Paglabas ko ng room ay may ilang kakilala na lumapit sa akin. It's already 8 PM na rin kasi pero marami pa ring students na naglalakad probably pauwi na rin sila like me.
"Abegail, you didn't tell me na you have a boyfriend na pala." Someone I know said, kaya napatingin ako sa kanya at naguguluhan kasi hindi naman ako na inform na may boyfriend na pala ako according to her.
I looked at her clueless, kasi kakabasted lang ni Carl sa akin at wala akong balak na magkagusto sa iba kasi for me, si Carl na lang ang huling lalaki na mamahalin ko.
"I don't have a boyfriend, I just got dumped." Diretso kong sinabi yun sa kanya kaya yung iba ay napa ow by the fact that I got dumped.
"I thought your boyfriend is Carl Tamayo, the basketball player from UP." Sagot naman niya sa akin at agad akong umiling by the fact na akala nila ay boyfriend ko si Carl.
"No, he's a friend, he's also focusing on basketball that's why." Maikling paliwanag ko at mukhang naniwala naman siya or wala lang siyang magawa kasi pinutol ko na kaagad yung usapan.
"But, I saw your photos sa twitter, kalat na siya actually by the fans who saw two of you earlier sa H&M, and I saw your face sa ig story niya.." May isa pang nagsalita kaya napatango ako kasi naalala ko na pumunta nga pala kami sa UPTC kanina.
"He's a high school friend guys, you can chill he's available, but he chose not to for now." Sagot ko at umalis na sa kung nasaan sila dahil nagtext na si Carl na nasa labas na raw siya.
Paglabas ko, I saw how the three of them are casually leaning sa kotse ni Carl habang hawak ang mga cellphone nila. I whistled at agad naman silang tumingin at sabay-sabay tinago ang mga cellphone na hawak nila.
Lumapit ako sa kanila at niyakap silang tatlo saka ako ngumiti.
"Kamusta school?" Tanong ni Carl kaya natawa si Terrence at Gerry kasi parang anak daw ako ni Carl sa mga tanungan niya.
"Grabe mga tanungan idol ah, tatay yan?" Pati ako nakatawa na rin sa sinabi ni Terrence pero umiling lang si Carl saka kinuha yung mga gamit na dala ko at nauna na niyang ipasok sa kotse niya.
Lumapit naman si Terrence at Gerry sa akin.
"Binasted ka niyan, eh parang magjowa na kayo eh." Umiling ako kasi kahit ako okay na rin kahit hindi kami basta may ganito, basta pag nagkagusto siya sa iba dun ako lalayo ayokong maging 3rd party o kung ano man hassle yan.
Pumasok na kami sa kotse ni Carl, nasa passenger seat ako habang ang dalawa ay nasa backseat at nagkukwentuhan ng kung ano na ayaw iparinig sa amin.
"Timezone tayo mga idol," pag-aaya ni Gerry kaya pumalakpak ako at ngumiti sa kanya kasi after kong umalis sa Pilipinas ay hindi na ako nakapaglaro pa.
"Diyan na lang tayo sa UPTC para malapit," at pumunta na nga kami sa UPTC at dumiretso sa timezone doon.
Pagpasok namin ay may mga tao pa rin pero hindi naman masyadong marami. May kinuha si Carl sa wallet niya at pumunta siya sa may counter mukhang nagload siya sa card niya. Agad naman akong pumunta kung nasaan yung shooting zone at hinila silang lahat doon.
"Carl go!" Sigaw ko sa kanya saka hinila siya papunta sa tapat nung shooting ring.
"Hindi yan magmimintis, si idol yan eh." Napailing na lang ako may Terrence kasi trip niya talagang asarin si Carl ngayong gabi.
Sumunod naman si Carl saka siya naglaro when I received a call from Daddy kaya nagpaalam muna ako kila Terrence na lalabas lang ako saglit habang 'di na ako nakapagpaalam kay Carl dahil sobrang busy niya sa paglalaro.
Lumabas muna ako at sinagot ang tawag ko. Tinatanong niya kasi ako kung may gusto raw ba akong ipabili sa kanya since nasa labas siya ngayon. I just told him to buy me some snacks na mailalagay ko sa loob ng kwarto ko para kapag naging busy na ako ay hindi na ako mag-abala pa na bumaba sa kwarto.
Pagkatapos ng tawag ay lumingon na ako pabalik when I saw Carl looking at me habang nakatayo siya sa may entrance ng timezone.
Lumapit naman ako sa kanya at nagtataka kasi naglalaro siya kanina nung lumabas ako tapos ngayon ay nandidito na siya sa labas.
"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ko sa kanya saka hinila yung braso niya para pumasok na kami sa loob pero hindi siya gumalaw, nakatingin lang siya sa akin.
"May problema ka ba sa akin Carl?" Tanong ko sa kanya, kasi hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Umiling naman agad siya sa akin at bumuntong hininga na parang may naalis na tinik sa lalamunan niya pagkatapos niyang marinig ang boses ko.
"Pagkatapos ko kasing maglaro wala ka na sa likod ko." Sagot niya saka tinuro sila Gerry na sila na ang naglalaro ngayon kaya humarap ulit ako kay Carl. Wala siyang pakielam kahit may iilang mga tao ang nakatingin sa kanya at mukhang nakikilala siya.
"Kinausap ko lang si Daddy," sagot ko naman sa kanya saka ko hinawakan saglit ang braso niya at hinila na siya papasok ulit. Naunang maglakad si Carl at parang okay na siya pagkatapos kong sabihin na kinausap ko lang si Daddy. Napatigil ako saglit at tiningnan ang likod niya, saka ko naisip na baka inisip niya na umalis na naman kaong hindi nagsasabi sa kanya kaya agad niya akong hinanap.
Lumingon ulit siya pagkatapos niyang mapansin na hindi ako naglalakad sa likod niya. Napatingin na lang ako saglit sa kisame at umiling.
Naglaro lang kami hanggang sa magsara ang timezone bago nila ako ihatid pauwi sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay inaya ko pa silang pumasok pero tumanggi na sila dahil kailangan na nilang umuwi.
Lumabas sila sa kotse at niyakap nila akong tatlo at hindi sila umalis hanggang sa hindi ako nakakapasok sa loob ng bahay. Pagkauwi ko ay pumunta ako sa office ni Daddy at nakita kong kadarating lang din niya, niyakap ko lang siya at pumasok na rin ako sa kwarto ko para maligo at humarap na naman sa laptop ko.
--------------------------------------------------------------
Katipunan Gang
Eunice A.
Nakauwi na ba kayo mga idol?Carl Vincent T.
Kakauwi ko lang, ubos gas ko dahil sa dalawa.Gerry A.
Aba, dapat lang hahahaTerrence F.
Kaya idol kita MiraCARL HAHAHACarl Vincent T.
Tigilan mo ako Terrence, baka gusto mong 'di ka na masikatan ng araw.
Eunice A.
Mukhang artistahin pati mga linyahan mo idol ah HAHAHA.Carl Vincent T.
Matulog ka na, ano oras na.Terrence F.
Out na ako usapang magjowa na 'to.Gerry A.
Good night lovebirds!Eunice A.
Oi! Bahala kayo good night na nga.Carl Vincent T.
Geh, good night sanay na naman ako.Eunice A.
Drama mo, pero good night Carl.--------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...