya tapos train ulit for Season 85. Kamusta naman ang training ng Ateneo?" Curious na tanong ni Luna since napapadaan ako minsan sa gym kasi nga kaibigan ko si Dave tapos minsan nakikisuyo siya kapag hindi talaga siya makaalis sa gym dahil sa training.
"Maayos naman, they are slowly adapting to the new members kaya I think Season 85 will be interesting." Sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang, alam kong magaling ang UP, but you can't count out Ateneo kasi they are known for their system kaya nandiyan sila ngayon.
"I want Kuya Carl to have the best exit that he will have for his college career." Nakangiting sagot naman ni Luna sa akin at ngumiti ako kasi kahit ako ay yun din naman ang hiling ko. Carl deserves the best things for himself, he has been a fighter, and a silent leader, and I want him to achieve the things that he has been praying ever since.
"Ikaw ba ang magsusundo kay Kuya sa friday?" Tanong ni Luna at tumango ako kasi gusto muna ni Carl na sa bahay matulog tapos kinabukasan na lang daw siya uuwi kila Luna.
After naming mag-usap at kumain ni Luna ay umalis na rin ako kasi may afternoon class pa ako bago ako pumunta sa isang studio kung saan I'll be shooting a new endorsement.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...