Mastermind 20

108 1 1
                                    


Friday, umaga pa lang ay maaga na akong naghanda para sa pagsundo ko kay Carl sa airport. He messaged me bago sila sumakay ng eroplano pauwi rito kaya naghanda na ako para kahit matagal akong mag-intay sa airport at alam ko na hindi siya mag-aantay sa akin.

I also texted Luna telling her na nasa airport na ako which she answered na malapit na rin siya since susunduin naman niya si Harold. Ang alam ko after nito ay magpapahinga lang sila ng ilang araw tapos need na nila bumalik sa training. Magkausap din kami ni Carl kagabi kasi meron siyang isang minor subject na hindi masyadong ma gets kasi nga busy siya sa training kaya nag lesson kami kagabi. Buti na lang at tapos ko na siyang mag aral when he asked me about it at buti naman may naitulong ako sa kanya.

After 20 minutes of waiting ay nakita ko na si Luna papalapit sa akin. Napalayo ata ang parking niya kaya halatang pagod siyang papalapit sa akin dahil siguro tumakbo pa siya papalapit sa akin.

"Grabe, so init, if I were Harold siguraduhin lang niya na buo ang katawan niya pag nakita ko siya para naman sulit ang pagtakbo at pagbilad ko sa araw." Natawa na lang ako sa rant niya kasi alam mo talaga na nainis siya sa init ng araw pero halata naman sa boses niya na excited na siyang makita ulit si Harold.


"I'll be watching some of Carl's training, I want to make sure that he's okay." Hindi kasi ako makampante knowing that he's nursing an injury pero hindi niya naman sinasabi, and that's the problem with Carl. He's too afraid to say something kasi akala niya pabigat siya kahit hindi naman, we are just concern abiut his health.


After minutes of waiting pa I already saw some of the coaching staffs of UPMBT na naglalakad. I even saw Terrence at agad siyang kumaway sa akin at lumapit kahit ang dami niya pang dala.


"Abi," takbo niya saka niya ako niyakap. I saw Gerry walking na rin papalapit sa amin and after that he tapped my shoulder saka tinuro si Carl na nakayuko at suot ang cap niya kaya tumingin ako ng diretso sa kanya pagkatapos kong yakapin si Terrence.


"What happened?" Tanong ko kay Terrence at umiling na lang din siya sa akin.

"Kinausap siya ni Coach kagabi 'di ko alam ano pinag-usapan nila. Ayoko rin siyang piliting magsabi kasi gusto ko siya mismo ang magsssabi sa amin." Sagot naman ni Terrence, tinulak niya ako ng mahina para senyasan ako na lapitan na si Carl na mukhang hindi pa napapansin na nandidito ako dahil nakayuko lang siya at mukhang malalim ang iniisip.


Naglakad naman ako papalapit sa kanya, I even greeted some of the coaching staffs na nakikita ko to pay respect na rin since nandidito sila.

I tapped his shoulder saka sumenyas na yakapin niya ako. I saw how his eyes twinkle at kung paano nagtubig ang mata niya pagkatapos niya akong makita.


"I want my angel to hug me," nakangiting utos ko sa kanya saka ko binuksan ng malawak ang mga braso ko para sa yakap niya na ilang linggo ko ring inaantay.

Lumapit naman siya at niyakap ako. It was a tight hug, mas mahigpit pa sa kung paano niya ako yakapin kaya alam ko na may problema talaga siyang dinadamdam ngayon.


"What's the problem? Gusto mo pag-usapan pag-uwi natin sa bahay?" Marahang tanong ko sa kanya kasi ayaw ko na mapilitan lang siyang sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa kanya ngayon. Malapit ng magsimula ang Season 85 kaya gusto ko na nasa maayos ang condition ng katawan at ng isip niya.


Tumango lang siya and it means na sa bahay na niya gustong pag-usapan dahil na rin siguro nahihiya siya sa ka teammates niya na mukhang nag-aalala na rin sa kanya kasi nakikita ko ang tingin nila. Kahit si Luna na nasa gilid ay mukhang gustong lapitan si Carl pero mas pinili na lang niyang huwag muna.


Nauna nang pumasok sa kotse si Carl dala ang mga gamit niya. Lumapit naman ako kay Luna na mukhang nag-aalala.


"Ako na bahala sa kuya mo, I'll update you after. So, sorry that he can't talk right now, you know naman na he's good at bottling his feelings at ayokong basagin yun ng biglaan." Paliwanag ko kay Luna at tumango naman siya saka niyakap ako ng mahigpit.


"Take care of Kuya Carl, he's too precious to experience kung ano man yun." Ngumiti ako sa kanya saka nagpaalam saglit sa mga coaching staffd at sa ibang ka teammates ni Carl bago ako sumakay sa driver's seat.


Tahimik lang si Carl na nakaupo, I held his hand bago ako nagsimulang magmaneho ng kotse niya. Tahimik lang kami habang nasa byahe pero napapangiti pa rin ako kasi kahit wala siya sa mood ay hinahalikan niya pa rin ang kamay ko and he's making sure na naipaparamdam niya na hindi ako mag-isa ngayon habang nagmamaneho.


He's quiet, but he's making sure na hindi niya maipapasa sa akin yung nararamdaman niya ngayon. Naalala kong sinabi niya sa akin na mas okay na yung mabibigat na nararamdaman namin ay hindi namin pinapasa ng buo sa isa't-isa. It should be equal, para hinfi kami maubos pareho, kasi kung may isang mauubos sa amin ay mahihirapan na ulit kaming buuin yun.



Pagkadating namin sa bahay ay tinulungan kami ni Mang Roland na magbaba ng gamit ni Carl para dalhin sa guest room kung saan siya natutulog kapag nandidito siya.


Pagpasok namin sa bahay ay dumeretso kami sa kwarto ko at tiningnan ko lang siya habang inaantay siyang magsalita.


"Akala ko okay na yung injury ko, biglang sumakit na naman." Pagsisimula niya saka ko tiningnan yung ankle niya na nainjure din during his last stint sa Gilas. Pansin ko rin na yung ankle niya na yun yung laging naiinjured.


"Pinilit ko, so kasalanan ko rin, alam mo naman na last season ko na bago ako mag Japan. I just want what's best for our team at yun ang paraan ko." Dagdag niya pa, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. He's pressuring himself to do the best, at yun ang pagkakakilala ko kay Carl. Gagawin niya ang best niya kahit alam niya na may iniinda siya para labg sa kasiguraduhan na okay ang lahat.


"Carl, I know na gusto mong manalo at maglaro, pero you have to be honest when it comes to your injury. Hindi namin gugustuhin ang panalo kung alam namin na masisira ang career mo for a potential injury na hindi mo sinasabi." Paalala ko sa kanya at tumango siya. Habang maaga pa ay dapat na niyang malaman yun kasi alam kong hindi gugustuhin ni Coach Gold na masira ang career ni Carl dahil sa injury na hindi niya sinasabi.


"For a better teamwork, make sure not to keep a secret especially kapag injury." Dagdag ko pa at tumango naman siya saka hinalikan ko sa labi at ngumiti.


"Magpahinga ka na muna diyan tatapusin ko lang 'tong project ko." Pag-iiba ko ng usapan dahil bigla siyang tumawa pagkatapos niyang makita ang mukha ko na siguro ay namumula na ngayon.


Halos ilang oras din ata akong nakatutok sa laptop ko at hindi ko napansin ang oras. Nakita ko na lang na tulog na si Carl sa kama ko at yakap-yakap pa ang unan ko na galing din sa kanya.


Tinitigan ko lang siya at inayos ang buhok niya na nakaharang sa mga mata niya. Halatang pagod siya sa byahe saka sa mga iniisip niya. Lumabas lang ako saglit ng kwarto ko at nakasalubong ko si Daddy na mukhang kakauwi lang ng bahay.


"Kamusta si Carl?" Tanong ni Daddy, mukhang nasabi ni Coach Golf kay Daddy kung ano ang naging problema ni Carl. Ngumuti naman ako kay Daddy kaya nakahinga siya ng maluwag.


"Nakatulog na sa kwarto ko, kakatapos ko lang kasi gumawa ng project at yun." Paliwanag ko at saglit na napatawa si Daddy at mukhang may naalala sa sinabi ko.


"Basta, ayos si Carl, at ayos kayo okay na ako dun. Magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas." Niyakap ako ni Daddy bago siya pumasok ss kwarto niya at naiwan ako mag-isa sa hallway ng bahay.


Uminom lang ako ng tubig at iidlip lang ako para mamaya ay kakain kami ni Carl kahit late dinner.


Tumabi ako sa kanya at niyakap naman niya agad ako. Tiningnan ko lang siya saglit saka hinalikan ang noo niya bago ako natulog.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mastermind | Carl TamayoWhere stories live. Discover now