When the month of June passed, ganoon pa rin ang nangyayari, pag wala ako sa bahay nasa school ako, minsan nga hindi ko na nadadala ang kotse ko kasi nagugulat na lang ako nasa labas na ng bahay si Carl at nagpepresenta siya na ihahatid na lang niya ako para diretso training siya sa UP.
Kaya habang tumatagal ay kumakalat na sa mga fans at ibang mga university students na may girlfriend na si Carl, even my friends from the modeling circle are thinking that I am dating Carl kahit hindi naman.
Gaya ngayong araw, vacant ko kaya imbes na gumagala ako together with my blockmates ay nandidito ako sa court ng UP at nanonood kila Carl na may training ngayon. Isa kasi siya sa mga players na binibigyan ng extra training dahil he's still nursing an injury during last season.
Lumapit ako sa kanya na nakaupo ngayon sa sahig habang umiinom ng tubig. Sobrang pawisan siya kahit naka sleeveless na damit siya. Umupo ako sa tabi niya habang yung ibang players ay may kanya kanyang ginawa. Tinapik ko ang balikat niya saka siya tumango at ngumiti sa akin saglit kahit halata naman na parang may masakit sa parteng ankle niya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya saka tiningnan ulit ang ankle niya na ginagalaw niya ngayon habang umiinom siya ng tubig.
"Okay lang ako, kaya ko 'to may ilang months pa naman bago ang season 85." Paliwanag niya sa akin saka pinisil ang pisngi ko when he saw na hindi ako naniniwala sa sinabi niya sa akin.
Nakangiti kasi siya ngayon pero halata naman sa mata niya na may iniinda talaga siya ayaw lang niyang sabihin kasi ayaw niyang maging pabigat. Sanay na siya na lagi lang niyang sinasarili yung mga nasa isip niya kaya minsan ay hindi talaga namin siya maintindihan.
"You can always say na you're not okay," paalala ko sa kanya saka niyakap siya saglit bago ako tumayo na kasi dumarami na ang tao dito sa loob. Some close fans of the players are here to watch them practice kaya lumayo ako kasi I saw them looking at us. Mukhang napansin din ni Carl dahil tumingin siya dun sa mga fans na nakangiti habang nakatingin sa kanya.
"Alis na ako Carl, I need to attend my afternoon class." Paalam ko sa kanya saka kinuha yung gamit ko sa bench. Lumapit ako kay Terrence at Gerry na nakaupo sa may sahig malapit sa bench tumingin sila sa akin at lumayo.
"Huwag mo kaming yakapin 'di pa kami nakakapagbihis." Pagpigil ni Terrence pero lumapit pa rin ako sa kanila at niyakap sila pero agad kong napansin na lumutang ako kaya nahampas ko yung braso ni Carl kasi binuhat niya ako para ilayo kina Terrence.
"Huwag nga raw yakapin eh, kulit naman." Saka mas lalo niya pa akong nilayo kina Terrence kaya nakarinig na ako ng pang-aasar sa mga ka teammates ni Carl na inaasar ako sa kanya.
"Bagay talaga kayo, tama nga sila may pang bestfriend at pang jowa, pero pwede ring both." Asar ni Aj na pumapalakpak pa at naghahanap ng kakampi sa pang-aasar sa amin ni Carl. Natawa naman kami pareho ni Carl saka pabiro na niyakap siya patagilid kahit ayaw niya ring magpayakap kasi pawis din siya.
"Makakauwi ka pa niyan niyakap mo kami," pagsesermon niya at umiling na lang ako saka kinuha yung bag ko na may extra na damit. Simula kasi nung sinusundo nila ako minsan sa labas ng Ateneo para pumunta dito ay nagdadala na ako ng damit.
Pagkatapos kong magbihis ay bumalik ako sa court at nagpapractice na ng shooting si Carl. Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya para sabihing aalis na ako.
"Hatid na kita," at lumapit siya para magpaalam pero umiling ako kasi kaya ko namang mag commute malapit lang naman ang Ateneo dito.
"Hatid na kita, sinundo kita papunta dito, ihahatid kita pabalik sa Ateneo." Paliwanag niya saka kinuha yung susi niya at pumasok saglit siguro sa locker nila para magpalit siya ng damit. Paglabas niya ay naka white tshirt na siya katerno sa akin kaya naloko na naman kami nila Aldous.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...