Mastermind 18

61 2 0
                                    

Maaga kaming nagising, kahit si Daddy ay nasa dining area na pagbaba namin ni Carl. Sinabi niya na siya na ang nagluto ng breakfast namin kasi gusto niyang magluto.

"Alis na tayo ng 8 AM," paalala ni Daddy at tumango naman ako saka kami naupo sa tapat niya. 

"Babe, ready na ba lahat ng dadalhin mo?" Tanong ko sa kanya, nakita ko naman na tumingin si Daddy sa amin umiiling pa pero nakangiti siya.

"Ang tamis ah, umaga pa lang." Kahit si Carl ay napatawa na lang sa sinabi ni Daddy. Alam kong kahit matagal tagal ng pumupunta si Carl dito ay hindi pa rin siya sanay na nakikita yung kakulitan side ni Daddy kasi ang alam lang niya ay palaging seryoso si Daddy.

"Tito, sobrang tamis?" Tanong naman ni Carl na siyang sinang-ayunan agad ni Daddy. Nagbiruan pa kami habang kinukwento nila kung ano ang magiging plano nila habang nasa South Korea sila habang ako naman ay nakikinig lang dahil magiging busy rin ako habang wala silang dalawa dito sa Pilipinas.

Pagkatapos kumain ay naghanda na sila pareho para ilagay sa kotse kung ano ang mga dadalhin nila papunta sa South Korea.

"Babe, kapag may problema ka tapos alam mo na wala kami ni Tito, may matatawagan ka naman dito diba?" Tanong ni Carl at tumango naman ako at niyakap siya. Tinutulungan ko na silang magsakay ng gamit nila sa kotse na gagamitin ko sa paghahatid sa kanila.

"Oo nandito naman sila Kristine, saka nandito rin sila Kuya Tyler kaya ko rin ang sarili ko." Sagot ko naman sa kanya saka pumasok na kami sa kotse dahil paalis na rin kami inaantay lang namin si Daddy na nasa office pa niya at may kukunin lang daw siyang importante doon.

"Ikaw, call me if you can, especially after training. I want to know your status there lalo pa at malayo ka sa akin." Paalala ko sa kanya. Ayoko kasi na sa iba ko pa malalaman kung ano yung mga iniinda niya sa training. Ganito kasi yung nangyari last month kay Terrence ko pa nalaman na may sprain siyang natamo while doing his extra training.

Niyakap naman niya ako saka hindi siya nagsalita. Inaayos lang niya yung buhok ko pero nanatiling nakayakap pa rin siya sa akin.

"Tatawagan kita every after break sa training. Or I'll dm you para alam mo yung ginagawa ko kahit nasa school ka." Sagot niya at ngumiti naman ako dahil doon. Hindi naman sa sinasakal ko siya na sabihin niya lahat lahat, but rather I jusy want to know what's happening lang within his trainings. Kahit 'wag na niyang sabihin ang gagawin niya after trainings like ang pag-uuli nila sa Korea since free time niya yun to roam around at ayokong pati yun ay sasabihin niya sa akin.

"Galingan mo doon ah, alam ko naman na magaling ka na, but more than that please take care of yourself." Paalala ko sa kanya saka inabot yung isang maliit na bag kung saan may mga ointments at mga gamot just in case na kakailanganin niya pag nandoon na sila since ilang weeks din sila doon.

Pagkatapos naming mag-usap ay saktong pagdating naman ni Daddy. Kaunti lang naman ang dala nilang gamit saka yung malaking kotse ang dinala ko para hindi kami sikip habang nasa byahe.

Habang nasa byahe kami ay kwentuhan lang ang ginagawa namin. I kept asking them kung ano ang mga gagawin nila pagpunta nila sa South Korea aside sa training for Season 85.

Nasabi ni Daddy na marami rin pala na teams sa Korea ang gusto si Carl kaya lang hindi na rin inaaccomodate ni Carl since he is planning to accept yung nasa Japan na offer.

"Carl, si Terrence ata ang ka roommate mo," paliwanag ni Daddy saka pinakita kay Carl ang initial plan para sa hotel rooms nila.

After an hour ay nakarating na kami sa airport. Nakikita ko na rin ang ilang teammates ni Carl na nandoon na. I even saw Cj yung teammate ni Carl na nainjured, but I guess he's doing fine na.

Kumaway ako kila Terrence when I saw them na papalapit na sa kung nasaan kami. Binuksan ko naman yung likod ng kotse para makuha na nila Daddy yung maleta na pinaglalagyan ng damit nila.

"Abegail, take care of Black habang wala ako." Paalala ni Daddy at tumango naman ako since tatlo naman silang aso na nasa bahay at hindi lang naman ako ang nag-aalaga sa kanila kahit yung ibang mga taong kasama namin sa bahay ay napapamahal na rin sa mga aso.

"Ako na ang bahala Daddy, enjoy lang kayo at pakibantayan ang pasaway na higanteng 'to." Sabay turo ko kay Carl na natatawa na lang sa pagkakasabi ko ng higante sa kanya.

Yumakap si Terrence at Gerry sa akin. Lumapit din sila Harold nakapagkwentuhan pa kami dahil matagal tagal pa naman bago sila umalis. Tahimik lang ako sa may gilid habang nasa tabi ko si Carl na nakahawak sa cellphone niya at ang isa naman niyang kamay ay hawak ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at mukhang wala siyang balak na bitawan ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin ngayon dahil may inaasikaso siyang requirements sa cellphone niya.

After 30 minutes ay nagpaalam na rin ako kila Daddy saka kay Carl dahil kailangan ko ng umalis dahil may usapan kami nila Maye na kakain kami sa may Katipunan for lunch.

"I have to go, boarding niyo na rin naman in a few minutes." Paalam ko kay Carl saka niyakap siya ng mahigpit. Tumango naman siya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Dm me, open lang dm ko for you, stay safe." Bulong ko sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi pagkatapos kong guluhin at pisilin ang pisngi niya kasi akala mo naman matagal kaming magkakahiwalay.

"Huwag ka ng malungkot ilang weeks lang naman, nakaya nga natin ng years." Niyakap ulit siya saka ngumiti assuring him na okay lang talaga na iwan ako dito.

"Carl, masanay ka na, paano pag pumunta ka na sa Japan mas mahihirapan tayo nito." Natatawnag paalala ko sa kanya at agad naman siyang tumango at mukhang natawa na lang din sa ginawa niya kaya huniwalay siya sa yakap saka ngumiti. Mukhang dahil sa sinabi ko ay gumaan ang nararamdaman niya ngayon.

"Babalik ka pa naman, good luck!" After nun ay lumapit na siya kila Terrence na kumaway lang sa akin at ngumiti kaya ngumiti din ako pabalik sa kanila bago ako lumapit kay Daddy para yakapin siya bago ako umalis.

***

Been busy, from school and other stuffs sorry for not updating :)

Mastermind | Carl TamayoWhere stories live. Discover now