"Babe! Let's buy these, we can give it sa mga bata sa labas." Nandito kami ngayon sa may 7/11 napansin namin na maraming mga bata sa labas na humihingi ng pagkain. I don't have any problem naman sa pagbibigay, pero hindi ako nagbibigay ng pera sa kanila kapag nanghihingi sila.
Ito rin yung natutunan ko kay Carl during our highschool days eh, na huwag akong magbibigay ng pera kapag nanghihingi sila, I should better give them food para alam ko na sa kanila mapupunta kaysa sa pera.
Marami kaming binili at pumunta naman agad kami sa counter para makapagbayad. Magkikita kasi kaming apat nila Terrence ngayon para kumain sa labas. Paglabas namin ay lumapit agad yung mga bata sa amin kasi kilala na nila si Carl na palaging nagbibigay sa kanila ng pagkain kapag bumibili siya.
"Kuya Carl, bumalik ka, siya ba yung tinutukoy mo na babaeng isasama mo dito para ipakilala sa amin?" Tanong nung isang bata saka ako tinuro. Ngumiti siya sa akin na parang natutuwa talaga siya na nakita niya ako ngayon.
"Oo, diba sabi ko naman sa inyo ipapakilala ko siya sa inyo." Sagot naman ni Carl saka inabot yung mga pagkain na dala namin para sa kanila. Naupo kami sa may upuan kasi hindi pa naman tapos magbihis sila Terrence at Gerry.
"Ano po pangalan niyo Ate?" Tanong nung isang batang babae saka tumingin ss akin inaantay ang sagot ko. Inabot naman ni Carl sa akin yung tubig na binuksan niya kaya uminom muna ako saglit saka ngumiti sa mga bata.
"Eunice Abegail ang pangalan ko, pero Abegail ang tawag nila sa akin." Pagpapakilala ko sa kanila saka ko sila binigyan ng maliit na chocolates dahil kapag malaki baka sumakit pa lalamunan nila at ayaw ko iyong mangyari.
Nakita ko naman sa malayo sila Terrence at Gerry na naglalakad. Mukhang nakita rin naman nila kami kasi kumaway sila kaya kumaway na rin ako.
"Bye po! Okay na po kami dito, salamat po sa pagkain." Nagpaalam na rin kami sa mga bata kasi nandiyan na sila Terrence.
"Ang bait naman ng Katipunan couple." Natatawang asar nila Gerry saka kami naglakad. Nagdecide kaming mag UP date at maglalakad lang kami ngayon kaya nakapang jogging attire kami ngayon.
"Hindi pa halata na magjowa kayo niyan ano?" Mapang-asar na sabi ni Terrence saka tinuro yung kamay namin ni Carl na magkahawak ngayon habang naglalakad kami.
Umiling na lang kami sa kanya saka nauna na kaming maglakad at iniwan silang dalawa sa likod.
"Inggit lang yan kasi walang jowa! Siya na lang single sa ating apat." Natatawa pa si Carl saka ako binunggo para tumawa ako sa mga sinasabi niya.
"Lovebirds!" Sigaw ni Terrence kaya humarap kami sa kanya at kinukuhanan niya kami ng video.
"Inggit ka lang eh!" Sigaw naman ni Carl sa kanya kaya inexpect ko na yung susunod na gagawin ni Terrence, he raised his middle finger while mocking Carl in a funny way kaya ang ending kami ni Gerry ang naglalakad habang naghahabulan silang dalawa.
Chill lang kaming naglalakad at kumukuha pa kami ng mga pictures.
"Parang wala na sa atin 'to kasi simula highschool pa lang bingi na tayo sa dalawang yan." Yan na lang ang sinabi ni Gerry at naglakad lang kami habang sila ay naghahabulan pa rin.
Nakarating naman kami sa malapit na kainan at naghanap na agad kami ng mauupuan namin. Tinabihan ako ni Carl sa upuan at kinuha na namin ang menu para mamili ng pagkain.
"Tawagan mo kaya si Harold, walang kasabay yun kasi may klase pa si Luna ngayon." Agad namang kinuha ni Terrence yung cellphone niya para tawagan si Harold pagkasabi ni Carl.
Nag-antay muna kami kay Harold after few minutes naman ay dumating na rin siya. Para siyang galing sa bahay dahil naka sandong gray siya at shorts. Tumawa naman siya pagkakita sa amin at tumabi siya sa kung nasaan si Terrence.
"Ikaw naman ang may jowang kasama ah," natatawang asar ni Harold kay Carl at sinamaan lang siya ng tingin ni Carl saka umiling pero lumapit si Carl sa akin at inakbayan ako saka nang-inggit pa sa mga kasama namin.
"Malapit na ang season, mukhang pagod na naman tayo." Pagkukwentuhan namin habang kumakain na kami.
Alam ko naman na magiging busy na ulit sila kaya nga sinusulit ko na yung mga dates namin ni Carl kasi kahit ako magiging busy na rin ako sa mga susunod na buwan.
"Babe, I'll buy you something before you go sa overseas training niyo." Bulong ko sa kanya saka ko hinawakan saglit kamay niya bago nakinig ulit sa mga kwento nila Terrence about sa mga katarantaduhan nila everytime na break nila from trainings. They told me how they would always go sa park to ride a seasaw, or kaya naman ay ang mga guess the bill nila dito mismo sa kinakainan nila.
"Post niyo yan ang cute niyo," suggestion ko at tumango naman si Harold pero pinaliwanag niya na pag nasabi na ni Carl na last year na niya sa UP saka niya ipopost 'to parang appreciation daw kaya pati si Carl ay nag suggest na.
"Gawa pa tayo maraming videos para naman marami ka mapost. Nahiya ka pa alam ko naman na idol mo ako." Pang-aasar naman ni Carl kay Harold at umiling na lang si Harold saka pabirong hinampas si Terrence na tahimik na natatawa.
"Sino kasama mong manonood kapag nagsimula na ang season 85?" Tanong ni Harold kaya tumingin silang lahat sa akin. Nag-usap na kasi kami ni Luna noong isang araw at inaaya niya ako na kapag free raw ako at walang kasama ay sa kanya na lang daw ako sumabay manood kaya ganoon ang gagawin ko.
"Si Luna, she offered me to watch with her if I'm alone." Sagot ko naman sa kanila at tumango sila kasi alam naman nila kung gaano ka supportive si Luna sa team kaya alam ko na hindi ako pababayaan ni Luna.
"Masayang kausap si Luna, saka kasama pag maglalaro, lakas ng sigaw niyan masakit sa tenga." Paliwanag naman ni Carl sa akin at doon ko nalaman na sobrang lakas pala talaga ng boses ni Luna kasi nakwento sa akin ni Carl kung paano sila kapag nag-aaway sa bahay nila ay kahit ang mama ni Luna ay walang nagagawa.
"Pataasan sila ng boses, hindi pride." Natatawang dagdag pa ni Harold saka pinakita sa akin yung video kung saan nagbibiruan lang sila Carl at Luna pero sobrang lakas ng boses nila kaya pati ako natawa na lang din habang pinapanood ko.
Buong araw sila lang ang kasama ko, sumama na rin ako sa training nila. Nakilala ko rin yung ibang mga players na hindi ko madalas makita kasi kapag may special training lang si Carl saka ko nakikita yung iba.
Naghahanda na rin sila paunti-unti, 'di pa kasi fully healed yung ibang may mga injury sa ksnila, pero kita mo sa kanila na willing talaga silang magtraining na.
Kita ko yung efforts nila to perform well, lumingon si Carl sa akin saka kumaway bago siya nagsimulang magtraining habang ako ay nasa bench at kinuha na ang laptop ko para makapag-aral kahit dito.

YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanficUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...