During the Final 4 phase ay hindi ako nanood. I kept myself busy during those time. After classes, aayain ako ng mga bago kong kaibigan para mag bar at sumasama naman ako para may magawa ako. Wala na rin akong pakielam kahit minsan nakikita ko ang pangalan ni Carl sa mga taong tumingin sa ig stories ko kahit hindi naman siya naka follow sa akin.
I've decided that I will confess to Carl after season kahit sobrang mahirap siya sa part ko. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi ko susubukan? If he will not accept, then it's okay. Masasaktan ako, iiyak ako, pero irerespeto ko ang desisyon niya.
Finals na ngayon, at pinilit ako ni Daddy manood since kasama namin ang buong family ni Kuya Tyler pati na rin ang family ng girlfriend niya. Si Daddy naka maroon habang naka white halter top at blue trousers ako. Pinahawak pa nga sa amin yung isang bubble ni Gian dahil nakahilera ako dun sa mga fans mayroong hawak na bubble heads of Ateneo players.
"Why am I even holding this?" Tanong ko na lang kay Tita at hinawakan na lang niya ang balikat ko saka kami naupo sa may 10th row. May nakita akong ilang school friends na nakikita ko sa bar after school kaya kumaway ako saglit at bumati bago ako naupo sa tabi ni Tita, since nasa kabilang side ng court si Daddy together with the other sponsors of UP.
May tumabing isang Ateneo fan sa akin kaya binigay ko sa kanya yung bubble head ni Gian. Nagsimula ang game at I have to admit na sobrang intense at nakakakaba panoorin ang game. Since hindi naman ako mahilig manood ng basketball, kapag free time ko ay nanonood ako para naman alam ko ang mga tawag kapag manonood ako ng game at para sulit din, since laging sold out ang tickets kapag UAAP finals.
After the game, nanalo ang UP against Ateneo sa first game. Hindi na ako nag stay after the game since alam ko na hindi rin naman magtatagal ay aalis din agad sila Kuya Tyler at wala na silang tume para mag entertain ng fans.
Inaya ako ng mga kaibigan ko na mag bar ngayong gabi kaya sumama na ako, buti na lang at dala ko ang kotse ko ngayon at hindi ako sumabay kay Daddy.
Pagkarating ko doon ay nag-inom lang ako habang iniisip kung kailan ko sasagutan ang mga gawain ko. I posted a photo of me na nasa bar.
Nakita ko naman agad ang message ni Terrence na sinasabing ang dami ko raw oras kaya natawa ako kasi wala siya nun ngayon dahil sa finals nakalaan ang buong oras nila.
Hindi rin naman ako nagtagal kasi may klase pa ako kinabukasan kahit saglit lang iyon. Pagkauwi ko ay naligo na rin ako at saka nahiga sa kama ko para matulog when I remembered na hindi ko pa pala nakakausap si Carl using my dump account.
--------------------------------------------------------------
Carl Tamayo
carltamayo10 • instagramPoison Ivy
Congrats Carl! Pinanood ko yung game kanina.Carl Tamayo
Thank you! Nood ka ulit sa game 2?Poison Ivy
Ewan ko pa, tingnan ko.Carl Tamayo
Sige, thank you ulit sa support.Poison Ivy
Padala ako ng sisig at cochinillo diyan, bukas.Carl Tamayo
Mag-aabala ka pa, okay lang.Poison Ivy
I insist, padala ko bukas sa hotel niyo, congrats.Good night, Carl, salamat.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...