After what happened ay parang naging normal lang naman. Yes, masakit sobrang nasaktan ako pero wala na akong time umiyak kasi mas kailangan kong magfocus sa pag-aaral ko. Nakikita ko rin yung mga pictures nila kung saan lumalabas sila at naggagala o 'di kaya ay nandoon lang sila sa bahay nila Luna.
One time pumunta ako sa Xylo kasi nalaman ko na pupunta sila dun to celebrate. Gusto ko lang namang makita si Carl kahit saglit, nilapitan ko rin saglit sina Terrence. Nabasa pa nga ang suot ko kasi hindi sinasadya ni Luna na mabunggo ako. Akala ko saglit lang ako pero nag-usap kami saglit kaya pagkaalis nila doon lang ako umalis.
Kung hindi ako nag-aaral ay nasa bar ako pag gabi. Parang yun na lang kasi yung kalayaan na nabibigay ko sa sarili ko ang uminom at kalimutan lahat either it's related sa school or sa personal life ko.
Malas, nasa Ateneo campus kasi ako that time tapos nasiraan ako ng kotse ko tapos tanghaling tapat pa. Agad kong tinawagan si Terrence dahil lagi naman siyang nasa Katipunan kaya magpapasundo na lang ako sa kanya kasi kailangan ko talagang makauwi ngayon dahil nalimitan ko yung project ko sa bahay.
"Terrence, nasa Katipunan ka ba ngayon? Sunduin mo naman ako nasira kotse ko need ko makauwi kasi yung project ko naiwan sa bahay." Paliwanag ko sa kanya at agad naman siyang tumango at pinatayan ako ng tawag.
Ilang minutes din akong nag-antay sa labas ng Ateneo ng may sasakyang tumigil sa tapat ko. Pagkabukas pa lang ng bintana ay umiwas na agad ako ng tingin. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, naalis na rin siya saglit sa isip ko tapos ito na naman siya nasa harap ko ngayon.
"Kailangan mo raw umuwi? Wala si Terrence sa dorm kaya ako susundo sayo." Yun lang ang sinabi niya kaya kahit nahihiya ako ay sumakay na ako sa sasakyan niya. Buong byahe ay tahimik lang ako dahil ayokong magsalita o ayaw ko lang siyang kausapin.
Pagkarating sa bahay ay agad akong bumaba at humarap sa kanya.
"Pwede ka na umuwi, pasensya sa abala, salamat pala." Diretso kong sinabi habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Nakita ko namang nakatingin siya sa mga kamay ko na ngayon ay magkahawak kasi pinipigilan ko ang sarili ko na kurutin ang kamay ko habang kausap siya.
"Hintayin na kita, wala naman akong gagawin ngayon." Agad naman akong umiling sa suggestion niya dahil kapag ihahatid niya pa ako pabalik sa Ateneo ay baka mabaliw na ako.
"Hindi, okay lang talaga kaya ko na sarili ko." Ngumiti pa ako sa kanya para maniwala siya, tumingin siya sa akin saglit na parang he's analyzing me or something.
"Sigurado ka ba talaga? Madadaanan ko rin naman ang Ateneo pabalik bago ako pumuntang BGC." Paliwanag niya at na realize ko na may pupuntahan pala siya pero nag effort pa rin siya na sunduin ako dahil nakiusap si Terrence sa kanya kaya tumango na lang ako at tumakbo na papasok ng bahay para makuha agad yung project ko. Nakita ko pa si Daddy habang pababa ako ng hagdan.
"Daddy! Ask someone to pick up my car inside Ateneo. Nasira siya today, muntik ko pang hindi makuha 'to." Sigaw ko at hindi na inantay ang sagot niya dahil lumabas na agad ako ng bahay para hindi na mag-antay ng matagal si Carl sa labas.
Pagkasakay ko ay agad akong ngumiti sa kanya.
"Sorry talaga, ewan ko ba kay Terrence nagtanong lang ako kung nasa Katipunan ba siya 'di ko naman alam na ikaw pala uutusan niya, don't worry 'di na mauulit." Pagkatapos nun ay binuksan ko saglit ang laptop ko para tingnan pa ang ibang mga gawain na kailangan ko ring ipasa ngayong araw. Napansin ko naman na napatingin siya saglit sa laptop ko bago tumingin pabalik sa kalsada.
"Busy ka pala talaga, buti nakanood ka ng UAAP." Tanong niya at napailing na lang din ako kasi hindi ko alam kung laano ko nga siya napagsabay.
"Hindi ko rin alam eh, pero isa lang ang alam ko, gusto ko kayo makitang maglaro ulit. Hindi ko kasi siya nagawa noong high school dahil alam mo na." Yun na lang ang sinabi ko saka tumingin sa kanya at ngayon ay nakatingin na siya sa akin dahil sa stop light.
"Ano na nga ulit ang height mo?" Tanong niya sa akin, sinarado ko naman ang laptop ko at humarap sa kanya dahil excited akong sabihin sa kanya ang height ko.
"Noong umalis ako 5'6 lang ako noon, and now I'm 5'10, I can't believe how tall I am right now pero kung magtatabi pa rin tayo ay alam kong maliit pa rin ako." Natawa siya sa huling sinabi ko kasi totoo naman talaga, kahit anong tangkad ko sa ibang babae maliit pa rin ako kung tatabi ako kay Carl.
"Busy ka pa rin ba?" Tanong niya saka tumingin na ulit sa kalsada at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"After this week, mukhang hindi na masyado since tinatapos ko na lahat ng pwede kong gawin para magawa ko na ang gusto ko." Sagot ko naman sa kanya pagkatapos ay tumingin na ako sa kalsada at alam kong malapit na kami dahil nakita ko na ang Ateneo.
"Call ka namin nila Terrence kapag lalabas tayo, siguraduhin mong sasama ka." Nakangiting pag-aaya niya sa akin kaya natahimik ako saglit kasi parang nawala na yung barrier niya sa akin. Na parang pinapasok na niya ulit talaga ako sa buhay niya after what happened.
Ngumiti naman ako ng sobra saka tumingin sa kanya at inayos ang salamin ko saglit.
"Sige ba, just call me I can clear my schedule for you guys." Sagot ko sa kanya at lumapit ako sa kanya para yakapin siya saglit bago ako lumabas sa kotse niya.
Binuksan naman niya yung bintana ng kotse niya, I even heard some students walking behind me when they saw Carl.
"That's Carl Tamayo right? He's cute." A beautiful girl said, saka tumingin ulit saglit sa kung nasaan ako.
"His girlfriend?" Tanong naman nung isa at agad umiling yung babae.
"He's not in a relationship from what I've heard, he said he got no time for that." At hindi ko na pinakinggan yung iba dahil binalik ko na ulit ang tingin ko kay Carl na inaantay akong tumingin sa kanya.
"Tandaan mo tawagan mo kami," paalala niya, I rolled my eyes and after that I nod saka ko tiningnan ang relo ko at nakitang 5 minutes na lang ay malapit na kaong malate.
"Shit! I'll go na Carl malalate na ako," sigaw ko at saka umalis na sa harap niya, narinig ko pa saglit yung tawa niya pero hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin dahil kailangan ko ng makapunta sa room dahil ayokong ma late sa klase ko.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...