Pagkatapos ng klase ko sa Taxation ay lumabas na agad ako para pumunta sa UPTC kasi nag-aya ang ilang blockmates ko na kumain doon kahit halos araw-araw naman kaming pumupunta doon.
Nakita ko yung ig story ni Luna kung saan ay nasa BGC sila kasama ang boyfriend niya at si Carl pati na rin yung dalawang kaibigan niya, 3 hours ago pa yung ig story. Nakita ko yung ig story ni Rheamay na kasama ko ngayon kaya nag restory ako ng picture namin kung saan naglalakad kami papuntang UPTC.
"Naninibago pa rin talaga ako sa hair mo, so pretty, your short hair suits you talaga." Napangiti naman ako, kasi napaka genuine niya talagang kasama kaya I always enjoy being with her and her friends kasi na aappreciate talaga nilang lahat.
Naka white loose pants ako saka maroon tube top saka yung adidas shoes na kakabili ko lang kahapon when I went out with Rheamay and Maye.
"Bakit hindi ka na sumasama kila Shiella?" Tanong ni Maye at kapag naiisip ko pa lang yun ay kumukulo na agad ang dugo ko.
Because the other day I just heard her talking shit about me behind my back. Alam ko naman na maldita ako pero nilulugar ko naman 'di katulad niya na sinalo na lahat.
"Dito tayo," aya ni Rheamay at pumunta kami sa starbucks. Matagal pa naman bago ang next class so chill muna kami, sa room na lang kami ma stress sa hirap ng mga lessons.
"Hindi kayo busy?" Tanong ko sa kanila, pareho kasi silang athlete, pareho silang badminton player at sa aming tatlo ako lang ang hindi kasali sa mga sports na ganyan.
"Hindi naman, tapos na kasi ang season." Sagot naman ni Maye at tumango na lang ako habang inaantay ang inorder namin. Tumingin muna ako sa labas, wala namang masyadong tao dahil siguro may klase pa ang ibang mga estudyante na pumupunta rito.
Nanlaki ang mata ko when I saw Carl, naka mask siya pero kilala ko siya dahil sa tangkad niya tapos alam ko ang kilos niya. Nakatingin siya sa cellphone niya ngayon at akala mo may tatawagan siya when Maye tapped my shoulder.
"Someone's calling you," saka niya tinuro yung cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Nanlaki yung mata ko when I saw Carl's name.
Kinuha ko naman agad ito at sinagot na dahil mukhang nawawalang bata siya sa labas habang nakatingin ang ilang mga dumadaan sa kanya.
"Nasaan ka?" Yun agad ang bungad niya kaya napahawak na lang ako sa noo ko at napansin naman yun nila Rheamay at Maye kaya napatawa na lang sila sa akin.
"Nasa UPTC," sagot ko.
"Alam ko, I mean saang banda sa UPTC?" Tanong niya ulit.
"Nasa starbucks ako together with my friends." Sagot ko at agad siyang lumingon sa kung saan ako nakatingin at nakita niya agad ako, kumaway naman siya kaya hindi ko alam kung dapat din ba akong kumaway pabalik, pero kahit hindi sigurado ay ginawa ko na lang.
Naglakad naman siya papasok at dumiretso siya sa kung nasaan kaming tatlo ng kaibigan ko. Nakita kong napatigil saglit si Maye at Rheamay sa pag-uusap dahil tumigil si Carl sa harap namin.
"Can I sit here?" Tanong ni Carl kay Ivee at wala namang nagawa si Maye kundi tumango, tumingin pa si Maye sa akin na parang tinitingnan niya kung sino si Carl.
"Sorry, maaga kasing natapos yung pagwaldas ng pera sa akin kaya nandidito ako." Paliwanag niya saka inalis saglit yung mask niya para magpunas gamit yung panyo niya.
Nakita ko namang napa ow si Maye at Rheamay dahil nakilala na nila si Carl at pasimpleng tumingin sa akin at nang-aasar na parang may kung ano silang dapat malaman mula sa akin.
"Why are you here?" Clueless na tanong ko sa kanya, kasi hindi ko naman ineexpect na dito siya sa akin pupunta pagkatapos niyang umalis together with his friends.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...