Mastermind 17

65 2 0
                                    



August, nandidito kami ni Carl ngayon sa vet para ipatingin sina Red at Velvet na parehong husky. Nakapagpatingin na kasi si Black last week at si Daddy ang nagdala sa kanya habang ako ay ngayon ko dinala ang dalawang tuta sa vet.


Hawak ni Carl si Velvet na tahimik lang sa bisig niya ngayon habang tulog pa si Red sa stroller na dala namin.


"Tahimik talaga ni Velvet, alam niya siguro na Daddy nya ako." Spoiled kasi si Velvet pagdating kay Carl. Sinubukan ni Carl na mapalapit kay Red pero sa akin lang talaga siya laging nakadikit.


Pagkatapos naming magpa vet ay nagtanong yung clinic if we can have a picture since nakilala nila kami. Lumapit sila sa amin to asked if we can have a photo together with our dogs.


"Aso niyo po pareho?" Tanong sa akin at tumango naman ako habang si Carl ay nasa likod ko lang at nakikinig sa amin.


"Actually, nasa bahay ko nakatira pero kami pareho yung nag-aalaga." Paliwanag ko saka sila ngumiti at kinuhanan na kami ng picture. Nagpasalamat naman sila bago kami umalis at bumalik na sa bahay.


Pagkauwi sa bahay ay nasa garden lang kami at nakikipaglaro sa mga aso kasama na si Black na mukhang kakagising lang sa may living area.


Nakita kong kinuha ni Carl yung cellphone niya at ka videocall niya pala sila Terrence na mukhang magkakasama ngayon.


"Furparents na pala ang magjowa, correction friends lang pala kayo." Natatawang asar ni Terrence saka ko binuksan yung cellphone ko at nakitang nasa twitter ulit kami at about naman yun sa pagbisita namin sa vet as friends daw kaya pala kami inaasar ni Terrence ngayon.


"Aamin kami pag start na lang ng season," pabirong sagot niCarl at nagpalakpakan naman ang mga kaibigan namin.


"Buti naman, para hindi ka naman mapagkamalang nang-agaw ng jowa. Inagaw mo nga naman si Abegail sa akin, hindi nga lang bilang jowa, inagaw mo ang best friend ko kaya tampo ako sayo." Pag acting pa ni Terrence na akala mo ay may galit talaga siya kay Carl kaya inexpect ko ma ang batok na matatanggap niya kay Jd na nasa likod lang niya ngayon.

"Terrence, ano 'tong balita ko na may nakita kang magandang girl sa UP?" Tanong ko, agad namang umalis sa harap ng camera si Terrence kaya kinuha ito ni Harold at tinapat kay Terrence na nag training bigla.


"Avoiding question means may something!" Sigaw ko sa cellphone ni Carl para marinig niya kaya agad naman siyang lumapit pabalik.


"Wala talaga, nakita ko lang siya ang ganda kasi, maliit din siya kaya bagay sa akin." Pabirong sagot ni Terrence at umiling na lang ako. Kasi sa aming magkakaibigan to be honest, siya yung pinaka seryoso when it comes to something like this, kaya alam ko na swerte ang babaeng makikilala niya.



***


Bago sila pumunta ng South Korea bukas, ay nagdecide kami na tumambay sa bahay nila Luna kasama ang mga kaibigan namin.


Marami kami dito kasi gusto namin na tumambay dito kasi ang sipag ni Luna gumawa ng mga pagkain tumutulong naman ako kahit papaano pero hindi kagaya niya na halos siya na ang gumagawa.


"Pabibo na naman si Kuya, nakisingit siya sa live ni Harold ngayon." Natatawang kwento ni Luna saka lumapit sa oven para tingnan yung cheesecake na kanina niya pa binabantayan.


Tiningnan ko naman ang cellphone ko at nakita kong kailangan kong magbukas ng laptop dahil may meeting ako with my groupmates para sa reporting na kailangan naming gawin sa isa naming major subject.


"I'll just go to Carl, may meeting ako ngayon." Paalam ko kay Luna at ngumiti naman siya sa akin kaya lumabas na rin ako sa kusina.


"Babe, where's my laptop?" Tanong ko sa kanya at agad tumawa sila Terrence kahit si Jd ay napa boom na lang saka tinawanan si Carl na mukhang nagulat.


"Kaninong jowa raw yun!" Pang-aasar pa ni Terrence habang binabasa yung comments sa IG live ni Harold. Agad ko namang natakpan yung bibig ko kasi naka Ig live nga pala si Harold.


"Oy! 'Di ko nga sabi girlfriend si Abegail, ako naman ang ginagawa niyong mang-aagaw ng girlfriend ng kaibigan." Pagtanggi pa ni Terrence saka tinulak papalapit sa camera si Carl na nananahimik habang binubuksan yung bag niya kung saan nandoon yung laptop ko na pinalagay ko sa kanya kanina.



Tumayo naman si Carl saka inabot sa akin, niyakap ko siya saglit saka ako pumunta sa may gilid at binuksan na yung laptop ko.



"Quiet na kami guys, may future lawyer na nandidito sa gilid namin, bumubuga rin 'to ng apoy." Pagbibiro pa ni Carl saka naman tinapat ni Harold yung camera niya sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin, pero ngumiti rin naman ako agad.


"Ang ingay mo Vincent," yun na lang sinabi ko saka ko siya inirapan at dinig ko na naman ang tawanan nila. Halos isang oras ko ding kausap ang mga ka grupo ko bago kami natapos at sakto lang ito para sa pagkain namin ng hapunan.


"You know Ate, when Kuya Carl moved here, sobrang awkward niya pa, especially when he's calling Mama." Kwento ni Luna habang nag-aayos kami ng mga pinggan na gagamitin namin habang ang mga boys ay tahimik na nag-aayos ng mga iinumin namin.


Nagkwento siya kung paano sila naging close, kung saan malaki raw ang naging parte ng common friends nila na sina Juliet at John na nakilala ko na noon sa NU.


Now I know kung bakit kahit malayo si Carl sa family niya ay hindi siya masyadong nahohome sick dito, kasi nandidito pa rin sina Luna para maparamdam kay Carl na meron siyang pamilya dito sa Metro Manila.


"Ate ihahatid mo ba si Kuya sa airport?" Tanong ni Luna, sa amin kasi matutulog si Carl after nito. Nandoon na rin yung mga gamit na dadalhin niya papuntang South Korea. Silang dalawa ni Daddy ang ihahatid ko para isang kotse na lang ang gagamitin namin. Kasama si Daddy sa Korea for about 5 to 7 days saka siya uuwi dito.


"Yes, his things are already in our house. Kasabay na rin kasi niya si Daddy papunta sa airport kaya nagpresinta na ako." Sagot ko naman sa kanya saka kami nagkwentuhan ulit.


Tanghali ang alis nila bukas, kaya after 10 PM ay nagdecide na kaming umuwi sa mga bahay namin.


"Vincent, call me kapag nasa airport ka na para ma update ko ang Mama mo." Paalala ni Tita, ang Mama ni Luna na nakangiti sa amin ngayon habang tinutulungan ko si Carl sa ibang dala niya.


"Mommy, call ko na lang po kayo paggising ko bukas, mag-iingat po ako." Sagot naman ni Carl saka lumapit sa Mama ni Luna para yumakap. Niyakap rin niya si Luna at ang nakababatang kapatid ni Luna na nakasimangot ngayon kasi aalis si Carl.


"Kuya, bring me pasalubong when you get back here." Tumango naman si Carl saka hinalikan sa pisngi ang kapatid ni Luna saka ito niyakap ng mahigpit.


"Babalik si Kuya," sagot ni Carl bago siya lumapit sa akin at parang automatic na ang kamay niya na pumunta sa bewang ko.


"Tita, alis na po kami, thank you po." Paalam ko at lumapit na rin ako sa kanya para yumakap saglit bago kami lumabas ng bahay nila.


"Baka pag-alis ko mag-iyakan pa tayo sa airport kahit ilang araw lang kami doon." Napatango naman ako kasi baka ganoon ang mangyari kasi for the past months kahit busy kami ay gumagawa kami ng paraan para magkita talaga.


"Paano pa kaya pag pumunta na ako sa Japan." Dagdag pa ni Carl kaya dahan-dahan akong napatango kasi nakikita ko na ang mangyayari kapag dumating na ang time na yun.


"Syempre iiyak ako, pero bibisitahin naman kita sa Japan." Sagot ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya habang nagmamaneho siya.


Sobrang higpit ng kapit niya na parang ayaw niya akong bitawan. Hindi siya yung mahigpit na masasaktan ka, kundi higpit na alam kong hindi niya ako iiwan at pababayaan.



Mastermind | Carl TamayoWhere stories live. Discover now