After a week when me and Carl decided to finally be together as a couple ay naging maayos naman. Some of our friends know it na pero hindi pa naka public or hindi pa namin kino confirm lalo na sa side ni Carl.
Kasi to be honest, wala naman sa showbiz industry si Carl ay sa kanya nakatingin ang halos lahat ng mga fans ng UAAP basketball. I heard some of the coaches from different universities are even expecting Carl to lead the stat sheet for the next season. Pero ang sabi lang niya sa akin ay hindi maiiwasan which is true naman.
Nandidito lang naman ako lagi sa tabi niya to support him in everything gaya ng gusto niya at gusto ko ring gawin.
"Babe," tawag niya sa akin, nandidito kasi kami ngayon sa gym kung saan siya nagtetheraphy kasama rin namin ang ibang mga ka teammates niya.
"Pre, kain daw tayo sa malapit," pag-aaya ni Harold saglit din siyang tumingin sa akin at tumango kaya ngumiti na lang din ako pabalik sa kanya.
"Babe, may klase ka pa mamaya diba?" Tanong niya sa akin, tumango naman ako pero mamaya pa naman ilang oras pa bago ang susunod na klase ko maya nagpresinta na rin ako na dito muna ako.
"Babe, kakausapin ka raw pala ni Daddy." Paalala ko sa kanya kasi nung nalaman ni Daddy na kami na nga ni Carl ay gusto na niya talaga na makausap si Carl, pero hindi naman daw siya nagmamadali.
"Punta ako mamaya paghatid ko sayo pauwi." He said, after that ay pinunasan niya muna yung mukha ko saka niya ako hinalikan sa pisngi at bumalik sa kung nasaan siya kanina kung saan kausap niya yung trainor nila.
"Salamat sa pagsama kay Carl dito, lagi kasi siyang mag-isa minsan kapag wala kami." Lumapit sa akin si Harold at ngumiti saka tiningnan si Carl na tumingin din sa amin at ngumiti.
Matagal na rin kasing gusto ni Carl na makausap ko yung mga ka teammates niya. Nakikita ko kasi kung gaano kamahal ni Carl ang mga kasama niya dito, sabi niya sa akin nararamdaman niya talaga yung pagmamahal at pakiramdam na may pamilya ka sa katayuan ng mga ka teammates niya.
"I get it now why Carl really loves UP, the players, and of course the community." Panimula ko saka naalala kung paano nila niyakap at minahal sina Carl at kung gaano kalakas ang suporta nila sa mga atleta na nagdadala sa pangalan ng UP.
"Nung sinabi ni Carl na may nag offer sa kanya, sa totoo lang mas natuwa pa ako kaysa nalungkot. Matagal ng pangarap ni Carl na maglaro professionally hindi lang niya inexpect na maaga yung offer." Paliwanag ni Harold saka tinuro si Carl na nakikipagbiruan na dun sa trainor nila na parang magkaibigan lang sila.
"Buti na lang nandyan ka na, laging nandyan si Carl sa amin, pero hindi namin alam kung kailan niya kami kailangan kasi hindi naman siya nagsasabi. Kaya ang ginagawa na lang namin, dumidikit na lang kami sa kanya para kapag may problema siya mahahalata namin." Pagkukwento ni Harold saka pinakita yung ilang mga pictures nila with Carl kung saan kitang-kita mo yung saya niya kapag kasama niya ang mga players from UP.
"Nakapag decide na ba siya?" Tanong ni Harold, halata sa boses niya na kinakabahan siya ng kaunti sa kung ano man ang magiging desisyon ni Carl.
Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya saka ngumiti sa kanya.
"See you next season," yun na lang ang sinabi ko saka ngumiti sa kanya bago lumapit kay Carl kasi magpapahatid na ako sa Ateneo.
Paglabas namin ng gym ay may iilang mga fans ng UP ang nag-aantay sa labas. I saw how some of them are shocked to see me going out of the gym.
Kinuha naman ni Carl yung bag na dala ko.
"Lapitan ko lang sila, tagal din nilang nag-antay dito." Tumango na lang ako at mahina siyang tinulak habang pumunta ako sa gilid at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Maye.
"Where are you?" Tanong ni Maye, tumingin naman ako kay Carl na nakangiting nagpapapicture sa mga fans na nagpapapicture sa kanya. Lumingon siya saglit saka pinakita yung teddy bear na hawak niya, ngumiti naman ako saka tumalikod saglit.
"I'm here sa UP, papunta na ako." Sagot ko sa kanya.
"Okay, make sure to be here on time, stay happy with your big boy." Natawa pa siya bago niya patayin yung tawag. Umiling na lang ako saka lumingon ulit kay Carl na nakikipag-usap na ngayon sa kanila.
Tumingin siya sa akin at sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya kaya lumapit ako.
"Ang ganda niyo po pala talaga, lalo na ngayon at short hair kayo." Nakatanggap na agad ako ng compliments nila kaya napailing na lang ako kahit totoo naman.
"Si Eunice guys, pero ako lang tumatawag ng Eunice sa kanya kaya Abegail ang itawag niyo." Natatawang pakilala ni Carl sa akin saka sa mga fans na nandidito sa harap namin ngayon.
"Ah, ito pala yung sinabi ni Terrence sa amin na hintayin namin na sasabihin mo, ayaw mo pala talagang may tumatawag na Eunice sa kanya." Natatawang kwento nung isang fan saka ngumiti siya pagharap niya sa akin.
"Oo guys, ako lang tatawag sa kanya nun." Natatawang sagot ni Carl saka inakbayan ako.
"Eh ano na yung tawag mo sa kanya ngayon?" Natatawang tanong ni Tita Kc kasama yung ibang mga solid fans ng UPMBT.
"Syempre, babe na ang bagong tawag." Pabirong sagot ni Carl saka umiling at nagtago sa likod ko kahit kita pa rin naman siya. Siya na yung nahiya sa sariling sinabi niya eh.
"So totoo nga na girlfriend mo na si Ate Abegail?" Tanong nung isang teenager na fan at tumango naman si Carl ngumiti naman ako sa kanila.
"Bagay po kayong dalawa, parehas kayong matangkad tapos parang friends to lovers kayo." Ako na lang yung napapangiti habang tinitingnan ko si Carl na nahihiya habang pinapakinggan yung sinasabi nung mga fans na kausap namin ngayon.
"Alis na muna kami, need ko ihatid sa Ateneo, future lawyer 'to." Pagmamalaki pa ni Carl pero umiling na lang ako at hinampas siya sa braso bago kami nagpaalam sa kanila kasi papunta na kami ng Ateneo.
Naglalakad ako sa unahan habang tumitingin sa gc kung saan kaming tatlo nila Rheamay ang nandoon. Doon kasi kami kumukuha ng updates regarding sa anong nangyayari sa course namin at minsan chismis na rin.
Lumingon ako patalikod when I noticed na hindi ko na kasabay si Carl kaya lumingon ako to see him taking a video of me while smiling.
"Ganda talaga ng girlfriend ko, swerte ko naman!" Sigaw niya kaya agad kong tinakpan yung mukha ko kasi nakita ko yung ilang estudyante na tumingin sa amin dahil sa sigaw ni Carl.
Ilang asaran at pikunan pa bago kami makarating sa Ateneo. Siguro ganito talaga kapag nagsimula kayo bilang magkaibigan bago naging kayo. Kasi sa amin ni Carl kaya naming maging magkaibigan habang magkarelasyon kami.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...