Ngayong free ako at wala rin namang gagawin si Carl for today, he asked for a date. We didn't got a chance to do it a lot since both of us are busy, but we understand naman kasi bago naman naging kami ay halos hindi rin kami magkita. Magkaiba na lang ngayon kasi kapag busy kami gumagawa kami ng paraan para magkita kahit saglit lang.
I heard October daw magsisimula ang Season 85 at patapos na ang July ngayon kaya sulitin ko na lalo pa at pupunta sila ng South Korea this August.
"Babe, kailan nga ulit ang punta niyo sa Korea?" Tanong ko sa kanya, I decided na ipagluto kasi ng lunch si Daddy bago kami umalis ni Carl dito sa bahay. Nakahiga siya sa may sala habang nandidito ako sa may kusina. Minsan lang naman ako magluto kasi hindi rin ako magaling magluto. Pero natuto ako when we went to America at ayoko naman na puro fast food ang kainin ko doon kaya nag-aral akong magluto.
"End of August, ano pala gusto mong iregalo ko sayo?" Tanong niya, nakita ko siyang naupo sa sofa saka tiningnan yung calendar sa cellphone niya bago tumingin sa akin.
Nag-isip naman ako saglit, pero wala akong maisip kasi kahit ano naman ang ibigay niya sa akin ay okay lang.
"Wala akong maisip eh, you can just give me whatever you want as long as ikaw ang pumili." Nakangiti kong sagot sa kanya saka siya inaya na tumayo para ipatikim sa kanya yung niluto kong ulam for Daddy.
Lumapit naman siya saka niyakap ako at sinayaw pa saglit. Napangiti naman ako kasi sobrang lambing niya talaga, para siyang baby kapag kasama niya ako. Nag-eenjoy siya na parang baby ko siya kapag ganito.
Ganito lagi ang ginagawa namin kapag nandidito siya sa bahay, it's either we're playing video games o nagsasayaw lang kami na minsan ay feel ko mukha na kaming tanga.
"Babe, I'm planning to get two dogs by the end of July, which is next week." Paliwanag ko sa kanya saka pinakita yung dalawang huskies na nakita ko. I don't know I like them both a lot, magkaiba sila ng pinagmulan pero feel ko magkakasundo naman sila. Daddy adopted a stray dog last month, nasa vet pa siya ngayon because of complications sa skin niya, pero makakauwi na siya ng bahay mamayang gabi kaya kahit si Daddy ay excited to have the dog here.
"Diba Tito adopted a dog din? Kailan pala yun makakabalik dito sa bahay niyo?" Tanong naman niya saka naupo sa dining area. Pinicturan niya pa yung pagkain bago niya tinikman yun.
"Yeah, his name will be Black, because you know Daddy loves black panther." Sagot ko naman sa kanya saka naupo na rin sa tabi niya.
"Lagi tayong tsismis sa twitter," natatawa na lang si Carl habang tinitingnan yung mga tweets related sa amin. Nakita ulit kasi kami sa isang place kung saan ako nagkaroon ng photoshoot at nakita nila na kasama ko si Carl.
Napapailing na lang ako kasi para kaming artista dahil sa nangyayari. Umiiwas kami sa camera pero sila mismo ang lumalapit sa amin. Isama mo pa yung ilang mga fans na sinasabing hindi kami bagay sa isa't-isa at gusto lang daw naming magpapansin sa ginagawa namin.
Ito yung isa sa dahilan kung bakit kahit malapit na kaming mag dalawang buwan ay kakaunti pa lang ang nakakaalam. Pasalamat talaga kami ni Carl na yung mga fans na nakausap namin ay mapagkakatiwalaan. Hindi naman kami nagpapapansin, kask kung nagpapapansin kami matagal na sana kaming umamin.
Pero hindi namin ginawa kasi nga gusto namin ng tahimik na buhay. Model ako pero hindi naman full time, tumatanggap lang ako ng trabaho kapag alam kong hindi siya masyadong kakain sa oras ko, dahil kahit ano pa yan, estudyante pa rin ako. Ganoon din si Carl, he's not a celebrity, he's an athlete representing his school, and of course our country through basketball.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...