Mastermind 02

150 2 1
                                    


Pagkatapos ng game ay umuwi na agad ako at hindi na inantay si Daddy. Grabe sobrang layo na ng narating nila hindi ko mapigilang ngumiti habang nagmamaneho.


After 3 years ay nag re-activate ako ng social media accounts ko at ngayon ay handa na akong harapin sila, hindi na ako magiging ako 3 years ago.


Pagbaba ko sa kotse pagkatapos kong makarating sa bahay ay nakatanggap ako ng notifications.

--------------------------------------------------------------

Messenger

Terrence Fortea
Buhay ka pa? Tagal mong 'di nagparamdam ah, 'di mo na ako love?

Eunice Abegail Velo
'Di ka galit?🥺

Terrence Fortea
Hindi ako magagalit kung may sapat na reason ka para iwan kami.

Eunice Abegail Velo
Miss na kita, catch up tayo after season.

Terrence Fortea
Paano? Eh hindi ko nga alam kung nasaan ka.

Eunice Abegail Velo
Hanapin mo lang ako sa Ateneo.

Terrence Fortea
Putcha! Sa Ateneo ka nag-aaral?

Eunice Abegail Velo
Oo last week lang, busy na nga ako eh pero nanood ako ng game niyo kanina.

Terrence Fortea
Bakit 'di mo sinabi? Miss ka na namin.

Eunice Abegail Velo
Sigurado ka ba diyan sa namin mo?

Terrence Fortea
Hindi lang halata pero, oo.

Eunice Abegail Velo
Sige na, hanapin ko muna sarili ko.

Terrence Fortea
Sarili amp! Sige bahala ka, please lang magchat ka naman kung kumusta ka.

Eunice Abegail Velo
Yes sir, thank you Terrence.

--------------------------------------------------------------

Sa sumunod na mga araw ay hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob para manood sa laro nila. Gustuhin ko man kasi inaaya rin ako ni Daddy pero hindi ko magawang sumama. Hindi lang dahil sa maraming gawain sa school kundi dahil na rin sa ayokong makita nila akong nanonood sa kanila na parang walang nangyari.

"Daya mo naman, alam mo bang one time ka lang nakanood ng laro tapos after nun nawala ka pa. Manood ka na 'di ka naman makikita ni Carl 'wag ka mag-alala." Kausap ko ngayon sina Terrence at Gerry na nagtatago sa kung nasaan man si Carl dahil baka pag nakita ako ni Carl ay mawalan siya ng gana sa paglalaro at makaapekto yun sa games nila.

"Manood ka na, kami na magbibigay sa ticket mo." Pag-aaya naman ni Gerry sa akin pero hindi ko pa rin alam kung manonood ako kasi at some point, natatakot ako.


"Sige na manood ka na," Pero agad nanlaki ang mata ko when I saw Carl na pumasok sa kwarto nina Gerry kaya agad tinago ni Terrence yung cellphone niya sa likod niya.

"Sino kausap niyo?" Tanong ni Carl may narinig pa akong isang boses at mukhang ka teammates din nila yun.

"Ah, yung kaibigan ni Terrence galing probinsya gusto manood ng game natin." Pagdadahilan naman ni Gerry at napahinga ako ng maluwag kasi nakagawa siya ng dahilan.

Mastermind | Carl TamayoWhere stories live. Discover now