Nagsuot ako ng white t shirt at may suot akong ID ng Ateneo, pero sinuot ko yung cap ni Daddy na galing sa UP.
Pagpunta namin sa MOA ay makikita mo na kaagad ang maraming tao, kitang-kita ang dami ng crowd sa UP na parang homecourt nila ang Game 3. I can't deny how supportive the fans of UP kaya nakaka excite kapag manonood ka ng game tapos isa sila sa team na maglalaro.
"Cheer ka rin sa UP," natatawang suggestion ni Daddy sa akin pagkaupo namin sa arrangement seat namin. Katabi namin ang ibang alumnis na mukhang galing pa sa malalayong lugar at nagbigay laan talaga para manood ngayong gabi.
"Emilio, ito na ba ang anak mo? Nag-aaral na rin sa UP? Parang dati lang sa NU pa niya gusto mag-aral." One of Daddy's friend said, habang nag-aantay kaming magsimula ang laro.
"Nako, student siya ng Ateneo, naka support sa UP kasi nandoon ang mga kaibigan niya." Paliwanag naman ni Daddy at nanlaki ang mata nung kaibigan ni Daddy.
"Sino sa mga players ang kaibigan mo hija?" Tanong naman niya at tumingin ako sa mga players na nagwawarm up na ngayon sa court.
"Ah, kaibigan ko po yung mga players from NU bullpups." Sagot ko naman sa kanya at tumango siya mukhang nagustuhan ang sinagot ko.
Nagsimula ang game kung saan ay nakatutok lang ako sa mga laro nila. Wala akog pake sa mga sigaw ang mahalaga sa akin ay makita ko silang maglaro.
Grabe yung pinakita nung isang player from UP na si Cj Cansiño, kasi from the game against Ateneo bago matapos ang 2nd round ay na injure siya tapos ngayon ang ganda ng pinapakita niya kahit hindi siya hundred percent okay.
Team effort talaga ang pinapakita ng bawat teams. At sa pagkalamang ng UP ay ang katabi ko ang pinakamasaya. You can see how happy my father is seeing his alma mater leading the scoreboard. Matagal na ito para sa kanila, 36 years na since huling beses silang naging champion sa UAAP at panahon pa iyon ni Benjie Paras during his rookie year. At ngayon ay may bagong rookie sila na ginagawa ulit ang best to win it, Carl Tamayo.
Naluluha na lang ako seeing him play sa ganitong kalaking court at maraming nanonood sa kanya at sumusuporta.
"Ang layo na talaga ng narating mo," bulong ko habang pinapanood ko siyang naglalaro aa court habang nakatayo ako at inaantay ang pagkapanalo nila.
"Panalo UP anak!" Sigaw ni Daddy at niyakap niya ako. Habang yakap ako ni Daddy ay napatingin ako sa mga kaibigan ko na nagyayakapan sa court. Kitang-kita ko kung gaano kasaya sila Gerry at Terrence saka nila nilapitan si Carl na umiiyak sa tuwa ngayon.
Simula noon hanggang ngayon, silang tatlo pa rin talaga ang magkasama habang nakatingin ako sa malayo at nakangiti sa kanila. Ito ang natutunan ko when I left, natutunan kong pahalagahan ang mga bagay na meron ako at matutong maging masaya sa achievements ng iba.
When I saw the whole team went sa malapit sa amin ay napangiti ako habang nakikitang kumakaway sila sa crowd habang hawak ang medal na natanggap nila mula sa pagkapanalo nila.
Mukhang alam nila kung saan nakapwesto ang mga alumni dahil lumingon din sila kung nasaan sila Daddy at doon ko nakita sila Terrence na kumakaway na sa akin at hawak-hawak ang mga medal nila.
Nakita ko kung paano nila hinila si Carl at pilit na pinalapit sa kung nasaan sila para makita nila akong tatlo.
"Abegail! Champion ulit!" Sigaw ni Terrence at Gerry habang nakatayo lang si Carl at nakatingin sa akin. Kumaway lang ako sa kanila at pinakita ang cap na suot ko ngayon.
YOU ARE READING
Mastermind | Carl Tamayo
FanfictionUP Fighting Maroons #2 Eunice Abegail Velo, a 21 years old student transferee from the US. When she was in high school she studied in National University, that's where she met Carl Tamayo whose now a player of UP Fighting Maroons. Eunice, being the...