The following days ay nagfocus ako sa pag-aaral ko dahil kakabalik ko lang from US at marami akong bagong dapat alamin kasi iba naman ang system sa Philippines saka sa US.
Dahil sa busy ako ay dalawang games ng UP ang hindi ko napanood. Naiintindihan naman nina Terrence na hindi ako makakanood kasi alam naman nila na pinahahalagahan ko ang pag-aaral ko, dahil doon lang naman ako magaling.
Saka pinipilit kong alisin ang atensyon ko sa naging pagkakamali ko after the game ng UP against La Salle kasi imbes na yung Poison Ivy na dump account ko ang magamit ko para batiin si Carl ay yung main account ko ang nagamit ko sa sobrang katangahan ko.
-------------‐-------------------------------------------------------
Carl Tamayo
carltamayo10 • instagramEunice A.
Congratulations Carl, well deserved win!
Seen..----------‐--------‐------‐----------------------------------‐-------
Dahil doon ilang araw akong hindi nag-update sa account ko kahit pa need ko mag upload doon sa US brand na bag na kailangan kong ipromote dahil sa nangyari, sa sobrang kahihiyan ko.
During my stay sa US ay nag part time model ako kung saan nagamit ko naman ang height ko lahit hindi sa sports. I'm 5'10 by the way at confident naman ako na may itsura ako kaya pinasok ko na yung mundo ng modeling.
Doon ko na realize na nag eenjoy naman ako habang ginagawa ko yun kaya finally mayroon na rin akong pinagkakaabalahan.
"Watch ka ng game against UP, support your school." Pagpupumilit ni Kuya Tyler sa akin at kahit ayoko naman talagang manood ay pinili kong pumayag na lang sa kanya. Bibigyan naman daw niya ako ng ticket kaya pumayag na rin ako kaysa naman mag stay lang ako dito sa bahay at walang gawin kundi ang tumunganga sa mga backlogs ko na matatapos ko rin naman kapag sinipag ako.
Kaya sa araw na rin yun ay nakasuot ako ng blue halter jumpsuit naka ponytail lang ako saka maliit na bag yung kakasya lang ang wallet at cellphone ko.
"Naka blue ka ata ngayon ah," Pagpansin ni Daddy sa suot ko since manonood din siya pero naka maroon siya ngayon.
"Sabay na tayo Daddy," pag-aaya ko sa kanya at pumayag naman siya para isang kotse na lang ang gagamitin namin.
Pagkarating namin sa MOA ay nagsisimula na ang laro halos patapos na ang first quarter, naabutan kasi kami ng traffic kaya wala na rin kaming nagawa. Naupo na lang ako at tahimik na nanonood, all I can say is nakakakaba pala talagang manood ng basketball lalo pa at parehong team ay magaling at ayaw magpatalo.
Kita mo sa kilos nila na ayaw nilang bumitaw. Na kahit anong mangyari ay gagawin nila ang best nila para maibigay ang lahat sa laro manalo lang sila.
At the end of the game, it was a close match pero nanalo ang UP. At doon ko nalaman na magkakaroon ng final 4 format dahil sa panalo ng UP against Ateneo. Mag stay pa raw si Daddy at kakausapin niya ang ilang mga players mamaya habang ako naman ay nagdecide na mag antay sa labas para makita ko manlang si Kuya Tyler at ang ibang mga players from Ateneo.
Halos isang oras nga akong nag-antay sa labas at ang dami ring mga fans dito from both team. Halata naman ang pagiging matangkad ko sa crowd tapos naka 3 inch heels pa ako kaya confident ako na makikita ako ni Kuya Tyler dahil simabi ko sa kanya na naka blue jumpsuit ako.
Paglabas niya ay agad akong kumaway sa kanya at mukhang nakita naman niya ako. Nilapitan niya pa sila Raffy para bumati rin sa akin na ginawa naman nila.
"Yes! You're wearing blue!" Rinig kong sigaw ni Gian at tumango naman ako at nag thumbs up sa kanya.
"Treat us after this season," dagdag pa niya at pumayag naman ako kasi when they visited me last year ay sila yung nanlibre sa akin kaya it's my turn.
Pagkaalis ng bus nila ay sumunod naman na lumabas ang mga players sa side ng UP. I even saw Daddy going with them nakita pa niya ako at kumaway lang siya saglit sa akin.
Paglabas nila Terrence ay lumingon sila saglit at tumigil kasi sinisiguro nila na kung ako ba talaga yung nasa harap nila.
"May traitor!" Natatawang turo ni Gerry sa akin at pati si Terrence ay tumuro rin sa akin.
"Huy! Ano ginagawa mo ditong agila ka?" Natatawang tanong ni Terrence at natawa na ako dahil dun kasi wala silang pake kahit naririnig sila nung mga fans from Ateneo na tumitili rin sa kanila ngayon.
"Asan na ulit ang flying kiss ko?" Pabirong tanong ko sa kanila at agad naman silang nagpadala ng flying kiss sa akin with matching tawa pa kaya tinakpan ko na ang mukha ko sa kahihiyan kasi hindi manlang sila nahihiya sa ginagawa nila ngayon.
Pero napatigil ang pagtawa ko when I saw how Carl looked at me. Na parang sinasabihan niya ako na anong ginagawa ko rito? At kung bakit ang lapit ko sa kanya, na parang ayaw niya akong nakikita.
Mukhang nakita naman ni Terrence na tinitingnan ko si Carl kaya agad siyang umiling at hindi na nagpaalam sa akin para hilahin papasok si Carl sa loob ng bus. Bago umalis ang bus nila ay lumabas ulit siya at ngumiti sa akin.
"Tawagan ka namin ni Gerry mamaya, thank you sa panonood kahit 'di ka naka maroon!" Sigaw ni Terrence at ngumiti lang ako saglit at umalis na rin ako kasi nagchat na si Daddy sa akin na nakabalik na raw siya sa parking after niya makipag-usao sa mga players inside the bus kanina.
Pagpasok ko sa kotse ni Daddy ay nakwento niya kung gaano kasaya ang players na nanalo sila against Ateneo aya napangiti na lang din ako kasi kita naman yung effort nila para matalo ang Ateneo kanina.
"Manonood ako ng game para sa final 4 manonood ka ba?" Tanong ni Daddy sa akin pero umiling ako kasi marami na ulit akong gagawin after. Baka finals na ako makanood kahit sino pa ang team na maglaban basta nandyan ang Ateneo ay manonood ako since last year na rin ni Kuya Tyler.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...